Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cruise ship, nasunog; lima ang sugatan

(GMT+08:00) 2012-03-31 17:56:43       CRI

ISANG inter-ocean cruise ship ang nasunog sa mantalang naglalayag mula Maynila patungong Indonesia kagabi. May lima katao ang sugatan sa insidente.

Ayon kay Lt. Commander Omay Tonsay, Tagapagsalita ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, ang barko'y nagngangalang "Azamara Quest" ay nag-apoy may 45 milya sa hilagang silanganng Sandakan, Malaysia.

Idinagdag ni Tonsay na may t 600 pasahero ang barko na nagmula sa America at Europa. May 121 mga Filipinong magdaragat ang kawani ng barko. Ipinadala kaagad ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang mga Barkong Republika ng Pilipinas Emilio Liwanag, Leovigildo Gantioque at Juan Magluyan upang tumulong sa mga tauhan ng barkong nasusunog.

Nasunog ang barko sa pagitan ng Tawi-tawi at Palawan. Natapos na ang apoy sa barko.

Ayon kay Commodore Eric Evangelista, sa panayam ng China Radio International ngayong hapon, naganap ang minor fire incident may 140 milyo mula sa Sandakan, Malaysia. Kasaluyang walang kuryente ang barko at hindi maka-alis sa kanyang kinalalagyan sapagkat hindi na umaandar ang mga makina nito.

Isang barkong Philippine Coast Guard mula sa Cebu, dalawang barkong Philippine Coast Guard at dalawang barkong Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and ipinadala upang tulungan ang mga tripulante at pasahero.

Pinagtatangkaan na umano ng mga tripulanteng paandarin ang mga makina at sa oras na umandar ang mga to, magpapatuloy ang barko sa paglalayag patungo sa Sandakan, Malaysia.

Sa limang sugatan, isa ang nasa malubhang kalagayan. Umarkila na rin umano ng inter-ocean towage ang kumpanya upang hilahin ang barko sa kaling hindi na umandar ang mga makina nito.

Hindi na umano kailangan pa ang air evacuation para sa mga nasugatan sa pagkat mayroon namang manggagamot na sakay sa barko na may sapat na kagamitan.

Pinabalik na rin ang ibang mga barko maliban sa Barkong Republika ng Pilipinas Romblon at isang barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>