Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulisya, naka-alerto sa "Semana Santa"

(GMT+08:00) 2012-04-02 18:51:13       CRI

INUTUSAN ni Police Director General Nicanor A. Bartolome ang lahat ng regional, provincial, district, city at municipal directors na personal na ipatupad ang Patrolya ng Pulis program sa pamamagitan ng Police Integrated Patrol System at Oplan Sumer Vacation 2012.

Tiniyak ni Director General Bartolome na lahat ng pulis ay handang magpatupad ng mga programang titiyak sa seguridad ng mga mamamayan at tuloy din ang summer offensive laban sa street crime tulad ng motorized criminal elements.

Ayon sa pinuno ng pambansang pulisya, inaasahan niya ang mga regional at district directors na mamuno sa kampanya. Ito'y kasunod ng mga balitang bumababa ang crime rates sa Pilipinas kaya't kailangan umanong pag-ibayuhin ang crime prevention activities.

Ngayong hapon, nagsagawa ang Philippine National Police ng inspeksyon sa lahat ng bus terminals at mga kinagagawiang puntahan ng mga mamamayan tuwing Semana Santa. Tiniyak ng pulisya na mapipigilan ang mga masasamang elemento sa pamamagitan ng police visibility patrols.

Samantala, mapayapang naidaos ang "Domingo de Ramos" o "Linggo ng Palaspas" kahapon sa buong bansa. Nagkaroon ng prusisyon bago sinimulan ang pagbebendisyon ng mga palaspas at olibo na simbolo ng pagpasok sa Herusalem ng Panginoogn Hesukristo higit sa dalawang libong taon na ang nakalilipas. Ito rin ang naging simula ng pagdiriwang ng Misa sa lahat ng simbahan sa Pilipinas.

Ngayong Lunes Santo, marami na ring nagsiuwi sa kanilang mga lalagiwan upang doon makiisa sa paggunita ng Semana Santa.

Pilipinas, nababahala sa paglulunsad ng satellite ng Hilagang Korea

ANG Pilipinas ay patuloy na sumusuporta sa mga pagtatangkang mawala ang mga armas na nukleyar sa Korean Peninsula. Nananawagan din ang Pilipinas sa pagpapatuloy ng Six Party Talks upang matamo ang mithiing ito. Ito ang buod ng pahayag ni Kalihim Albert F. del Rosario sa ASEAN Foreign Ministers Meeting sa Phnom Penh, Cambodia kanina.

Ayon kay Ginoong Del Rosario, nababahala ang Pilipinas sa mga nagaganap sa Korean Peninsula ngayon lalo't higit sa ibinalitang balak ng Democratic People's Republic of Korea na maglunsad ng satellite sa pagitan ng ika-12 at 16 ng Abril.

Ang Pilipinas ay nananawagan sa ibang mga bansang kabilang sa ASEAN na pakiusapan ang Hilagang Korea na huwag nang ituloy ang balak na paglulunsad ng satellite at tumugon sa UN Security Council Resolutions 1874 at 1718 at suspendihin ang ballistic missile programs nito.

Sa mga pangyayaring ito, ang Cambodia, ang ASEAN chair ngayon, ay nagpaabot ng katiyakang makakasama sa agenda ang magiging posisyon ng ASEAN sa isyu.

Mga kawal, sumailalim sa Mandatory Drug Test

HUMIGIT-KUMULANG sa tatlong daang tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na kinabibilangan ng mga opisyal at mga karaniwang kawal, kabilang na rin ang civilian employees na dumalo sa Flag Raising Ceremonies ang sumailalim sa mandatory drug testing kaninang umaga.

Ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ang nagsagawa ng mandatory drug testing ayon sa Anti-Drug Task Force Moses. Ang task force na ito ang kikilala, darakip at magsisiyasat at maglilitis sa mga militar at sibilyang kawani ng AFP na sangkot sa paggamit ng bawal na gamot.

Ang palatuntunang ito ay kasabay ng programa ng pamahalaan at mga non-government organizations na sangkot sa anti-drug campaign.

Inaalam ng task force kung mayroong mga gumagamit ng shabu at marijuana sa mga tauhan ng pamahalaan. Mga tauhan ng ISAFP at mga accredited specialists ang kumuha ng urine samples sa mga tauhan ng general headquarters kanina.

Ito ang ikalawang drug testing na isinagawa ngayong taon. Noong Enero, dalawang tauhan ang napatalsik sa tungkulin matapos mabatid na gumagamit ng illegal na droga.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>