Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga martir na Tsinoy, ginunita

(GMT+08:00) 2012-04-04 17:51:36       CRI

MGA MARTIR NA TSINOY, GINUNITA

AMBASSADOR MA KEQING NG TSINA, DUMALAW SA CHINESE CEMETERY.  Makikita sa larawan si Chinese Ambassador to the Philippines Ambassador Ma Keqing, Ginoong James Dy ng Chinese Charitable Association (gawing kaliwa) at Tan Ching, Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (gawing kanan) at iba pang mga pinuno ng Filipino-Chinese community.

PINAPURIHAN NI AMBASSADOR MA ANG MGA NAGBUWIS NG BUHAY NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.  Sa kanyang talumpati. sinabi ni Ambassador Ma Keqing na angkop lamang na pasalamatan ang mag naghandog ng kanilang buhay sa paglaban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

ANG PHILIPPINE CHINESE ANTI-JAPANESE WAR MEMORIAL ANG SIMBOLO NG MATAGAL NA PAGKAKAIBIGAN NG MGA TSINO AT PILIPINO.  Sa gusaling ito makikita ang mga larawan at mga pangalan ng mga nagbuwis ng buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 

ANG PHILIPPINE CHINESE ANTI-JAPANESE WAR MEMORIAL.  Na sa larawan ang mga bulaklak na inihandog sa ala-ala ng mga yumaong Tsinoy na nakiisa sa mga kawal na Pilipino at Amerikano sa pakikipaglaban sa mga Hapones.

 

PINAPURIHAN ni Chinese Ambassador to Manila Ma Keqing ang mga Tsinoy na nagbuwis ng buhay noong nakalipas na Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas noong Dekada Kwarenta.

Ito ang buod ng kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Qing Ming Festival, ang okasyon na nagbibigay-galang sa mga ninuno at mga bayani.

Dumalaw si Ambassador Ma sa Chinese Cemetery sa Lungsod ng Maynila kaninang umaga at nag-alay ng mga bulaklak sa puntod ng mga bayani. Malaki rin ang iniambag ng mga Tsinoy sa mga kamag-anak nila sa Tsina noong maglunsad ng ibayong pananalakay ang mga Hapones noong mga huling taon ng Dekada Treinta.

Ginunita ni Ambassador Ma ang pakikipaglaban ng mga Tsinoy sa mga mananakop na Hapones. Nakasama sa pakikipaglaban sa mga Hapones ang Wha Chi Brigade na tumulong sa mga kawal ng United States Armed Forces in the Far East o USAFFEE, sa Hunters Guerilla, Philippine Scouts at mga gerilya sa mga kanayunan.

Isa sa mga dinalaw ni Ambassador Ma ang Philippine Chinese Anti-Japanese War Memorial na itinayo upang patuloy na gunitain ang pagtutulungan ng mga Tsino at mga Pilipino. Ang museo ay naglalaman ng mga kagamitan bago sumiklab ang digmaan sa Dagat Pasipiko. Ang isa pang bahagi ng museo ay ang pagpapakita ng pagtutulungan ng mga Tsinoy sa mga Pilipino at Amerikano upang labanan ang mga Hapones.

Ayon kay Ambassador Ma, kitang-kita ang mainit na relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, na nakita sa Kasaysayan, pagbubuhos ng dugo at mga kaugalian. Nasubukan na ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga Tsino at mga Pilipino sa paglipas ng panahon. Hindi lamang misyon kungdi mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang pagpapanitili ng mainit na pagkakaibigan.

Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Ambassador Ma na malalim ang pinag-uugatan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. At higit na magiging payapa ang mga kaluluwa ng mga nagbuwis ng buhay kung mapapagibayo ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ay ang mga kilalang pinuno ng Filipino-Chinese community tulad ni Ginoong James Dy ng Chinese Charitable Association at Tan Ching ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry. Naroon din sa pagtitipon ang 92-taong gulang na si Ginoong Lee Dian Piak na kilala sa pangalang Siu Tiu ng Wha Chi Brigade.

APATNAPU'T TATLONG KABABAIHAN, PAUWI NA MULA SA SYRIA

PINAIIGTING ng Embahada ng Pilipinassa Damascus sa ilalim ni Charge nOlivia Valera Palala ang pagpapauwi sa mga manggagawang naroon pa sa magulong bansa ng Syria.

Apatnapu't tatlong kababaihan ang nakatakdang dumating sa Maynila ngayon. Tatlumpu't siyam ang sakay ng Philippine Air Lines flight 731 na nakatakdang dumating ngayong gabi. Apat na iba pa ang sakay ng Emirates Airlines flight 334 na darating bago maghatinggabi.

Pito ang nagmula sa Homs, isa sa pinakamagulong lungsod samantalang ang karamiha'y mula sa Damascus. Ang mga kababaiha'y kinuha sa mga employer ng mga tauhan ng embahada at ng Rapid Response Team matapos ang matagal na negosasyon. Binayaran din ang mga nararapat bayaran. Umabot na sa 1,206 ang mga Pilipinong napauwi sa Pilipinas.

KAGAWARAN NG PAGSASAKA, GAGASTOS NG P 4 BILYON SA PATUBIG

NAKATAKDANG gumastos ang Kagawaran ng Pagsasaka sa pamamagitan ng National Irrigation Administration ng P 4 bilyon para sa rehabilitation at upgrading ng 11 irrigation systems sa sampung lalawigan sa ilalim ng limang taong programa.

Ayon kay Kalihim Proceso J. Alcala, bahagi ito ng programa ng Aquino administration na madaliin ang pagsasaayos at paggawa ng mga patubig upang mapag-ibayo ang produksyon ng palay at iba pang mga kakanin sa mga susunod na taon.

Desidido umano ang pamahalaan na maging self-sufficient sa bigas sa susunod na taon. Sakop ng 11 mga proyekto ang national river irrigation systems na magpapatubig sa higit sa 35,000 ektarya na pakikinabangan ng higit sa 22,000 mga pamilya ng mga magsasakang kasapi sa 154 na irrigators associations.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>