|
||||||||
|
||
Mga moviefans kilala nyo ba si Hyun Bin? Si Tang Wei? Sila ang mga bida LATE AUTUMN Nagsanib ang acting forces ng Korea at China para mabuo ang pelikulang ito.
Poster ng Pelilula
Para po sa mga hindi nakakikilala kay Hyun Bin, sya ay isang sikat na Korean actor na bida sa My Kim Samsoon at Secret Garden.
Si Hyun Bin, bilang Hoon sa pelikula
Kilala si Tang Wei sa mainland at maging sa territories nito. 2007 naging bida si Tang Wei sa pelikula ni Ang Lee na Lust, Caution. Sumikat sya at nanalo ng mga acting awards. Pero naging controbersyal ang pelikula. Dahil dito pansamantalang nagpahinga sya at wala munang nakuhang acting projects.
Si Tang Wei, bilang Anna sa pelikula
Isa sa mga dahilan kung bakit namin napili ang LATE AUTUMN dahil nanalo si Tang Wei ng Best Actress Award sa 47th Baeksang Arts Awards na ginanap sa Korea noong isang taon. Si Tang Wei ang kauna-unahang dayuhang aktres na nanalo ng nasabing award.
Love story ito. Si Ana --- papel ni Tang Wei ay isang preso. Pinalaya sya pansamantala dahil namatay ang nanay nya.Habang nasa byahe pauwi, nakilala nya si Hoon --- papel ni Hyun Bin na isang gigolo na tumatakas mula sa napendehong asawa ng kliyente nito.Sa loob ng tatlong araw, nagkamabutihan si Ana at si Hoon. Pero paano ba uusbong ang pag ibig sa dalawang taong hindi malaya?
Sina Tang Wei at Hyun Bin sa pelikula
Ang Late Autumn ay remake ng 1966 film ni Lee Man-hui. Ang 2010 version na isinulat at dinerek ni Kim Tae Yong ay napatingkad ng acting ni Tang Wei. Nangungusap at puno ng emosyon ang karakter ni Ana sa kabila ng pagiging tahimik nito. Nagampanan ni Tang Wei ng lubusan ang isang babae na malalim ang sugat sa pagkatao at walang kakayanang umibig.
Samantala, si Hyun Bin naman ay di nagkulang sa papel bilang gigolo. Sa simula ay happy go lucky pero naging balisa at desperado sa nalalabing sandali ng kanyang pagiging malaya.
Sina Tang Wei at Hyun Bin
Ang Seattle bilang setting – foggy at makulimlim, hindi makulay ang kapaligiran, malungkot tulad ng love tragedy ng mga bida. Umibig nga sila pero walang patutunguhan ang pagmamahalang ito.
Isang tragic love story ang Late Autumn at kakaiba itong viewing experience na magiiwan ng palaisipan at tiyak pag-uusapan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |