Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalo sa ika-20 Asean Summit, tagumpay, sabi ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2012-04-05 17:00:41       CRI

PAGDALO SA IKA-20 ASEAN SUMMIT, TAGUMPAY, SABI NI PANGULONG AQUINO

MAGANDA ang kinahinatnan ng paglahok ni Pangulong Aquino sa ika-20 pagpupulong ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa Phnom Penh, Cambodia noong ikatlo hanggang ika-apat ng Abril.

Sa kanyang arrival statement kagabi, sinabi ni Pangulong Aquino na pinag-usapan nila ang mga isyung mayroong malaking epekto sa Pilipinas at mga kalapitbansa. Ito umano ay nagpakita ng pangangailangan ng ibayong paghahanda sa anumang pagsubok na maaaring kaharapin ng rehiyon.

Kailangan umanong kilalanin at pagtibayin ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, particular ang Spratlys, n hinahabol din ng apat na iba pang bansa at ng bansangTsino.

Napag-usapan din umano ang disaster risk reduction upang magtulungan kung sakaling magkaroon ng anumang trahedya sa alinmang bansang kabilang sa ASEAN.

Positibo umano ang bunga ng mga repormang ipinatutupad ng kanyang pamahalaan sapagka nabubuo ang kumpiyansa at tiwala ng buong mundo sa Pilipinas.

MGA KABATAAN, MAY PAG-ASANG MAGKAHANAPBUHAY


Ipinaliliwanag ni Ilo Country Director lawrence Jeff Johnson na may mga hanapbuhay  na naghihintay sa mga nagtapos ngayong taong ito.  Matatagpuan ito sa Hotel & Restaurant Management at Call Centers.

MALAKI ang posibilidad na magkatrabaho ang mga kabataan sa PIlipinas dahilan sa gumagandang takbo ng ekonomiya. Ito ang sinabi ni Lawrence Jeff Johnson, ang country director ng International Labor Organization sa Maynila.

Sa panayam kay Ginoong Johnson, sinabi niyang kahit pa mayroong mga 800,000 mga bagong college graduates ngayong Abril, malaki ang posibilidad na magkahanap-buhay sila sa loob ng Pilipinas.

Ayon kay Ginoong Johnson, mula pa noong 2007, base sa isang pag-aaral, malaki ang pangangailangan sa larangan ng Hotel &Restaurant Management at call centers. Malaki ang pangangailangan sa medical transcriptions.

Inihambing ni Ginoong Johnson ang paghahanap-buhay sa Pilipinas sa ibang bansa. Mas maganda umanong maghanapbuhay sa Pilipinas sapagkat mayroon itong multiplier effect sapagkat ang may hanapbuhay ay mangangailangan din ng housing, transport at clothing requirements. Bagama't malaki rin ang kita sa ibang bansa, sinabi ni Ginoong Johnson na ang pakinabang lamang ng mga Pilipino ay ang foreign remittances.

Napapanahon din umano ang K-12 program ng pamahalaan na nagbibigay ng pansin sa language skills ng mga mag-aaral. Mahalaga umano ang language skills sa anumang trabahong papasukan ng mgakabataan, dagdag pa niGinoong Johnson.

BAHAGI NG HUWEBES SANTO

MISA NG KRISMO, IDINAOS SA MGA KATEDRAL

KARANIWANG idinadaos ang Misang Krismo na pinamumunuan ng mga Obispo sa bawat ecclesial province tuwing Huwebes Santo. Mahalaga ito sa mga obispo at par sapagkat isa ito sa pinaka-solemne at importanteng bahagi ng liturhiya.

Sa Misang pinamumunuan ng Obispong nakatalaga sa lugar, binabasbasan ang langis na ginagamit sa paggagawad ng mga sakramento tulad ng binyag, kumpil at pagoordena ng mga pari, ipinapahid sa mga may karamdaman at sa pagbababasbas ng mga altar. Ang Misang Krismo ang siya ring pagpapakita ng katapatan ng mga par sa kanilang pastol, ang obispong nakatalaga sa kanilang pook.

Sa idinaos na Misang Krismo, tulad ng naganap kanina sa Arkediyosesis ng Lingayen-Dagupan, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, ang mga pari ay nagmula sa sinapupunan ng kanilang mga ina kung saan sila inalagaan at inaruga hanggang sa kanyang pagsilang. Ang mga sanggol sa sinapupunan ay hindi umiinom ng gatas o kumakain ng anumang pagkain. Ani Arsobispo Villegas, ang laman at dugo ng ina ang siyang pagkain at inumin ng sanggol sa sinapupunan.

Sa kanyang homiliya, sinabi ng arsobispo na sa sinapupunan ng ina natamo ang pagkatao. Sa sinapupunan ng pinagbibinyagan, natamo ang pagiging kabataan sa pag-aaruga ng Diyos at sa mga seminaryo matatagpuan ang sinapupunan ng pagkapari, Idinagdag ni Arsobispo Villegas na sa tatlong sinapupunan lumaki at yumabong ang mga pari ngayon.

Ginunita niya ang kahalagahan ng buhay sa seminaryo at ang mahalagang papel na ginampanan ng mga guro at iba pang mg tauhang tumulong sa mga noo'y mga seminarista upang maging mga pari ngayon.

Binigyang-diin ni Arsobispo Villegas ang pagpapahalaga ng ina sa kanyang supling at higit sa lahat ang pagmamahal na nagmumula sa Panginoong Diyos. Sinabi niyang kailangang patuloy n pahalagahan n mga pari ang kanilang pagiging pari sapagkat pinahahalagahan sila ng Panginoon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>