
Si Grace (Grace Diñoso) na tubong-Zambales ay isang nursing student ng isang kilalang unibersidad sa Pilipinas. Natuklasan niya ang website ng Serbisyo Filipino nito lamang nakaraang taon, at mula noon, lagi na niya itong binibisita. Sabi niya, "salamat sa pagkakatuklas na ito, unti-unting nagkakaroon ako ng kaalaman hinggil sa bagong China."
Ilang mensaheng ipinadala ni Grace:
"Ipinaaabot ko ang Easter Greetings ko sa lahat ng mga miyembro ng Filipino Service staff at sa lahat ng mga kaibigang Pilipino at Chinese sa China."
"Nakita ko ang live coverage niyo ng session ng Chinese Congress. For the first time, nalaman ko kung paano ito nagpa-function kumpara sa Philippine Congress. Salamat sa inyong coverage."
"Hi, everybody! Pinakikinggan ko ang inyong mga balita at mga program na Pinoy sa Tsina, Diretsahan, Kaalaman sa Tsina at Pag-usapan Natin. Enjoy rin ako ng pakikinig sa Pop China at Gabi ng Musika."