Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Social action arm ng CBCP, nanawagan sa pamahalaang kumilos agad

(GMT+08:00) 2012-04-13 18:58:04       CRI

ANG social development arm ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang National Secretariat for Social Action, Justice and Peace ay nanawagan kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at sa buong pamahalaan na madaling kumilos para sa ratification ng International Labor Organization's Domestic Workers' Convention (C189). Nanawagan din ang NASSA sa Department of Labor and Employment na ipatupad ito sa oras na matapos ang ratification at ang implementing rules and regulation.

Tinataya ng isang non-government organization na ang mga domestic worker sa Pilipinas ay mula 600,000 hanggang 2.5 milyon. Noong 2008, halos umabot sa 54,000 Filipino ang ipinadalaw sa ibang bansa bilang mga bagong domestic worker. Ang mga babaeng manggagawa at unskilled workers ay nakapagpadala ng P13 bilyon noong 2007. Nadoble na nila ang kanilang remittances na noo'y P 6.5 bilyon noong 2001.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, kailangang maipagtanggol ang mga karapatan ng mga domestic worker tulad rin ng kahalagahan ng proteksyon mula sa forced labour at human trafficking.

Ang ratification ng Convention 189 ay tugon at pagkilos sa nagbabagong pangangailangan ng domestic workers sa pagkakaroon ng local at international standards, sabi pa ni Bishop Pabillo.

PAMAHALAAN KUMIKILOS PARA MAIBSAN ANG KAKULANGAN NG KURYENTE SA MINDANAO

GINAWAGA ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang lahat upang maibsan ang problema ng mga taga-Mindanao sa kuryente.

Sa kanyang talumpati sa Davao City kanina, sinabi ni Pangulong Aquino na malaking halaga ang kailangan upang maibalik sa normal ang supply ng kuryente sa Mindanao. Ipinaliwanag niya sa hydro power, mangangailangan ng P 170 milyon para sa bawat megawatt na idaragdag sa grid. Hindi umano magtatayo ng hydropower plant ang pamahalaan kung hindi higit sa 100 megawatts. Wala umanong mangangalakal sa kuryente kung mas mababa ang pagbebenta ng kuryente kaysa cost of production.

Idinagdag pa niya na sa P 1.8 trilyong budget, P 400 bilyon lamang ang maaaring iprograma. Mangangailangan ito, ayon kay Pangulong Aquino ng mas mataas na bayarin sapagkat ito ang katotohanan sa kalakaran ng Ekonomiya. Marapat lamang magbayad ng sapat para sa serbisyong sapat.

Inilaan na ng pamahalaan ang P 2.6 bilyong piso para sa malawakang rehabilitasyon ng Units 1 and 2 ng Agus 6 na napabayaan sa nakalipas na 56 na taon. Ang plantang ito ay mayroong lifespan na 30 taon at ngayo'y gagamitin na naman matapos ang halos 60 taon. Magkakaroon umano ng dagdag na output na 79 na megawatts.

KAMPANYA PARA SA PAGPAPASUSO, KAILANGAN

WALA pang limampung porsiyento ng mga sanggol na kapapanganak hanggang 23 buwan ang napapasuso ng kanilang mga ina. Ito ang lumabas sa survey na ginawa ng Food and Nutrition Research Institute ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.

Isa sa pandaigdigang pamantayan ng breastfeeding practices ay ang bilang ng mga batang wala pang dalawng taon ang maayos na napapasuso ng kanilang ina.

Kinabibilangan ito ng mga sanggol na hanggang limang buwan na napapasuso ng ina, mga sanggol na mula anim hanggang 23 buwan na nakatanggap ng gatas ng ina at mga solid, semi-solid at soft foods. Kailangan umanong pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng mga palatuntunan sa tamang infant and young child feeding practices.

Bagama't nabawasan ang bilang ng mga batang hanggang limang taong gulang ang walang sapat na timbang ng kalahating porsiyento mula 2008 hanggang 2011, napuna naman ang pagtaas ng bilang ng walang sapat na timbang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 26.2%, Silangang Kabisayaan na mayroong 25.7% at Bicol na mayroong 25.3%

Nalaman din sa pag-aaral na karamihan ng mga batang nababansot ay mula sa mahihirap na pamilya at matatagpuan sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Marinduque, Antique at Tawi-Tawi. Samantala, pinakamataas na bilang ng mga halos hindi na makakabawing mga kabataan dahilan sa walang sapat na pagkain ay ang Bicol, Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan Region at maging sa Gitnang Luzon.

Ayon kay Director Mario V. Capanzana ng Food and Nutrition Research Institute, ang kahirapan ng mga pamilyang Pilipino ang dahilan ng kakulangan ng tamang sustansya sa kanilang mga katawan. Karagdagan pa rito ang walang sapat na kaalaman sa tamang pagkaing nasa kapaligiran lamang.

TSINA: NADISKUBRE NAMIN ANG HUANGYAN ISLAND NOON PA MAN

MAYROONG basehan ang pagsasabi ng Tsina na sila ang nakakasakop sa Huangyan Island na kilala rin sa pangalang Scarborough Shoal na kinaroroonan ng mga barkong Tsino, Search and Rescue Vessel ng Philippine Coast Guard at walang mga bangkang pangisda ng Tsina. Ito ang nilalaman ng isang pahayag na nakalagay sa website ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas.

Ayon sa artikulo, nadiskubre at isinama na sa mapa ng Tsina ang Huangyan Island noong Yuan Dynasty mula noong 1271 hanggang 1368. Noon umanong 1279, isinagawa na ni Guo Shoujing, isang Chinese astronomer, ang pagsasagawa ng survey sa karagatan sa paligid ng pulo para kay Kublai Khan.

Noon umanong 1935, ang Map Verification Committee ng Tsina, na binubuo ng mga kinatawan ng Ministri ng Interior Affairs, Foreign Affairs, Education at Navy, ang nagdeklara ng sovereignty sa may 132 pulo at mga batuhan. Kabilang ang Huangyan Island sa nasakop ng deklarasyon sa Zhongsha Islands na kinikilala rin sa pangalang Scarborough Shoal. Nagkaroon ng pagbabago noong Oktubre 1947 sapagkat naisama ang Scarborough shoal at kinilala sa pangalang Democratic Reef. Ayon sa mga mapang inilathala ng Tsina, ang Huangyan Island na noon ay sakop ng Guandong Province at ngayong saklaw na ng Hainan Province.

Napag-alaman pa sa ulat na ang lahat ng mga pahayag na ito ay naganap bago pa man nagkabisa ang United Nations Convention on the Law of the Sea noong 1994.

Tradisyunal na pangisdaan ng mga Tsino ang Huangyan Island. Mula pa noong mga nakalipas na panahon, naglayag na ang mga mangingisdang Tsino sa ulo at sa kapaligiran nito. Marami na umanong isinagawang scientific expedition activities ang State Bureau of Surveying, National Earthquake Bureau at National Bureau of Oceanography sa pulo.

Sa kanilang press release, sinabi ng Embahada ng Tsina na maliwanag na hindi saklaw ng mga naunang tratado ng Pilipinas sa Paris noong 1898, sa Gran Britanya noong 1930 ang Huangyan Island. Hindi rin umano nababangit ang pulong ito sa Saligang Batas ng Pilipinas noong 1935 at kahit na sa mga mapa noong 1981 at 1984.

Noong 1997 lamang nagsalita ang Pilipinas na sakop nito ang Scarborough Shoal. May liham ang Philippine ambassador to Germany noon sa isang Alemang amateur radio enthusiast noong ika-lima ng Pebrero 1990, na nagsabing ang Huangyan Island ay hindi sakop ng Pilipinas ayon na rin sa National Mapping and Resource Information Authority of the Philippines.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>