Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kahirapan pa rin ang prayoridad ng Asian Development Bank

(GMT+08:00) 2012-05-05 18:38:07       CRI

KAHIRAPAN PA RIN ANG PRAYORIDAD NG ASIAN DEVELOPMENT BANK

BAGAMA'T nakaka-angat na ang Asia mula sa matinding dagok ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya, ang paglutas sa kahirapan ang prayoridad ng Asian Development Bank.

Sa kanyang pahayag sa pagtatapos ng pulong ng mga gobernador ng iba't ibang bansang kabilang sa Asian Development Bank, sinabi ni Pangulong Hiruhiko Koroda na mabigat pa rin ang pinsalang idinulot ng krisis sa isa sa pinakamalaking rehiyon sa sa daigdig.

Binanggit niya sa nakalipas ng ilang araw, malinaw na kahirapan ang dapat maging prayoridad ng iba't ibang pamahalaan. Tumingkad rin ang iba't ibang oportunidad na nakalaan sa rehiyon at ang papel ng bangkong pang-rehiyon sa nagbabagong anyo ng daigdig. Naging maganda ang mga pag-uusap at pagpapalitan ng pananaw sa maraming mga isyu, kabilang na ang pandaigdigang krisis at epekto nito sa Asia – Pasipiko, lumalaking agwat ng mahihirap at mayaman, at ang kakayahan ng Asian Development Bank na tumugon sa mga pangangailangan ng iba't ibang bansa.

Marami umano sa mga umuunlad na ekonomiya sa rehiyon ay kinakikitaan din ng lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa loob ng dalawampung taon.

Isusulong pa rin ang mithi ng karamihang "inclusive growth" sa pamamagitan ng mas malaking investments sa social at physical infrastructures para magkaroon ng mas magandang pagkakataon para sa mga mamamayan at dagdag na mga pasilidad.

Binigyang-diin ni Pangulong Kuroda, na ipagpapatuloy ang mithing "green growth" upang pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran. Isang malaking hamon ito, ayon kay Ginoong Kuroda at hindi lamang ang Asia ang apektado nito.

Ang climate change, pagkapinsala ng kapaligiran ay nakakapekto sa mga mahihirap kaya't kailangang tulungan ang mga bansang kasapi ng ADB na magkaroon ng green environment. Isa rin umanong economic opportunity ang pagsusulong ng green environment.

Idinagdag ni Pangulong Kuroda na ang pagpupulong sa Maynila ang pinakamalaking pagtitipon sa kasaysayan ng Asian Development Bank sapagkat umabot sa 5,033 ang mga delegado.

Nagkaroon naman ng 577 mga mamamahayag mula sa loob at labas ng Pilipinas at 452 mga kinatawan ng Non-Government Organizations.

SAMANTALA, sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Ginoong Kuroda na malaking sagabal sa pag-unlad ng bansa ang katiwalian at maling pamamalakad ng pamahalaan. Ito ang kanyang tugon sa katanungan kung mayroon bang mga pautang mula sa Asian Development Bank nauwi sa graft and corrupt practices.

Sinabi niya na isang dahilan kung bakit hindi malutas ang kahirapan ay dahilan sa katiwalian.

Pinuri niya ang mga umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas na may masiglang palatuntunan upang mapigil ang graft and corruption at pagpapatupad ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan.

Binanggit din ni Ginoong Kuroda ang pagkabahala ng mga bansang nasa Timog Pasipiko, Timog Silangang Asya at Timog Asia sa kahirapang idinudulot ng pagbabago ng klima. Ayon sa pangulo ng bangko, isang task force ang binuo upang masusing pag-aralan ang nagaganap sa mga bansang ito at gumawa ng kaukulang programa upang maibsan ang peligrong dulot ng malalakas na bagyo, pagbaha at iba pang natural calamities.

NAGPASALAMAT naman si Gobernador Amando Tetangco ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng pandaigdigang pulong sa Maynila ngayon. Sa isang pahayag, sinabi niya na nakita ang lakas at ganda ng pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa Asian economies at kung gaano kalawak ang kakayahang umunawa ng mga hamong hinaharap ng rehiyon.

Marami na umanong leksyong natamo sa 1997 Asian Financial Crisis kaya't hindi na bago sa mga taga-Asia ang krisis. Kasabay umano ng inclusive growth target ng Asian Development Bank ang layunin ng Bangko Sentral na maraming ang mga hindi naglalagak ng salapi sa bangko at mga hindi napaglilingkurang mga mamamayan. Layunin din nilang mapalakas ang consumer protection at maisulong ang maitaguyod ang financial education.

SA PANIG ni Kalihim Cesar Purisima, chairman ng Board of Governors na nagpulong sa Maynila, sinabi niyang isang malaking karangalang maging punong abala sa pagpupulong sapagkat nakita na naming muli ang Pilipinas sa pandaigdigang larangan.

Umaasa siyang magkakatotoo ang mga napag-usapan sa pagpupulong upang pakinabangan ng mga mamamayan ng mga bansang nasa Asia Pasipiko.

DALAWAMPU'T ISANG KATAONG DELEGADO MULA SA TSINA, LUMAHOK SA ADB MEETING

PINAMUNUAN ni Ginoong Yong Li, alternate governor at mula sa Ministry of Finance ng Tsina ang 21-kataong delegasyon sa 45th Annual Board of Governors' Meeting sa Maynila. Kasama niya sina Xiaoshong Zheng, Assistant Minister ng Ministry of Finance at Wencai Zhang, Deputy Director General ng Ministry of Finance ng Tsina. Labing-walong advisers ang bumubuo ng delegasyon .

Nagmula ang ibang kasama sa delegasyon sa Ministry of Finance at Ministry of Foreign Affairs, People's Bank of China at Asian Development Bank.

INDIA, MAY SAPAT NA BATAS UPANG PANGALAGAAN ANG MGA MAMAMAYAN AT KAPALIGIRAN

HINDI basta pinapayagan ng bansang India ang pagpasok ng mga kumpanyang sangkot sa pagmimina. Mayroon umanong mga sapat na batas upang pangalagaan ang mga mamamayan, partikular ang mga katutubo at maging ang kanilang kapaligiran.

Sa isang exclusive interview kay Kalihim Rajarangamani Gopalan ng Kagawaran ng Economic Affairs, sinabi niyang maraming mga dalubhasa sa kanilang pamahalaan na magsusuri sa mga aplikasyon ng iba't ibang grupong gustong magmina sa kanilang bansa.

Pinag-aaralan din nila ang mga inilalabas at ilalabas nitong mga kemikal. Kahit umano ang epekto nito sa tubig sa kapaligiran ay pinag-aaralan. Kailangang ilabas ang datos tungkol sa pagmimina, tulad ng mining plan.

Mayroon ding kaukulang batas para sa mga lupaing pag-aari ng mga katutubo. Bukod sa social acceptance ng mga katutubo bago magkaroon ng mga permisong magmina. Lahat ng mga kabilang sa civil society ay nararapat dumalo sa mga pagdinig, dagdag pa ni Kalihim Gopilan.

Bukod sa pamahalaan, maraming mga sector ng lipunang magpapaliwanag sa mga epekto ng pagmimina sa kanilang bansa.

Nararapat din umanong malaman ng mga mamamayan ang magiging epekto ng pagmimina sa kanilang komunidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>