Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipino scholars, umaasang mapapahupa ang kalagayan ng Huangyan Island

(GMT+08:00) 2012-05-10 14:48:39       CRI

Kinapanayam kamakailan ni Andre Vltchek, Amerikanong nobelista, komentator at mamamahayag, ang ilang iskolar ng Pilipinas para malaman ang kuru-kuro nila sa insidente ng Huangyan Island. Ipinalalagay nilang mas mapagkakatiwalaan kaysa paninindigan ng Pilipinas ang pahayag ng Tsina, may palaasa ang relasyon ng dalawang bansa, at umaasa silang mapapahupa sa wakas ang insidente ng Huangyan Island.

Sinabi ni Propesor Roland G Simbulan, mananaliksik ng University of the Philippines o UP, na "umaasa akong mapapahupa sa wakas ang isyung ito. Ang probokasyon ng mga estadista namin sa Tsina ay isinagawa dahil sa pag-eenkorahe ng Estados Unidos, at napakalaki ng impluwensiya ng mga tropang Amerikano sa mga tropa ng aming bansa. Ang Estados Unidos ay tagapagpukaw ng ganitong ostilong kalagayan, pero ang biktima nito ay Pilipinas lamang. Sa esensya, malapit sa Tsina ang Pilipinas, sa heograpiya man, o sa ibang aspekto."

Ipinalinawag naman ni Eduardo C. Tadem, Propesor ng Insitituto ng Pananaliksik sa Asya ng UP, na "mas mapagkatitiwalaan kaysa paninindigan ng Pilipinas ang pahayag ng Tsina. Bago malaman namin ang Nansha Islands, kinontrol na ng Tsina ang lugar na ito. Ang siyang tanging katuwiran namin ay malapit sa Nansha Islands ang Pilipinas, pero, hindi nakakukumbinsi ang katuwirang ito."

Kapuwa ipinalalagay ni Eduard Tadem, Propesor ng Insitituto ng Political Science ng UP, at ng kanyang asawa na si Teresa S Encarnation Tadem, na "ang Pilipinas ay ganap na nakadepende sa paggagalugad ng mga kompanyang dayuhan ng likas na yaman sa South China Sea, at nakakuha ng bahagi ng mga yaman lamang dito. Kinokontrol ng mga trasnasyonal na kompanya ang lahat ng mga masusing kontrata, kung makokontrol rin nito ang mga mahinang bansa na gaya ng Pilipinas, makikinabang nang mas marami ang mga kompanyang ito sa likas na yaman sa karagatang Tsino."

Ayon naman sa artikulo ng magasing "Bulatlat" ng Manila noong ika-20 ng buwang ito, "sa proseso ng pakikipaglagayan sa Tsina, nananatiling pabagu-bago ang pakikitungo ng pamahalaan ni Benigno Aquino III. Ang siyang tanging paninidigan nito ay kinakatigan ang pagpapalakas ng Amerika ng puwersang militar nito sa Pilipinas, at pinahihintulutan ang pagsasagawa ng kapuwa panig ng mas madalas na "Balikatan" exercises. Kasabay ng pagdedeklara ng soberanya at kabuuan ng teritoryo sa mga rehiyong may masaganang langis, kusang-loob na nagbibigay ang pamahalaan ni Aquino III ng mga yaman sa Amerika."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>