Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fearless

(GMT+08:00) 2012-06-26 15:43:10       CRI

Alam ng lahat ng fans na pag bida si Jet Li tiyak may martial arts. Ang Fearless ay kabilang sa mga Wuxia films nya.

Poster ng pelikula

Ang kwento ay base sa tunay na buhay ni Huo Yuanjia. Ipinakita nito ang kanyang kabataan kung saan ang tanging nasa isip ni Huo Yuanjia ay maging pinaka magaling na Martial Arts master. Madalas syang sumali sa mga kompetisyon at siya ang laging kampyon. Hindi sya nakikinig sa payo ng mga taong malapit sa kanya dahil ang ambisyon nya ay hiranging pinakamagaling.

Ang tunay na Huo Yuanjia

Pero dahil sa isang trahedya, nagbago ang lahat ng kanyang mga pananaw. May napatay kasi syang kalaban at naghiganti ang mga kasamahan nito at pinatay ang pamilya ni Huo Yuanjia. Dahil dito umalis sya at lumayo. Napadpad sya sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanya --- balak nya kasing talikuran ang martial arts. Pero dito muli niyang natutunan ang mga bagay na mahalaga sa buhay kaugnay ng martial arts.

Ang director ng Fearless ay si Ronny Yu at ito ay base sa script nila Chris Chow at Christine To.

Si Jet Li sa pelikula

TEMA NG PELIKULA

Nakita ang pagbabago sa pagkatao ni Huo Yuanjia sa Fearless. Sa simula reckless,careless at obsessed sya sa pagkilala sa mundo ng kung fu. Gusto nyang makilala at hangaan bilang fighter. At habang ginagawa nya ito, sya ay may malaking ngiti.Ibig sabihin wala syang konsyensya.

Pero nagbago ito. Matapos ang trahedya sa pamilya. Napilitan syang lumayo at manirahan sa kanayunan, naging humble sya at nagbago ang mga prinsipyo.

Nanalo si Jet Li sa kanyang mga kalaban sa pelikula

Sabi ni Jet Li na ang Fearless ay isang personal film, nagpapakita ng kanyang mga saloobin at pananaw ukol sa buhay. Si Huo Yuanjia ay totoong tao, at binago nya paraan ng Chinese fighting, mula sa patayan ito ay naging pagalingan na lang. Ayon sa kanya hindi kagalang-galang ang pumatay ng kalaban. Sinimulan nya ang Jin Wu Sports Federation at ang hangarin ay maituro sa kanyang mga alagad ang leksyon ng kanyang mga pagkakamali.

Sa pagtatapos ng pelikula nakita natin ang mga fight scenes ni Huo Yuanjia (Jet Li). Dito tinalo nya ang mga kalaban at nagtagumpay para muling makuha ang respeto ng kanyang mga kababayan. Hindi na sya kinatatakutan---matapos ang pagbabago ng kalooban sya ay tunay na iginalang.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>