Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ju Dou

(GMT+08:00) 2012-08-08 19:04:52       CRI

Isang lumang pelikula ni Zhang Yimou ang Ju Dou. Ito ay ipinalabas sa mga International Film Festivals noong 1990 at ito ang kauna-unahang pelikula na nanomina bilang Best Foreign Language Film sa Oscars noong 1990.

Poster ng Pelikula

Kabilang sa mga gawad o pagkilala na nakuha ng pelikula ay ang mga sumusunod:

• Cannes Film Festival nanalo ito ng Luis Buñuel Special Award at nominated din ito para sa Palme d'Or

• Valladolid International Film Festival, nakuha nito ang Golden Spike o Best Foreign Film

• Chicago International Film Festival, nag uwi ito ng Gold Hugo prize

• Norwegian International Film Festival hinirang ito bilang Best Foreign Feature Film (Amanda Award

Bukod kay Zhang Yimou, kasama nyang nagdirek nito si Yang Fengliang.

Kabilang sa cast sila Gong Li bilang Ju Duo, Li Baotian bilang Tian Qing, Li Wei bilang Jinshan at Zhang Yi bilang batang Tianbai at Zhen Jian bilang binatilyong Tianbai.

Sina Gong Li at Li Baotian sa Pelikula

Bigatin ang pelikula no? Tungkol saan ito? Ito ay kwento ng isang babae na binili para maging asawa ng matandang may ari ng dye mill na si Jinshan. Pangatlong asawa na niya si Ju Duo at gustong na niyang magka-anak para gawing taga pagmana. Malupit si Jinshan at binubugbog nya si Ju Duo. Kaya nagmaka awa si Ju Duo kay Tian Qing, ampon ng matanda, na tulungan sya dahil maari itong mamatay sa tindi ng pambubugbog sa kanya. Dahil may gusto kay Ju Duo, naawa si Tian Qing at naging magkalaguyo sila. Nabuntis si Ju Duo at pinalabas niyang anak ni Jinshan bata. At sumunod nito ang kwento ng panlilinlang, pagkamuhi, selos at malalim na puot na humantong sa malagim na pagtatapos ng pelikula.

Sina Gong Li at Li Baotian sa Pelikula

Mabigat ang tema ng pelikula, tungkol ito sa mga kasalanan ng mga ama, opresyon ng kababaihan at kung paano matatakasan ang tradisyon para ipaglaban ang pagmamahalan. At ginamit ang marka ni Zhang Yimou na paggamit ng kulay para ipakita ang tunay na pagmamahalan sa kabila ng malagim na sirkumstansya kinabibilangan ni JuDuo at TianQing. Ipinakita ito sa pamamamagitan ng mga makukulay na mga tela na tila sumasayaw sa hangin. Ang bawat karakter sa pelikula ay may mahalagang papel.

Puno ng katuturan ang tubig na pinag lulubluban ng tela para magkulay pula. Dito naganap ang pagniniig nila Ju Duo at Tian Qing, dito din binalak patayin ni Jinshan ang paslit na si TianBai, at dito din mismo sa mapulang tubig aksidenteng namatay si Jinshan at pinatay si TianQing ni TianBai.

Si Gong Li, bilang Ju Dou sa Pelikula

Kalmado, mabagal at kulang sa damdamin ang pelikula sa kabila ng masalimuot na sitwasyon at mahirap na buhay ng mga tauhan. Kumbaga walang histerikal na pag arte mula sa pangunahing mga tauuhan.

Narito ang isang review mula kay Caryn James hinggil sa pelikula:

''Ju Dou'' is one of the first major films to be made by the daring group of Chinese film makers known as the Fifth Generation. Zhang Yimou began his story in the 1920's and ending it in the 1930's and showed his criticism of the ancient traditions that force Ju Dou to despair. ''Ju Dou'' is an intellectually and artistically brave film.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>