Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lingguhang pagtatanim, bagong uso sa Beijing

(GMT+08:00) 2012-09-07 12:59:58       CRI

Sigurado po akong lahat tayo ay narinig na ang "Farmville" sa Facebook. At katulad ko, siguradong marami na rin ang nakapaglaro nito. Pero, alam ba ninyo, na dahil sa online na larong ito, maraming tao sa buong daigdig ang natuto at nahilig sa pagtatanim? At dito sa Beijing ay medyo lumebel-up pa ang farmville, dahil mula sa pagiging IT-based, ang pagtatanim ng mga gulay at halaman ay naging tunay na farm-based na.

Parami nang paraming mga tao sa Beijing ang nahihilig sa pagsasaka. Mula sa harap ng kanilang mga computer monitor, nagpupunta sila sa mga malalawak na sakahan sa mga kanugnog na lugar ng Beijing upang magtanim ng mga gulay. Ang tawag sa kanila ay mga "lingguhang magsasaka" o "weekend farmers." Bawat linggo ay lumaIabas sila, at ipinagpapalit ang mga computer keyboard para sa mga asarol at piko upang makapagtanim ng tunay at berdeng gulay.

Ang mga sakahan sa paligid ng Beijing ay malawak. Ito ay umaabot sa sukat na 9 na libong metro kuwadrado at nahahati sa mahigit 1 libo 3 daang bahagi. Ayon sa ating pagsasaliksik, sa kasalukuyan, lahat ng plots ay naparentahan na sa mga lingguhang magsasaka, at mayroon pang 100 mga nakapilang aplikante. Ayon sa Yifendi Farm, isang kooperatiba na pinatatakbo ng baryo ng Nanyuan sa distrito ng Fengtai, isa sila sa may pinakamalaiking allotment ng sakahan sa Beijing at sila rin daw ang una sa industriyang ito.

Ayon kay Chen Jiansheng, Kapitan ng naturang baryo at pangunahing tagapagsulong ng industriyang ito, "mas masaya ang pagtatanim sa totoong mundo, kaysa sa computer." Aniya pa, maraming mamamayan mula sa lunsod ang mahilig sa pagsasaka. Sabi pa niya, kahit walang mga patalastas sa radyo at telebisyon, maraming tao kaagad ang nag-aplay para sa mga lupang-sakahan, nang ialok nila ang mga ito.

Si Zhang Hongwei ay isang 66 na taong gulang na retiradong manggagawa. Malungkot siya dahil wala siyang gaanong ginagawa sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Pero, simula nang malaman niya ang tungkol sa pinaparentang sakahan ng Yifendi Farm, nagrenta siya ng 66 na metro kuwadradong taniman sa halagang 1,200 RMB o $189 bawat taon. Ngayon, kada isang araw ay nandoon siya sa kanyang taniman at masayang masaya siya.

Hindi lang po iyan, maliban sa may pinagkakaabalahan na si Ginoong Zhang, masaya rin ang kanyang pamilya, dahil hindi na nila kailangan pang bumili ng gulay sa palengke, at regular na siyang nag-uuwi ng mga sariwa at masustansiyang gulay mula sa kanyang taniman. Binibigyan din niya ng kanyang mga ani ang mga kaibigan at kapitbahay.

Maganda ring ehersisyo ang pagsasaka ani Ginoong Zhang, at para sa kanya, mas maganda pa raw ito kaysa sa pagpunta sa gym. Sabi pa niya, binigyan ng bagong kulay ng pagsasaka ang kanyang buhay, at napakasarap daw ng pakiramdam kapag pinapasalamatan siya ng kanyang mga kaibigan at kapitbahay dahil sa kanyang mga tanim.

Gaya ni Zhang Hongwei, si Zhang Jie ay isa rin sa parami nang paraming taga-Beijing na nahihilig sa pagsasaka. Si Zhang Jie ay 40 taong gulang at nagtatrabaho bilang telecommunications engineer sa isang malaking state-owned enterprise. Tatlumpung minuto ang kanyang minamaneho bawat linggo papunta sa kanyang nirentahang taniman. Aniya, malaki ang ginugugol niyang oras at enerhiya sa kanyang trabaho, pero, kahit gaano siya kaabala, sinisigurado niyang napupuntahan niya ang kanyang taniman kada linggo, para makakain ng sariwa, masustansya, at ligtas na gulay ang kanyang anak na babae.

Sa ngayon ay 6 na taong gulang na ang anak niya. Magmula noong magsimula itong kumain ng solid food, sinimulan na rin ni Zhang Jie ang kanyang pagtatanim, dahil, aniya hindi na raw ligtas ang mga gulay na nabibili sa mga palengke para sa mga bata.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>