Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maritime cooperation mahalaga para sa ASEAN

(GMT+08:00) 2012-10-03 17:38:21       CRI

Maritime cooperation mahalaga para sa ASEAN

MARITIME COOPERATION SA ASEAN KAILANGAN.  Sinabi ni Vice President Jejomar C. Binay na kailangan ang pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa ASEAN upang matiyak ang malayang paglalayag sa mga karagatan at magpatuloy ang kalakalan.

NARARAPAT pag-ibayuhin ang pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations na kabibilangan ng maritime cooperation and security, pagpapanatiling bukas ng komunikasyon sa pagitan ng mga bansa at pangangalaga sa yamang mula sa karagatan.

Ito ang binigyang pansin ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng 3rd ASEAN Maritime Forum sa Manila Hotel sa Maynila kaninang umaga.

Sinabi ni Ginoong Binay na napapanahon ang pagtitipon sa ika-30 anibersaryo ng United Nations Convention on the Law of the Sea sapagkat ipinapagunita ang mga obligasyon na isulong ang nilalaman ng pandaigdigang batas.

Idinagdag pa ni G. Binay na ang ASEAN ay patuloy na nakikinabang sa kaunlaran kaya't angkop lamang ang ginagawang pagpupulong sa pagkakaroon ng ASEAN Market. Ang kalakalan sa loob ng mga bansang kabilang sa ASEAN ay nakarating na sa 25% ng buong kalakalan sa ASEAN noong 2011. Higit pa itong lalago sa papalapit na taong 2015.

Napakahalaga umanong matiyak ang seguridad ng tinaguriang sea lanes of communication at maipagpatuloy ang paglaban sa pamimirata upang matiyak ang malaya at ligtas na paglalayag sa mga karagatan ng Timog Silangang Asia. Ang kalakal sa loob ng ASEAN at pakikipagkalakal ng ASEAN sa ibang rehiyon ay nakasalalay sa paglalayag ng mga barko, lalo na sa larangan ng enerhiya para sa mga bansang kasapi sa ASEAN na walang petrolyo.

Maliwanag na umano sa ASEAN ang Political-Security Community Blueprint ang kahalagahan ng pagtutulungan at seguridad ng mga karagatan. Ang pagtutulungan na ito, dagdag pa ni G. Binay ay magkakaroon ng win-win situation para sa buong samahan.

Kailangan din ang pagbuo ng malawakang pangrehiyong programa sa mga isyung may kinalaman sa malawak at maluwag na talakayan upang magkaroon ng strategic engagement.

Pagkatapos ng pulong bukasm sisimulan naman araw ng Biyernes, ika-lima ng Oktubre ang kauna-unahang Expanded ASEAN Maritime Forum na katatampukan ng tatlong mahahalagang pagpupulong at talakayan sa mga paksang UNCLOS sa Panahon Ngayon, Maritime Connectivity and Capacity Building at Protecting ng Marine Environment and Promoting Eco-Tourism and Fishery Regime in East Asia.

Si Foreign Affairs Undersecretary Erlinda F. Basilio ang Chairperson ng 3rd ASEAN Maritime Forum at 1st Expanded ASEAN Maritime Forum.

Estados Unidos, walang opisyal na paninindigan sa isyu ng South China Sea

WALANG OPISYAL NA PANININDIGAN ANG ESTADOS UNIDOS SA NAGAGANAP SA SOUTH CHINA SEA.  Ito naman ang pahayag ni Dr. Sam Bateman ng Maritime Security Program ng Institute of Defence and Strategic Studies.  Humarap siya sa mga mamamahayag sa Manila Hotel matapos ang pagbubukas ng 3rd ASEAN Maritime Forum.

SINABI ni Professor Sam Bateman, Senior Fellow and Adviser ng Maritime Security Program mula sa Institute of Defense and Strategic Studies ng S. Rajaratnam School of International Studies sa Singapore, kahit pa maraming nagsasabing mananatili ang hard line stand ng Tsina, naniniwala siyang higit na magiging mahinahon ang hahalili kay Pangulong Hu Jintao at tatahakin ang daan tungo sa kooperasyon.

Sa idinaos na press briefing matapos ang pagbubukas ng 3rd ASEAN Maritime Forum, sinabi ni Dr. Bateman na walang anumang opisyal na paninindigan ang Estados Unidos sa isyung bumabalot sa South China Sea. Nakasalalay ang interes ng Estados Unidos sa malayang paglalayag sa karagatan at katatagan ng rehiyon.

Malaki umano ang posibilidad na mamali ang basa ng madla sa ginagawa ng Estados Unidos tulad ng pagsama sa mga military exercises na kinatatampukan ng malalaking barko ng America na makakasama ng American marines at Philippine Marines sa isang pagsasanay. May mga maniniwalang suportado ng America ang Pilipinas sa isyu ng South China Sea.

Samantala, niliwanag na rin ni US Secretary of State Hillary Clinton na wala silang anumang tayo o paninindigan sa South China Sea. Ang mga bagay na ito ay maaaring maglabas ng maling senyales na baka makarating sa Beijing na magdudulot ng kakaibang reaksyon.

Walong petisyon na ang ipinarating sa Korte Suprema tungkol sa Cybercrime Law

WALONG iba't ibang grupo ang naghain ng kahilingan sa Korte Suprema na nagtatanong hinggil sa legalidad at constitutionality ng Republic Act No. 10176 na pinamagatang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hiniling ni Atty. Melecio Sta. Maria, isang propesor ng Batas at mamamahayag at ng kanyang mga kasamang mula sa Ateneo College of Law at Ateneo Human Rights Center na pigilin ang pagpapatupad ng nilalaman ng Cybercrime Act sa pamamagitan ng paglalabas ng Temporary Restraining Order.

Ayon sa kanilang 37-pahinang petition for certiorari, taliwas umano ang batas sa itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas lalo na sa libelo. May paglabag din umano ang batas sa right to due process at freedom of expression.

Nabuo umano ang batas ng walang kabatiran ng mga may-akda sa daigdig ng internet.

Sa panig naman ni Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan, niliwanag naman niya na hindi basta maipatutupad ang bagong batas ng walang kasabay na implementing rules and regulations.

Sa mga panayam na ginawa ng mga himpilan ng radio sa Kamaynilaan, sinabi ni Kalihim de Lima na hindi naman nangangahulugan na kung walang implementing rules and regulations ay hindi pa epektibo ang batas.

Ipinagtanggol niya ang nilalaman ng Cybercrime Act dahilan sa wala siyang nakikitang probisyong taliwas sa Saligang Batas. Nananatiling paglabag sa batas ang libelo at kung gagawin ito sa pamamagitan ng panulat o maging sa internet.

Higit umanong magiging malinaw ang papel ng Kagawaran ng Katarungan sa pabguo ng implementing rules and regulations.

Matatag ang ekonomiya ng Pilipinas subalit…

POSITIBO ang naganap noong unang bahagi ng taong 2012 para sa Pilipinas kaya't tumaas ang Gross Domestic Product growth forecasts para sa Pilipinas mula 4.8% hanggang 5.5% sa taong 2012.

Bagaman, mangangailangan ng mas maraming hanapbuhay upang magkaroon ng ugnayan ang pag-unlad sa ekonomiya sa pagbaba ng bilang ng mahihirap. Ito ang pahayag ng Asian Development Bank sa kanilang ulat na pinamagatang Asian Development Outlook 2012 na inilabas ngayon.

Sinabi ni Chief Economist Changyong Rhee na ang pagtaas ng pagtitiwala ng mga mangangalakal ay sang-ayon sa investments at mga bagong hanapbuhay. Nararapat lamang umanong bantayan ang mga nagaganap sa ibang bansa sapagkat may posibilidad na magkaroon ng epekto sa Pilipinas.

Patuloy na nakikita ng mga dalubhasa ang lakas ng ekonomiya kahit pa mayroong pandaigdigan at pangrehiyong economic slowdown. Napuna ang masiglang paggasta ng mga mamamayan, kasabay ng mas madaling pagpasok ng fixed capital investment at pagsigla ang paggasta ng pamahalaan. Lumakas din ang net exports at umabot lamang sa 3.5% ang inflation rate sa taong 2012.

Inaasahan pa rin ng pamahalaan ang paglago ng Gross Domestic Product sa taong 2013 sa pagtataya ng may 5.0%. Sa taong 2013, tinataya ang inflation sa 4.1% kahit pa mas mataas ang global food products at mga pressure sa sinasabing sustained growth.

Ang service sector ay inaasahang makikinabang mula sa masiglang paggasta ng mga mamamayan. Lalago rin ng may 20% hanggang sa katapusan ng taon ang Business Process Outsourcing na mayroong nang 638,000 mga manggagawang Pilipino noong 2011.

Kahit pa umabot sa higit sa isang milyon ang mga bagong hanapbuhay na natamo, mas malaki lamang ito ng kaunti sa pagkalahatang labor force. Tumaas ang bilang ng mga part-time employees at nakarating sa 1.5 milyong mga hanapbuhay. Bumagsak naman ng may kalahating milyon ang bilang ng mayroong full-time jobs.

Idinagdag pa ni Ginoong Rhee na wala pang mga hanapbuhay na naibibigay ang pamahalaan sa hanay ng mga underemployed at unemployed.

Ayon kay Neeraj Jain, ang country director ng ADB para sa Pilipinas, tumaas din umano ang bilang ng mahihirap at umabot sa 26.5% noong 2009 kung ihahambing sa 26.4% noong 2006 at 24.9% noong 2003.

Ang manufacturing sector ay makikinabang sa exports at paglago ng pangangailangan ng mga mamimiling Pilipino. Samantala, ang construction ay makikinabang sa paggasta ng pamahalaan at pagpapatupad ng Public-Private projects.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>