Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, ika-anim na sa mga lumalagong ekonomiya sa daigdig

(GMT+08:00) 2012-10-11 18:15:22       CRI

Pilipinas, ika-anim na sa mga lumalagong ekonomiya sa daigdig

SA ilalim ng Administrasyong Aquino, natamo na ng Pilipinas ang dalawang-sunod na ten-place jump sa World Economic Forum's 2012-2013 Global Competitiveness Report at natamo na ang ika-65 puesto mula sa 114 na bansa.

Masayang ibinalita ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Ika-38 Philippine Business Congress and Exposition na ang mga nagsusuri sa Market Watch ay nagsabing isang bagong "economic tiger" ang Pilipinas at magandang pook para sa Timog Silangang Asya at sa pandaigdigang ekonomiya. Ibinalita rin ni Pangulong Aquino ang detalyes ng 2012 Report of Knight Frank at Citi Private Bank na kapwa nagsabing ang Pilipinas ang ika-anim na pinakamabilis na umunlad na bansa sa daigdig.

Ang Pilipinas, dagdag pa ni Pangulong Aquino ang mayroong ikalawang most optimistic community of business leaders sa taong 2012 Grant Thornton International Business Report.

Binanggit ni Pangulong Aquino na pinabibilis nila ang paglalabas ng pondo para sa mga pagawaing bayan upang higit na maging magandang investment destination ang Pilipinas. Pag gumanda ang lansangan, dadami ang mga sasakyan at higit na dadaloy ang mga paninda, hanapbuhay at mga mamamayan.

Umabot na umanot sa 2.86 milyong panauhin na ang dumating sa bansa hanggang noong nakalipas na Agosto 2012. Mithi umano ng Pilipinas na magkaroon ng 4.56 milyong turista bago matapos ang taon. Tiyak umanong lolobo ang bilang ng mga panauhin sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

May sapat ding salapi para sa pagpapaunlad ng edukasyon. Tatapatan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga nasa mababang paaralan o basic education at ng state universities and colleges.

Nadarama na ng mga Pilipino ang kahulugan ng integridad, pananagutan at tunay na paglilingkod-bayan na siya ring magiging kahilingan para sa mga susunod na punong-bayan, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Pangalawang Pangulong Binay, pamumunuan ang delegasyon ng pilipinas sa canonization ni pedro calungsod

SI Pangalawang Pangulong Jejomar C. Biunay ang mamumuno sa delegasyon ng Pilipinas sa canonization ni Beato Pedro Calungsod sa ika-21 ng Oktubre sa Vatican City sa Roma.

Siya ang magiging kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa okasyon upang saksihan ang deklarasyon ng ikalawang santo mula sa Pilipinas sa pamamagitan ni Pope Benedict XVI.

Si San Lorenzo Ruiz ang unang santo mula sa Pilipinas ay sumailalim sa canonization noong ika-18 ng Oktubre, 1987.

Sinabi ni Ginoong Binay na isang karangalan na pamunuan ang delegasyon ng Pilipinas sa makasaysayang pagkakataong ito. Nawa'y ang sakripisyo ni San Pedro Calungsod ang magsilbing inspirasyon ng mga Pilipino na magpatuloy sa paglilingkod sa kanilang kapwa, dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Ang magiging pangalawang santo ng bansa ay isang binatilyong katekista na sumama kay Padre Diego Luis de San Vitores sa Tumhon, Guam sa Marianas. Napaslang sila noong ikalawang araw ng Abril, 1762. Sumailalim siya ng beatification noong Marso, 2000 sa pamamagitan ni Beato Pope John Paul II.

Higit sa isang libong mga Pilipino ang nakatakdang lumahok sa pagdiriwang mula sa Cebu City at iba't ibang bahagi ng bansa.

Third quarter, positibo sa mga kumpanya ng kotse sa Pilipinas

BENTA NG MGA SASAKYAN GUMANDA DAHIL SA MAGANDANG EKONOMIYA. Lumago ng 6% ang bentahan ng mga bagong sasakyan sa Pilipinas sa unang walong buwan ng taong 2012. Ayon kay Atty. Rommel Gutuierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. umaasa silang malalampasan nila ang itinakdang target para sa 2012 sapagkat mas maraming namimili ng mga bagong sasakyan sa panahon ng Kapaskuhan.

LUMAGO ng 6% ang bentahan ng kotse sa Pilipinas matapos ang ikatlong kwarter ng taong 2012. Ayon sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI), umabot sa 111,582 kotse ang naibenta nila mula noong unang araw ng Enero hanggang ika-30 ng Setyembre. Noong nakalipas na taon, umabot lamang sa 105,306 na kotse ang naipagbili nila. Sa buwan ng Setyembre, umabot sa 12,856 na kotse ang naibenta ng mga kasaping car manufacturer sa buong Pilipinas. Umaasa silang higit na lalago ang bentahan sa huling tatlong buwan ng taong ito, sa pagsapit ng Pasko.

Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, na ang kasiglahan ng bentahan ng mga bagong kotse ay dahilan sa patuloy na lakas ng ekonomiya at pagpapasok ng mga bagong modelo sa pamilihan.

Ang Toyota Motor Philippines ang kinakitaan ng pagkakaroon ng 41.5% ng mga sasakyang naipagbili samantalang pumangalawa naman ang Mitsubishi na mayroong 22.3% at ang Honda ay mayroong 8.3%.

Ani Atty. Gutierrez, ikinalulugod nila ang natamong puntos ng kanilang samahan sa buwan ng Setyembre. Magugunitang mababa ang benta ng mga sasakyan noong Agosto dahilan sa matinding epekto ng panahong habagat sa bansa.

Umaasa si Atty. Gutierrez na matatamo ng CAMPI ang pantaunang target sapagkat karamihan ng mga Pilipino'y bumibili ng mga bagong sasakyan pagsapit ng Kapaskuhan. Mahina umano ang bentahan noong unang tatlong buwan ng 2012 dahilan sa kakulangan ng mga ipagbibiling sasakyan, sumigla ang pamilihan sa ikatlong quarter ng 2012. Idinagdag pa niya na mahihigitan pa nila ang kanilang natamo noong nakalipas na taon.

Exports ng Pilipinas, lumago ng 5.4% sa unang walong buwan

UMABOT sa higit sa $ 35 bilyon ($ 35.3 B) ang merchandise exports ng Pilipinas sa unang walong buwan ng taong 2012 mula sa $ 33.5 bilyon noong 2011 kahit pa bumaba ng 9.0% sa buwan ng Agosto.

Ito ang balita ni National Economic and Development Authority officer-in-charge Emmanuel F. Esguerra.

Ayon kay Ginoong Esguerra, ang Pilipinas ay kabilang sa mga piling bansa sa Asia na nagkaroon ng positibong export growth sa unang walong buwan ng 2012. Sinundan ng Pilipinas ang Vietnam (18.7%) at Tsina (7.1%). Nagkaroon din ng positibong paggalaw ang Japan (1.1%), Singapore (0.3%) at Hong Kong SAR (0.1%).

Negatibo naman ang exports ng Indonesia (-5.9%), Taiwan (-5.6%), Korea (-1.5%) at Thailand (-1.3%) mula Enero hanggang Agosto ng taong 2012.

Sa pangyayaring ito, ibinalita ng National Statistics Office para sa buwan ng Agosto, ang merchandise exports ng Pilipinas ay bumaba ng 9.0% at umabot lamang sa halagang $ 3.8 bilyon mula sa $ 4.2 bilyon noong Agosto 2011. Ito ang naganap dahilan sa mas mababang bentahan ng mga mineral (-62.4%), kabuuhang agro-based products na (-43.7%), manufactures (-1.3%), petroleum (-99.7%) at forest products (49.8%).

Ang kinita mula sa mga likas na yaman ng bansa, mula sa mga minahan, ay bumaba rin tulad nang nanganap sa copper metal (-100%), ginto (-88.5%) at chromium ore (-21.8%). Nalaglag din ang volume ng exports ng copper metal (100%), ginto (67.6%) at chromium ore (47.1%).

Nabawasan umano ang pangangailangan ng mga bansang tulad ng Tsina at Europa na siyang nagpababa sa pandaigdigang presyo ng mga panindang ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>