Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga obispo, umaasang may magandang magaganap sa kasunduan ng pamahalaan at MILF

(GMT+08:00) 2012-10-16 18:27:00       CRI

Mga obispo, umaasang may magandang magaganap sa kasunduan ng pamahalaan at MILF

KONSULTASYON MAHALAGA UPANG MAGANAP ANG KAPAYAPAAN. Naglabas ng pahayag ang mga Obispo ng Mindanao tungkol sa naganap na paglagda ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa 2012 Framework on the Bangsamoro. Ipinaliwanag nila na mahalaga ang konsultasyon, tulad ng pahayag ni Arsobispo Antonio Ledesma, SJ, Arsobispo ng Cagayan de Oro. Siya ang kumatawan sa Simbahang Katoliko sa panalangin kahapon sa Malacanang.

NANINIWALA ang mga karamihan ng mga obispo sa Mindanao na may patutunguhan ang nilagdaang kasunduan ng pamahalaan at mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front kahapon sa Malacanang.

Ayon sa mga obispo, ang kasunduan ay mga unang hakbang tungo sa isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Naniniwala ang mga obispo na ang mga konsultasyon sa lahat ng mga stakeholders ay kailangan upang maisulong ang peace process.

Ginunita ng mga obispo ang pagtanggi sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain noong Agosto 2008 dahilan sa kawalan ng transparency at pagiging taliwas ng ilang probisyon sa saligang batas. Ginunita rin ng mga obispo ang serye ng multi-sectoral consultations ng Bishops-Ulama Conference upang maisulong ang kultura ng kapayapaan sa Mindanao. Anim na mahahalagang bagay ang isinulong ng Konsult Mindanao mula sa mga Muslim, Lumad, mga Katoliko at mga Protestanteng lumahok sa konsultasyon.

Kailangan ang Katapatan at makikita ito sa nag-iisang tinig ng mga Bangsamoro. Pangalawa ang Seguridad kaya't kailangan ang humanitarian work at re-ingtegration program, mabawasan ang mga sandata at mga kumikita sa mga sigalot., Nararapat mapalakas ang security strategies an maisulong ang economic at environmental projects.

Pangatlong prayoridad ang Sensitivity sa pananawagan sa madla na huwag namang kalimutan ang mga lumad o mga katutubo sa peace process. May karapatan din silang mabuhay ng maayos at may dignidad.

Ipinanawagan din ng mga obispo ang kahalagahan ng Solidarity o pagkakaisa sa tatlong lahi sa Mindanao, ang mga Muslim, mga Kristiyano at mga Lumad at makakatulong ang mass media, mga paaralan para sa kapayapaan at civil society peace movements ay makakatulong ng malaki upang magkaisa ang mga mamamayan.

Pinahahalagahan din ng mga mamamayan ang Spirituality sa pagkakaroon ng mga Muslim, mga Lumad, mga Kristiyano at ibang pang faith traditions ang mabubuhay ng maayos at mapayapa at mayroong sapat na kalayaan. Ang religious traditions ng Islam at Kristiyanismo at ng mga katutubo ang magdudulot ng internal at external peace. Mahalaga ang religious tolerance, dagdag pa ng mga obispo.

Ang Sustainability ay mahalaga kung magtatagal ang kapayapaan sa Mindanao. Kailangan ang mga bagong batas upang magkatotoo ang kapayapaan at kailangang bigyan ng pansin ang peace efforts. Kailangang palakasin ang National Commission on Indigenous People at Indigenouos People's Movement. Nararapat ding maging patas ang pagkilala ng batas sa mga mamamayan at mapalakas ang peace education sa mga paaralan.

Kabilang sa mga lumagda sina Arsobispo Antonio Ledesma, SJ ng Cagayan de Oro, Orlando Quevedo, OMI ng Cotabato, Jesus Dosado ng Ozamis, at mga Obispo Guillermo Afable ng Digos, Jose Colin Bagaforo ng Cotabato, Jose Cabantan ng Malaybalay, Edwin dela Pena ng Marawi, Elenito Galido ng Iligan. Dinualdo Gutierrez ng Marbel at Martin Jumoad ng Isabela.

May sapat bang pagkain para sa lahat sa taong 2060?

MAY SAPAT NA PAGKAIN PARA SA LAHAT. Ito ang paliwanag ni Ginoong Julian Cribb, may akda ng aklat na The Coming Famine sa pagdiriwang ng World Food Day sa Asian Development Bank Headquarters sa Mandaluyong City kanina.

MAYROONG mga matitinding hamon at magagandang pagkakataon tungkol sa pandaigdigang produksyon ng pagkain. Ito ang sinabi ni Ginoong Julian Cribb, may akda ng aklat na "The Coming Famine" sa pagdiriwang ng World Food Day sa Asian Development Bank sa Mandaluyong City.

Isa umanong katanungang dapat bigyan ng pansin ng karamihan kung paano matutugunan ang pangangailangan ng pagkain sa napipintong pagdarahop. Sa susunod na kalahating daang taon, ang mga magsasaka ay inaasahang madodoble ang kanilang produksyon na mas may kakaunting tubig, mas kakaunting lupa, higit na maliit na supply ng langis at mga abono sa ilalim na mas mainit na klima sa kinagawiang pagtatanim at pag-ani.

Nasasaksihan na umano ang ikatlong food price crisis sa loob ng apat na taon. Ito ay babala sa madla na kung hindi kikilos ngayon, sa pandaigdigan, pambansa at pambayang antas, ang daigdig ay makararanas na patuloy na pagsidhi ng kakulangan ng pagkain at mga kaakibat na krisis. Tiyak umanong tatamaan ang bawat tao subalit higit na maghihirap ang nagdarahop na mga mamamayan.

Ngayong gabi, ani Ginoong Cribb, mas marami ng 216,000 mamamayan ang maghahapunan kaysa sa mga taong naghapunan kagabi. Maghahahanap sila ng mas mabuti at mas masustansyang pagkain, ang dalawang bahagdang hahanapin ng mga mamamayan.

Magkakaroon umano ng tinatayang sampung bilyon katao sa taong 2050 hanggang sa mabawasan ang mga tao hanggang sa maabot ang sinasabing sustainable level. Mangangailangan sila ng may 600 kwadrilyong calories ng pagkain sa bawat araw, araw-araw.

Lahat umano'y maaapektuhan nito. Ibinigay niyang halimbawa ang pinakamalalaking lungsod sa daigdig ay makakahalintulad na ng Tsina at kokunsumo ng 2400 cubic kilometers ng sariwang tubig. Karamihan sa mga lupa at tubig ay magmumula sa mga magsasaka na magtatangkang madolbe ang kanilang produksyon. Makikita ang mga megacities na may 20 hanggang 40 milyong mga mamamayan na wala namang sariling produksyon ng pagkain. May napipintong trahedya kung sakaling masira pa ang kanilang oil supply lines.

Kasabay nito ang pagsasayang ng daigdig ng may 30 hanggang 50 por siyento ng pagkain.

Kailangan umano ang water recycling at nang maibalik ang mga sustansya sa food production na bubuo ng bagong industrya, kailangan din ang sustainable energy source para sa pagsasaka upang makaiwas sa susunod na oil crisis. Kailangan ang pagkakaroon ng climate-proof urban agriculture cities sa daigdig, pagkakaroon ng mas masustansya at malusog na pagkain sa paggamit ng siyentipikong paraan at maiwasan ang tumataas na bilang ng mga namamatay dahilan sa diet-related diseases. Nararapat ding mapalawak ang fish farming at farming ng mga lumot para sa pagkain, livestock feed, biofuel, fine chemicals at mga gamot upang maging malalaking pandaigdigang mga industriya. Narapat ding mapalawak ang kaalaman sa mga makakain sa paggamit ng may 25,000 edible plants na karaniwa'y hindi pa nakakain.

Sa panig ng Asian Development Bank, sinabi ni Woochung Um, Deputy Director General, na sa kabataan, may pagkakataong kumain ng mga masasarap na pagkain subalit sa pagtanda, unti-unti nang nawawala ang mga ito dahilan sa karamdamang dulot din ng pagkain. Sinabi niya na nararapat lamang magkaroon ng masusing pag-aaral sa mga kinakain ng mga mamayan.

Ang sibilisasyon at kaguluhan ay pipitong pagkain lamang ang agwat, nangangahulugang huwag mong pakainin ang mga mamamayan sa loob ng higit sa dalawang araw ay tiyak na magugulo ang lipunan. Kailangan ang pagsusulong ng pakikidigma laban sa pagsasayang ng pagkain, sapat na impormasyon sa food consumption, climate change, at pagbuwag sa mga cylos upang makarating sa lahat ang mga pagkain.

Idinagdag pa ni Ginoong Woochung Um na ang food security ay kahalintulad rin ng regional security.

Binanggit naman ni Kazuyuki Tsurumi ng Food and Agriculture Organization sa Pilipinas na mula 15 hangang 20% ng mga Pilipino ang nagugutom.

Prime Minister ng francia, dadalaw sa Pilipinas

SA kauna-unahang pagkakataon, dadalaw sa Pilipinas si French Prime Minister Jean-Marc Ayrault mula sa Byernes hanggang sa Sabado. Kasama niya ang 130 kataong delegasyon na binubuo ng mga ministro, mga kasapi ng parliament at mga negosyante.

Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ito ang unang pagkakataong dadalaw ang pinuno ng Francia sa Pilipinas mula ng maitatag ang diplomatic relations noong 1947.

Isa umanong magandang pagkakataon ito para sa relasyon ng Francia at Pilipinas dahilan sa napuna ng Francia ang mga positibong pangyayari sa bansa. Dumalaw noon sa Francia si Pangulong Corazon C. Aquino bilang Chief Guest sa bicentennial ng French Revolution. Ang Francia ang isa sa mga kauna-unahang bansang kumilala sa Pilipinas matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution.

Magpupulong sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at magpapalitan ng mga kuro-kuro sa mga nagaganap sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ang bilateral trade ng dalawang bansa ay umabot nasa US $1.143 B noong 2011 samantalang ang mga investment ng Francia sa Pilipinas ay nagkaroon ng pagtaas at umabot sa P 1.145 bilyon.

Dadalaw din ang panauhin sa Cebu upang saksihan ang pagtatanghal ng Agance Francaise du Development tungkol sa Bus Rapid Transit project. Sa taong ito, may 50,000 mga Pilipino sa Francia samantalang may 4,000 mga Frances sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>