Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, lumisan patungong New Zealand at Australia

(GMT+08:00) 2012-10-22 17:20:04       CRI

NAGLAKBAY kagabi patungong Auckland, New Zealand si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para sa limang araw na pagdalaw New Zealand at Australia. 

 

Sa kanyang talumpati bago sumakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal II, sinabi niyang dadalo siya sa iba't ibang pagpupulong at pakikipag-usap sa mga pinuno ng dalawang bnasa.  Magkakaroon din ng pakikipagkasundo sa mga mangangalakal na nais magnegosyo sa Pilipinas at makikipag-kumustahan sa mga Pilipinong naroroon sa katimugang bahagi ng daigdig.

 

Karamihan ng gatas na iniinom ng mga Pilipino ay mula sa New Zealand at ang Australia naman ang pinagmumulan ng karneng baka.  Layunin ng kanyang pagdalaw ang pag-iibayo ng kalakal sa pagitan ng mga bansa.

 

PILIPINAS, NAGBUNYI SA PAGKAKAHIRANG KAY SAN PEDRO CALUNGSOD

 

MAS maraming mga Pilipinong dumalo sa canonization rites sa Vatican City kaysa sa ibang mga mamamayan mula sa iba't ibang bnasa.  Ayon sa napuna ng Associated Press, karamihan ng mga tao sa Vatican City ay pawang mga Pilipino. 

 

Maaaring umabot sa 12,000 katao ang dumalo sa seremonya na kinatampukan ng mga nagmula sa Estados Unidos, Alemanya, Espana, Francia at Italya.  Isang dahilan kaya maraming Pilipino sa okasyon ay ang karamihan ng mga manggagawang Pilipinong nasa Europa, ay naroon sa Italya.

 

Tinatayang mayroong 131,000 mga Pilipino sa maunlad na bansa. 

 

Ayon kay Ambassador Mercedes Tuason, ang Embahada ng Italya sa Pilipinas ay nakapaglabas ng may 4,000 visa para sa mga dumalo sa okasyon.  Isang libong Pilipino ang dumalo sa okasyon mula sa Paris, sa Francia.  Ayon kay Ambassador Tuason, aabot ang mga Pilipino sa 7,000 katao.

 

May mga Pilipino ring nagmula sa Estados Unidos. 

 

Samantala, iba't ibang simbahan sa buong bansa ang nagdiwang sa pagkakahirang kay San Pedro Calungsod.  May mga palatuntunan ang mga kabataan sa Sto. Nino de Tondo samantalang nagkaroon din ng mga television specials para sa pinakabagong santo mula sa Pilipinas.

 

Pinamunuan ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang delegasyon ng pamahalaan samantalang naroon din sina dating Arsobispo ng Cebu Ricardo J. Cardinal Vidal, dating Arsobispo ng Maynila Gaudencio B. Cardinal Rosales, Cebu Archbishop Jose S. Palma at may 25 pang mga obispo.

 

OBISPO NANAWAGAN SA BANGSAMORO

 

NANAWAGAN si Isabela Bishop Martin Jumoad sa mga bubuo ng Bangsamoro na ipakita ang pagkakaiba sa mga naunang liderato.  Sa kanyang homiliya sa paglulunsad ng ika-limampung taon ng pagkakatatag ng prelatura sa isang Misa sa Claret College, sinabi ni Bishop Jumoad na nararapat na mapigil ang katiwalian at maiparating ang tamang benepisyo sa mga mamamayan. 

 

Nanawagan din siya na igalang ng mga Muslim ang kalayaan ng pananampalataya ng mga Kristiyano samantalang nanawagan sa mga namumuno ng mga bayan sa lalawigan na manatili sa kanilang mga munisipyo upang madaluhan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. 

 

Nararapat din umanong pigilin ng mga mauupong lider ng Bangsamoro ang pananambang sa mga Katoliko na ikinasasawi at ikinasusugat ng mga mamamayan.

 

Dapat din umanong magkaroon ng pagpapahalaga sa katarungan upang mabuhay ng payapa ang mga nasa lalawigan.

 

 

 

 

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>