Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino: gumagastos kami para sa kapakanan ng mga mamamayan

(GMT+08:00) 2012-10-26 17:49:15       CRI

PANGULONG AQUINO: GUMAGASTOS KAMI PARA SA KAPAKANAN NG MGA MAMAMAYAN

ANG pamahalaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay gumagasta ng salapi para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Sa kanyang talumpati sa mga mangangalakal na Australiano at Pilipino, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ang mga "investment" na ito ay sa pag-asang magkakaroon sila ng kakayahan o poder, matutulungan silang maging higit na malusog, mas may salapi at higit na nakababatid ng mga nagaganap sa bansa.

Sa ganitong paraan ay makakaasa ang pamahalaan na higit na sisigla ang lipunang Pilipino. Sa paglaki ng mga industriya, lumalago rin ang kakayahan ng mga manggagawang magpapatakbo ng mga makina. Malaki na ang ginastos ng pamahalaan para sa sektor ng Edukasyon upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan, mga upuan at mga aklat na natapos na ngayong taong ito.

Noong maluklok ang adminisrasyong Aquino, 62% lamang ng mga mamamayan ang nakatala sa national health insurance program. Ani Pangulong Aquino, ngayon ay umaabot na sa 85% at nagnanais silang maipasa ang sin tax law ng Kongreso upang matugunan ang pangangailangan para sa Universal Healthcare para sa lahat ng Pilipino sa 2016.

Pinalawak pa rin ng bansa ang conditional cash transfer program na tumutulong na sa 3.1 milyong pamilyang Pilipino upang makaalis sa kahirapan at pagkagutom. Umabot na rin sa 4.57 milyong mga kabataan ang nasa paaralan at nabawasan na ang dropouts sa buong bansa.

Niliwanag din ni Pangulong Aquino ang kanyang patakaran sa pagmimina. Anang pangulo, ang pagmimina ay nararapat na pangmatagalan at hindi makapipinsala sa kapaligiran. Binabalanse ang benepisyo at mga obligasyon ng iba't ibang kasangkot sa industriya, mag pagsanggalang sa kalikasan at nagsusulong ng pagtanggap ng mga mamamayan.

Nakatakdang dumating si Pangulong Aquino sa Maynila ngayong araw na ito.

BAGYONG "OFEL" IKINASAWI NG ANIM KATAO SA PILIPINAS

WALA na ang bagyong "Ofel" at naibaba na ang lahat ng Public Storm Signals sa buong bansa subalit nag-iwan ito ng anim na nasawi sa Marinduque, Cebu City, Romblon, Mindoro at Batangas City, kabilang ang isang apat na taong gulang na batang babaeng nasawi dahilan sa pagguho ng lupa sa Lungsod ng Batangas.

Siyam pa ring mga mangingisda ang nawawala dala ng bagyo samantalang siyam katao naman ang nasugatan sa isang sakuna sa Sariaya, Quezon ayon sa report ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction Management Council. Umakyat na rin sa 2,278 na pamilya ang direktang apektado ng bagyong "Ofel."

Umabot naman sa apat at kalahating milyong piso ang pinsala sa mga pananim sa Bicol Region.

SENADOR RICHARD LUGAR, DADALAW SA BANSA

DADALAW si Senador Richard Lugar ng Indiana sa Pilipinas mula sa Linggo hanggang sa Miyerkoles at makakausap nina Pangulong Benigno Simeon C. A|quino III, Kalihim Albert F. Del Rosario at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

Ang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansang dadalawin ng senador upang mapalawak ang Nunn-Lugar Global Cooperative Threat Reduction Program. Ang palatuntunang ito ay pinalawak noong 2003 sa ilalim ng Nunn-Lugar Expansion Act. Layunin nitong mabawasan ang stockpiles ng armas na nukleyar, kemikal at biological weapons at mga kahalintulad ng kagamitan at delivery systems sa buong daigdig upang matugunan ang lumalawak na peligro.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang pagtutulungan upang makilala at mabawasan ang pagdaloy ng mga itinuturing na weapons of mass destruction sa buong Timog Silangang Asia. Ang pinagmumulan ng mga nuclear, chemical at biological weapons o mga kahalintulad ng kagamitan ay maaaring mga bansa o mga terrorista. Ang Timog Silangang Asia, ayon sa senador ay mahalagang pook sa kalakal sa pamamagitan ng mga karagatan at himpapawid. Mahalaga ang Nunn-Lugar Global Cooperative Threat Reduction sa pamamagitan ng mga nangungunang diplomata at mga military commander upang magkaroon ng pinag-isang pagkilos.

Si Senador Lugar ang pinakamatandang Republican sa Senado ng America at pinakamatagal na Senador sa kasaysayan ng Indiana. Dumalaw na siya sa Pilipinas, partikular noong 1986 Snap Presidential election sa pagtutunggali nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at naging pangulong Corazon C. Aquino.

KOMERSIYALISMO NG MGA SAKRAMENTO, TINULIGSA

NANAWAGAN si Arsobispo Socrates B. Villegas ng Lingayen-Dagupan sa mga alagad ng simbahan na iwasan ang pagkakaroon ng impresyon tungkol sa komersiyalismo ng mga sakramento partikular sa Todos Los Santos, sa una at pangalawang araw ng Nobyembre.

Niliwanag ng arsobispo na ang mga sakramento ay hindi ginagawa bilang kapalit ng salapi. Malaking kasalanan ito, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.

Hindi dapat magkaroon ng pagtatangi sa may salapi at sa walang kakayahan. Sa pagdiriwang ng Todos Los Santos, nararapat magkaroon ng Misa sa mga sementeryo mula sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 upang higit na makalahok ang mga mamamayan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pangungulekta ng salapi sa pagbabasbas ng mga puntod tulad rin ng pagbabawal ng espesyal na pagbebendisyon sa mga libingan ng mga kaibigan ng mga pari at mga benefactor ng simbahan mula ika-31 ng Oktubre hanggang ikalawang araw ng Nobyembre.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>