Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga taga-Metro Manila, nagsimula nang maglakbay pauwi sa mga lalawigan

(GMT+08:00) 2012-10-27 19:06:19       CRI

ABALA na ang mga reservation clerks at ticket sellers ng mga kumpanya ng bus sa pagdagsa ng mga pasahero sa iba't ibang terminal sa Lungsod Quezon, Maynila, Caloocan at Pasay sa paghahanda sa Todos los Santos sa darating na unang araw ng Nobyembre.

Sa mga naninirahan sa Metro Manila na mula sa Kabisayaan at Mindanao, karaniwan silang sumasakay ng mga barko sa mga daungan ng Maynila mula sa araw na ito hanggang sa huling araw ng Oktubre upang umabot pa sa paggunita sa mga namayapa sa kanilang mga sariling bayan.

 Isa sa mga pinaghahandaan ng mga taga-Metro Manila ang pag-uwi sa mga lalawigan pagsapit ng Todos los Santos.  Kuha ito sa bus terminal sa Cubao, Quezon City kaninang tanghali.  Libu-libong mga Pilipino ang uuwi upang mag-alay ng mga bulaklak, panalangin at kandila sa mga yumao.


Makikita ang mga tauhan ng pambansang pulisya, mga opisyal ng Metro Manila Development Authority at mga tauhan ng iba't ibang lungsod sa bus terminals samantalang pinag-ibayo naman ng Philippine Coast Guard ang kanilang pagbabantay sa mga daungan.

Sa tatlong domestic airports ng Pilipinas, napakaraming mga pasaherong pauwi din sa kanilang mga lalawigan. Walang gasinong problema sa pagsakay sa eroplano sapagkat ang lahat ay mayroong advanced booking. Ang problema lang ay ang pagbuhos o pagdagsa ng mga mananakay sa NAIA Terminals 2, 3 at 4 mula sa madaling araw hanggang sa sumapit ang gabi. Magugunitang maraming biyaheng nakansela dahilan sa bagyong "Ofel" kamakailan kaya't mayroong mga adjustment ang flight schedules.

Sinisilip ng private security guards ang mga bagahe ng mga pasahero ay kinakapkapan ang mga maglalakbay upang maiwasan ang pagdadala ng mga kontrabanto at anumang kargamentong maglalagay sa panganib sa mga pasahero.

Tradisyon na sa mga Pilipino na umuwi sa kanilang mga lalawigan upang dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na. Karaniwang nananalangin, nagsisindi ng kandila at nag-aalay ng bulaklak ang mga naiwang mahal sa buhay. Kasabay nito ang pag-aalay ng Mass intentions sa mga simbahan.

Karaniwang nagdaraos ng Misa sa mga sementeryo ang mga paring Katoliko pagsapit ng hapon, bago sumapit ang takipsilim.

Ang mga department store at mga restaurant ay may mga Halloween characters bilang pakikiisa sa pagdiwang ng All Saints' Day. Karaniwan na ito hanggang sa ikalawang araw ng Nobyembre.  Pagkatapos nito'y pawang mga Christmas decor na ang makikita.

Sa mga department stores, Halloween na ang kanilang tema at kung anu-anong dekorasyon at mga nilalang na may koneksyon sa kamatayan ang makikita. Pagkatapos ng Halloween, mga dekorasyong pamasko na ang makikita sa mga malalaki't maliliit na tindahan.

ICT, MAPAKIKINABANGAN SA DISASTER RESPONSE

NANINIWALA si Senador Edgardo J. Angara na mapakikinabangan ng administrasyon ang mas maraming applications sa larangan ng information and communications technology sa larangan ng disaster response tulad ng Nationwide Operational Assessment of Hazards (Project NOAH) ng Department of Science and Technology.

Binuo nina dating DOST scholar na sina Rolly Rulete, Pablito Veroy at Jay Albano, ang mobile application ang magbibigay sa mga gumagamit ng real-time updates ng panahon at pagbaha mula sa Project NOAH website.

Ani Senador Angara, simple ito subalit malaking tulong sa bansa tungo sa paggamit ng information communication technology sa paghahanda at pagtugon sa mga trahedya.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang application na ito ang siyang magiging dahilan ng mas mabilis at maayos na paghahatid ng balita sa mga mamamayan. Si Senador Angara ang chairman ng Senate Committee on Science and Technology.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>