Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap, prayoridad ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2012-10-29 17:50:48       CRI

Pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap, prayoridad ng pamahalaan

KABILANG sa mga prayoridad ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang pag-aangat sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga palatuntunan tulad ng conditional cash transfer.

Sa isang panayam sa katatapos na pagpupulong sa Pamantansan ng Plipinas, sinabi ni Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Department of Social Welfare and Development na malaki ang investments ng pamahalaan sa larangan ng edukasyon. Ipinaliwanag ng kalihim na mahalaga ito sa pag-aangat ng mga mamamayang nasa kanayunan. Binanggit din niya na isa itong hakbang upang magkaroon ng empowerment ang mga mahihirap.

Bahagi umano ito ng inclusive growth programs ng pamahalaan. Idinagdag pa ni Kalihim Soliman na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao pa lamang ay mayroon nang 300,000 mga pamilyang makikinabang sa kanilang programa.

Sinabi rin ng kalihim na ginagawa ng administrasyon ang lahat upang makatugon sa Millennium Development Goals na malutas ang karamihan ng mga suliranin pagsapit ng taong 2015.

Sa idinaos na pagtitipon, nagsalita rin ang mga dalubhasa sa larangan ng Sociology tulad nina Professor Mary Racelis, Eric Lagdameo ng Ateneo de Naga, at nagbigay din ng reaksyon ang bantog na kolumnista at dating UP Professor Randolf David tungkol sa mga nagaganap sa bansa.

Sa kanyang panig, sinabi ni Professor David na napakalawak na suliranin ang idinudulot ng kahirapan. Iminungkahi niya na bumuo ng mga samahan sa mga komunidad sa halip na tugunan ang pangangailangan ng bawat mahirap. Nararapat ding magkaroon ng pagtatangi sa tunay na mahihirap at sa mga sindikatong pumapasok na lamang sa mga lupain ng mga pribadong mamamayan.

Gobernador ng Bangko Sentral natuwa sa Moody's upgrade

KINILALA ng Moody's ang pinalakas na macroeconomic fundamentals at growth prospects ng Pilipinas sa pagtataas ng antas ng Pilipinas at nagpalapit sa layuning matamo ang investment grade status.

Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Gobernador Amando Tetangco, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ng Moody's na ang improved economic performance at mas maliwanag na medium-term growth prospects at kasabay ng fiscal revenue buoyancy at stable financial system ang nakatulong sa upgrade.

Sa nakalipas na dawalang dekada, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, sa pamamagitan ng suporta ng pribadong sektor, ang nagpatupad ng mahahalagang structural reforms na nagpalakas sa Philippine banking system at naging dahilan ng pagbabago ng mga bangko upang maging epektibong financial intermediaries.

Ngayong taong ito, binawasan ng BSP ang policy rates ng may 100 basis points upang matulungan ang ekonomiya na tumatag sa patuloy na pandaigdigang suliranin at suportahan ang economic growth.

Ang maingat na pagtugon sa eternal financial management ang umani ng mas maayos at pangmatagalang external debt position. Ang Pilipinas, ani Gobernador Tetangco ay kabilang sa iilang mga bansa na naging net external creditor na mayroong official foreign currency reserves na hihigit sa gross external debt ng bansa.

Sa rating na natamo mula sa Moody's, ang pangmatagalang foreign currency rating ng Pilipinas mula sa tatlong major credit rating agencies tulad ng Moody's, Standard and Poor at Fitch ay tugma na iisang bahagdan na lamang mula sa investment grade ang Pilipinas.

Wikang Filipino, nangungunang wika sa Canada

ANG wikang Tagalog ang siyang pinakamabilis na lumalagong wika sa Canada. Ito ang ulat ng StatCan o Statistics Canada sa katatapos na pagsusuri sa 2011 Census of Population Linguistic Characteristics of Canadians.

Higit sa 200 mga wika ang naitala sa 2011 Census of Population bilang home language o mother tongue.

Ayon sa StatCan, ang home languages na nagpapakita ng pinakamalaking bilang sa pag-itan ng 2006 at 2011 ay mga nagmula sa Asia at ang populasyon na na gumagamit ng Tagalog ay tumaas ng may 64%, ang pinakamalaking pag-unlad.

Nabatid sa survey na halos 279,000 mga mamamayan ang nagsasalita ng Tagalog noong 2011 mula sa 170,000 noong 2006.

Ang Tagalog ang ikalima sa non-official language sa mga tahanan sa Canada. Ang top 10 immigrant languages ay ang Punjabi, Chinese, Cantonese, Spanish, Tagalog, Arabic, Mandarin, Italian, Urdu at German.

Ang Vancouver ang katatagpuan ng pinakamaraming gumagamit ng wikang Tagalog at umabot sa bilang na 47,600 na nagulat sa Statistics Canada na ito ang kanilang primary language sa bahay noong 2011. Ito rin ang ginagamit ng maraming immigrant sa Edmonton at ikalawa sa Calgary kasunod ng Punjabi. Ipinaliwanag ni Philippine Ambassador to Canada Leslie Gatan na ang mga Filipino na dating nagsisiksikan sa Estados Unidos ay nakadiskubre ng mas magandang kabuhayan sa Canada.

Opisyal ng Kapulungan ng mga Obispo, nanawagan sa mga politiko

"IGALANG nyo naman ang mga namayapa." Ito ang panawagan ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga politiko na nagbabalak gamitin ang All Saints' Day at All Souls' Day sa kanilang pangangampanyan.

Sinabi ni Msgr. Pedro C. Quitorio III, director ng CBCP Media Office na ang Undas ay para sa mga namayapa at hindi para sa mga mahilig pumapel na mga kandidato upang higit na makilala ng madla.

Hindi pa naman saklaw ng campaign period kaya't nanawagan si Msgr. Quitorio sa mga kandidato na palibrehin naman ang mga sementeryo sa kanilang mga poster, mga streamer at mga tarpaulin na ginagamit sa pangangampanya.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Msgr. Quitorio na hindi angkkop ang pangangampanya sa mga sementeryo at nararapat igalang ang tradisyon ng mga Pilipino, dagdag pa ng director.

Konsensiya na lamang ng mga kandidato kung gagamitin nila ang panahon na ito sa kanilang pansariling kapakanan.

Milyun-milyong mga Pilipino ang inaasahang dadalaw sa mga libingan mula sa huling araw ng Oktubre hanggang sa ikalawanga araw ng Nobyembre upang mag-alay ng mga panalangin sa mga yumao. Kaugalian na rin ang magsindi ng kandila at mag-alay ng mga bulaklak tuwing Todos Los Santos.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>