Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Israel at mga bansa sa Europa, magnenegosyo at tutulong sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2012-10-30 18:13:25       CRI

HANDANG tumulong ang Israel at ilang mga bansa sa Europa sa Pilipinas sa ganda ang naitala nitong economic growth. Nakalaan din silang tulumong sa pamamagitan ng development assistance at investments sa Pilipinas. Ito ang ibinalita ni Vice President Jejomar C. Binay na dumalaw sa mga bansa sa Europa at sa Israel.

Tumagal siya ng dalawang linggo at sinabi niyang ang European Investment Bank ay nagpanukalang magkaroon ng extension ang 30 milyong Euro loan facility sa Development Bank of the Philippines upang tustusan ang social infrastructure at climate change mitigation projects sa bansa.

Nakatakda ring magpatupad ang European Union ng bagong seven-year multi-annual Financial Framework para sa taong 2014-2020 sa Nobyembre at ang EU ay nagnanais na lumayo na sa kanilang "small interventions," at nais gumastos ng higit sa strategic interventions sa mga kaibigang bansa.

Ani Pangalawang Pangulong Binay, hihigitan pa ng European Union ang development cooperation fund ng 20 % o dagdag na 100 milyong Euro sa loob ng pitong taon. Nais ng EU na magkaroon ng early disaster warning systems para sa Pilipinas.

Nagpasalamat din si Ginoong Binay sa grant na P 312 milyon para sa livelihood ng mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa Mindanao. Dumalaw sa Europa si Pangalawang Pangulong Binay bilang kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Sa Israel, nakausap niya sina Pangulong Shimon Peres at Deputy Prime Minister at Foreign Minister Avigdor Lieberman na pumuri sa nagaganap sa Pilipinas sa magandang economic performance at malaking domestic market dahilan sa mga kabataan at nakapag-aral na mga mamamayan. Darating din ang mga mangangalakal na Israeli sa susunod na taon upang maghanap ng mga kalakal.

DATING PANGULONG ARROYO, PINAYAGANG DUMALAW SA PUNTOD NG MGA MAGULANG

PUMAYAG ang Sandiganbayan sa kahilingan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang sa darating na Todos los Santos, sa unang araw ng Nobyembre. Nahihimlay ang kanyang yumaong ama, si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Libingan ng mga Bayani.

Naglabas ng desisyon ang Sandiganbayan matapos walang tumutol sa panig ng pag-uusig sapagkat ito'y kabilang sa mga tradisyon ng mga Pilipino.

Aalis sa Veterans Memorial Medical Center ang dating pangulo na ngayo'y congresswoman ng Pampanga, sa ganap na ikawalo ng umaga at babalik din sa pagamutan sa araw ding iyon.

Ayon sa kanilang mosyon, ang akusadong dating pangulo ay hindi pa napapatunayang nagkasala kaya't sa mata ng batas, siya ay inosente pa at mayroon pa ring mga karapatan tulad ng mga walang salang mamamayan. Kabilang sa mga ito ang kalayaang makapaglakbay na garantisado ng saligang batas.

Ang kanyang mga magulang, ang mag-asawang Macapagal ay nahihimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Sa araw ding iyon, gugunitain ang ika-97 kaarawan ng yumaong first lady, si Ginang Eva Macaraeg Macapagal.

PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO SA INTERNET, INILUNSAD MULI

SINIMULANG muli ng CBCP Media Office ang pagtanggap ng mga kahilingan mula sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, particular ang mga nasa bansang walang simbahan at mga magdaragat na hindi makakadalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas.

Binuksang muli ni Msgr. Pedro C. Quitorio III (na sa larawan) ang www.undasonline.com upang tumanggap ng mga kahilingang panalangin at Mass intentions mula sa mga Filipinong nasa iba't ibang bansa.  Tradisyon ng mga Filipino na mag-alay ng mga panalangin para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa ng mga yumao.

Pinamunuan ni Msgr. Pedro C. Quitorio III, CBCP Media Office Director ang virtual relaunch kaninang ika-apat ng hapon sa www.undasonline.com tampok ang bagong disenyo.

Naglalaman ito ng mga imahen ng mga libingan tulad ng Libingan ng mga Bayani na gumugunita sa mga kawal na yumao noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, digmaan sa Korea at Vietnam, atbp. Mayroon din itong mga panalangin at prayer at Mass intentions' request. Isinama na rin sa website ang mga katuruan ng Simbahan tungkol sa All Saints' at All Souls' Days.

Maaaring ipadala ang inyong mga kahilingan sa undasonline.com sa pinakamadaling panahon.

OBISPO NG JOLO, ISINAMA SA COMMISSION ON INTER-RELIGIOUS DIALOGUE

Si Jolo Bishop Angelito R. Lampon, OMI ang makakasama sa lupon na magsusulong ng pakikipag-usap sa mga pinuno at mga kasapi ng iba't ibang relihiyon.

HINIRANG si Jolo (Sulu) Bishop Angelito R. Lampon ng Oblates of Mary Immaculate bilang kasapi ng Pontifical Council for Inter-Religious Dialogue ayon sa Vatican News Service.

Kinapanayam ng CBCP Online Radio si Bishop Lampon kaninang umaga, sinabi niya na siya'y natutuwa sa pagkakahirang sa kanya. Naghahanda na siya ng kanyang liham na ipadadala sa Vatican City upang magpasalamat sa naging desisyon. May halos labing-limang taon nang Obispo ng Jolo si Msgr. Lampon. Siya ang humalili kay Bishop Benjamin D. De Jesus na binaril sa katanghaliang-tapat sa labas ng Katedral noong ika-4 ng Pebrero 1977.

Babad na umano siya sa isang pook na ang mayorya ay mga Muslim mula sa mga Tausug, Badjao at mga Samal na 97% ng mga mamamayan. Umaaasa siyang mamakadalaw sa Roma upang dumalo sa mga konsultasyon bagama't marami sa mga isyu ay idadaan sa mga liham. Makakasama niya si Cardinal Fernando Filoni, prefect ng Congregation for the Evangelization of the Peoples at 11 isa pang mga arsobispo at obispo mula sa iba't ibang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>