Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakal ng Pilipinas makakatulong magkaroon ng "Inclusive Growth"

(GMT+08:00) 2012-10-31 18:31:51       CRI

Kalakal ng Pilipinas makakatulong magkaroon ng "Inclusive Growth"

PATULOY na nakakatulong ang export ng mga produkto at serbisyong Pilipino sa minimithing inclusive growth at mga parayoridad ng Philippine Development Plan mula 2011-2016.

Ito ang sinabi ni Director Senen M. Perlada ng Bureau of Export Trade Promotion sa kanyang pagtatampok ng halaga ng exports sa pagkakaroon ng hanapbuhay sa 9th Trade Promotion Organization Network World Conference sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May 200 mga high-level delegates mula sa mga nangungunang TPOs at pinag-usapan ang mga paksang may kinalaman sa kaunlaran at pagpapatupad ng operational at service innovations upang matugunan ang pangangailangan ng mga exporter.

Nagsasama-sama ang mga senior managers ng TPOs upang magbahaginan ng magagandang gawain at mga alternatibong paraan upang matugunan ang mga pangangailangan dala ng pandaigdigang krisis.

Sa nagaganap ngayon, sinabi ni Perlada na bumagal din ang exports ng Pilipinas dahilan sa mahinang pangangailangan ng Europa at America sa mga produktong gawa sa bansa. Noong 2010, ang exports ng Pilipinas at 34.8% ng gross domestic product.

Dating Pangulong Arroyo, din na makakadalaw sa libing ng mga magulang

HINDI na matutuloy ang pagdalaw ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa puntod ng kanyang mga magulang dahilan sa peligrong lumala pa ang kanyang kalagayan. Ito ang sinabi ni Atty. Anacleto Diaz.

Idinagdag ng abogado na nasa masamang kalagayan ang dating pangulo kaya hindi na lamang niya itutuloy ang kanyang pagdalaw bukas ng umaga. Nagpasalamat din siya sa Sandiganbayan sa pahintulot na ibinigay matapos siyang humingi ng permiso. Ipinaliwanag ni Atty. Diaz na nakaratay pa sa kanyang hinihigan ang dating pangulo ng dalhin niya ang kahilingan sa Sandiganbayan.

Pinayuhan siya ng mga manggagamot na huwag na munang tumuloy sapagkat may posibilidad na madagdagan pa ang problema ng kanyang kalusugan.

Mga naiwanang minahan, peligro sa mamamayan

ANG 31 mga iniwanang minahan sa buong bansa ay nananatiling peligro sa mga mamamayang naninirahan sa kapaligiran. Ito'y dahilan sa mga pagguho ng lupa at mga pagbahang nagaganap.

Ito ang sinabi ni Marcial Mateo, isang dalubhasa ng Mines and Geosciences Bureau sa isang pagdinig sa Mababang Kapulungan. Sinabi ni Mateo na ang mga iniwanang minahan at hindi na ginagamit at mga saradong minahan sa buong bansa ay nalimutan na ng mga nakinabang na isaayos at isailalim sa rehabilitasyon. Binanggit ni Ginoong Mateo na tanging ang iniwanang minahan sa Bagacay, Western Samar ang isinasaayos sa pamamagitan ng pautang mula sa World Bank.

Bagaman, ang rehabilitasyon ay hindi garantiya na ito ang pipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.

Ayon sa datos, ang mga iniwanang minahan ay matatagpuan sa Zambales, sa Pangasinan, sa Kalinga, Benguet, Agusan del Sur, Negros at Marinduque.

Mga mechanical engineer ng Pilipinas, naghahanda para sa Asean Community sa 2015

MAGANDA ang kinabukasang naghihintay para sa mga mechanical engineer ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni Engr. Vitaliano F. Mamawal III, National Secretary ng Philippine Society of Mechanical Engineers sa isang exclusive interview ng CBCP Online Radio.

Sa Pilipinas ay mayroong higit sa 70,000 mechanical engineers, kabilang na ang may 20,000 nasa iba't ibang bahagi ng daigdig. Mayroon din umanong mga enhinyerong hindi na kumuha ng board exams kaya't kung isasama sila sa talaan ay aabot sa higit sa isang daang libong mga nagtapos ng kurso.

Ayon kay Ginoong Mamawal, malawak ang masasaklaw ng mga mechanical engineer mula sa mga planta ng kuryente hanggang sa mga kagamitang matatagpuan sa mga sakahan. Layunin ng kanilang samahan sa ilalim ng kanilang pangulo, Engineer Liberato Virata, Pangalawang Pangulo ng Energy Development Corporation, na madagdagan ang mga mag-aaral sa mga dalubhasaan upang makatugon sa hamon ng teknolohiya. Ginagawan na nila ng paraan upang makasama sa tinaguriang Washington Accord upang ang mga enhinyerong mula sa Pilipinas ay makapantay ng mga enhinyerong nagtapos sa ibang mauunlad na bansa. Target ng kanilang samahan na matamo ang accreditation sa 2013.

Higit sa 3,000 mga mechanical engineering students ang lumahok sa national convention noong nakalipas na linggo sa SMX Center sa Mall of Asia at isang magandang pangitain para sa propesyon. Naging bahagi ang pagtitipon ng mga mag-aaral sa 60th National Annual Convention noong ika-23 hanggang ika-26 ng Oktubre.

Isang problemang kinakaharap ng mga mechanical engineers mula sa Pilipinas ay kinikilala lamang silang mga technicians sapagkat iba ang sistema ng pagsasanay sa mga dalubhasaan o kolehiyo sa Pilipinas kung ihahambing sa kanilang mga pinaglilingkuran.

Bagaman, umaasa ang Philippine Society of Mechanical Engineers na mababago ito sa pamamagitan ng mga hakbang na isinasagawa ng Professional Regulatory Commission at Commission on Higher Education, kasama na rin ang kanilang samahan. Makakatulong din ang K-12 program ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa pagkakaroon ng ASEAN Community sa 2015, makakapasok ang mga banyagang enhinyero sa Pilipinas samantalang ang mga enhinyerong Pilipino ay makakarating na rin sa mga bansang kabilang sa ASEAN. Isasaayos lang umano ang mga talaan at mga papeles na kailangan ng mga enhinyero bilang paghahanda para sa malaking pagbabagong magaganap sa taong 2015.

Panalangin para sa mga nasawi sa mga sakuna, gagawin sa ika-18 ng Nobyembre

MAGKAKAROON ng espesyal na panalangin sa lahat ng Simbahang Katoliko sa buong bansa para sa mga naging biktima ng mga sakuna sa lansangan. Ito ay gagawin sa ikatlong Linggo ng Nobyembre ayon sa kahilingan ng Philippine Global Road Safety Partnership Inc. at ng Department of Transportation and Communications. Magugunitang lumiham sina Engr. Alberto H. Suansing, Secretary General ng Global Road Safety Partnership at Transport and Communications Assistant Secretary Dante M. Lantin kay Arsobispo Jose S. Palma, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ayon kay Ginoong Lantin, ang World Health Organization ay nagsabing may 1.3 milyon ang nasasawi taun-taon dahilan sa mga sakuna sa lansangan. Kasama pa rito ang may 50 milyong nasusugatan. Kung walang kikilos, magiging ikatlong nangungunang dahilan ng kamatayan ang mga sakuna sa taong 2020.

Idinagdag naman ni Engr. Suansing na 34 na Pilipino ang nasasawi sa bawat araw sa Pilipinas. Ito ang dahilan kaya't hiniling nila ang pagdaraos ng pinag-isang panalangin sa lahat ng Misa sa araw ng Linggo, sa ika-18 ng Nobyembre upang bigyang diin ang kahalagahan ng pag-iingat sa mga sakuna.

Sa panig ng CBCP, nagpadala na ng sirkular si Msgr. Joselito C. Asis sa lahat ng mga obispo ng Pilipinas na magsagawa ng espesyal na panalangin ayon sa kahilingan nina Ginoong Lantin at Suansing.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>