Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino nakipag-usap sa mga leader ng European Union sa ASEM

(GMT+08:00) 2012-11-06 18:05:19       CRI

 

Pangulong Aquino nakipag-usap sa mga leader ng European Union sa ASEM

MULA sa Vientiane, Lao People's Democratic Republic, nag-usap sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at European Council President Herman van Rompuy at European Commission President Jose Manuel Barroso sa sinasabing makasaysayang trilateral meeting samantalang idinadaos ang 9th Asia-Europe Meeting.

Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, napag-usapan ang iba't ibang isyu at ang mga nagaganap sa South China Sea na tinatawag ng Pilipinas na West Philippine Sea. Ipinarating ni Ginoong Rompuy ang suporta ng European Union upang magkaroon gn rules-based at payapang solusyon sa mga hindi pagkakaunawaan sa karagatan ayib sa pandaigdigang batas.

Ipinagpasalamat nila ang paglagda sa Philippines-European Union Partnership and Cooperation Agreement noong ika-11 ng Hulyo. Ito ang magpapakilos para sa pagpapalawak at pagpapalalim ng relasyon at pangako ng magkabilang panig na magkaroon ng pagtutulungan sa mga isyung politikal. Palalawakin din ng magkabilang panig ang kalakalan at investments. Ang EU ang nagdulot ng 80% ng pakikipagkalakal ng Pilipinas sa Europa. Ang kalakal ng Pilipinas sa European Union ay umabot sa $ 10.4 bilyon.

Binati ni Pangulong van Rompuy si Pangulong Aquino sa paglagda sa Framework Agreement on the Bangsamoro at mga nagawa ng pamahalaan sa pagkaban sa korupsyon at iba pang katiwalian. Tutulong pa rin ang European Uniion sa human rights, migration, at peace process partikular sa capacity-building para sa mga Bangsamoro.

Pinasalamatan ni Pangulong Aquino sina Pangulong van Rompuy at Barroso sa pakiki-isa sa GPH-MILF peace process bilang Coordinator of the Humanitarian, Rehabilitation, and Development Component ng International Monitoring Team.

Tiniyak ni Pangulong Aquino ang pagtugon sa mga problemand dulot ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping Convention at air safety standards. Kung aalisin ng European Union and pagkilala sa mga sertipiko ng mga magdaragat, libu-libong mga Filipino at kanilang mga pamilya ang mahihirapan tulad rin ng European at global shipping.

Umaabot sa 25.32% o 347,150 mula sa 1,371,000 na magdaragat sa buong daigdig ang mga Filipino. Noong nakalipas na taon, 91,714 ang mga kawani ng mga barkong may bandilang mula sa Europa. Ang remittances ng mga magdaragat ay umabot sa $ 4.34 bilyon. Ang $ 1.2 bilyon ay mula sa mga magdaragat na kawani ng mga kumpanyang Europeo.

Ika-25 Asean – Australia Forum sinimulan sa Maynila

KANINANG umaga nagsimula ang 25th ASEAN-Australia Forum sa New World Hotel sa Maynila. Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Erlinda Basilio, pinahahalagahan ng ASEAN ang pakikipagkaibigan nito sa Australia, ang unang dialogue partner. Ang magandang pagsasamahan ay umabot sa ika-38 taon, na nagsimula noong 1974 noong pipitong taong gulang pa lamang ang kalipunan ng mga bansa sa timog silangang Asya. Malayo na ang narating ng relasyong ito, ani Undersecretary Basilio.

Ang Australia ay naging masugid, aktibo at mabuting kaibigan ng ASEAN. Pinuri niya ang Australia sa paglalaan ng ilang mga mekanismo tulad ng ASEAN Regional Forum noong 1994, ang East Asia Summit noong 2005, ang ASEAN Defense Ministers' Meeting Plus noong 2010 at ang Expanded ASEAN Maritime Policy Forum noong nakalipas na buwan.

Ang Australia at New Zealand ay kapwa mayroong Free Trade Agreement sa ASEAN, ang kauna-unahang region-to-region Free Trade Agreement. Lalahok din ang Australia sa negosasyon para sa Regional Comprehensive Economic Partnership na siyang magsusulong ng regional economic cooperation.

Mayroon ding development initiatives and Australia sa ASEAN-Australia Development Cooperation Program at pagtulong ng Australian Government Overseas Aid Program o AusAid.

Isusulong ng Pilipinas ang monitoring at pagpapatupad ng key action areas na kinilala sa Joint Declaration on Comprehensive Partnership. Pangalawa ang pakikipagtulungan upang makabuo ng Plan of Action, pagpapatulad ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area at negosasyon para sa Regional Comprehensive Economic Partnership. Kabilang din sa gagawin ng Pilipinas ang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng ASEAN-Australia Dialogue Relations sa 2014 at pagkilala at pag-uusap sa mga susunod na Summit meetings.

Kahalagahan ng transportasyon, binigyang diin ni Adb President Haruhiko Kuroda

TRANSPORTASYON, MAHALAGA PARA SA REHIYON. Ito ang sinabi ni Pangulong Haruhiko Kuroda ng Asian Development Bank sa pagbubukas ng 3rd ADB Transport Forum sa ADB headquarters kaninang umaga. Kung hindi sasapat ang mga sasakyan, mahihirapan ang mga mamamayang makapaghanapbuhay, mag-aral, magpagamot at magtungo sa mga nais puntahan, dagdag pa ni Ginoong Kuroda.

ANG transportasyon ay nananatiling mahalaga para sa Asia sapagkat kung magpapatuloy ang kakulangan nito, maraming mga mamamayan ang maghihirap sapagkat hindi makararating sa kanilang mga hanapbuhay, mga pamilihan, pagamutan at mga paaralan.

Ito ang sinabi ni Ginoong Haruhiko Kuroda, Pangulo ng Asian Development Bank sa pagbubukas ng ADB Transport Forum sa ADB Headquarters sa Metro Manila kanina.

Isang malaking hamon para sa mga pamahalaang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga bansa upang maisulong ang kaunlaran at maibsan ang kahirapan sa Asia-Pacific Region.

Nakikita rin ang madaliang urbanization sa rehiyon. Mula noong 1980 hanggang 2010, may isang bilyon katao ang napadagdag sa mga lungsod at isang bilyon pa ang inaasahang daragsa sa mga lungsod sa taong 2040.

Ani Pangulong Kuroda, nasa Asia ang karamihan ng megacities. Sa pagdami ng mga mamamayan, bumilis din ang pagdami ng mga sasakyan na naging dahilan ng kasikipan, air pollution, mga sakuna sa trapiko at greenhouse gas emissions. Ang pandaigdigang paglago ng mga sasakyan ay nagmula sa 9% noong 1980 at umabot sa 17% noong 2005 at aabot sa 46% sa taong 2030.

Kailangan umanong magkaroon ng investments sa transportasyon sa Asia – Pacific region at maging inclusive at sustainable o pangmatagalan.

Kailangan ang ligtas, makakaya ng karamihan at mapakikinabangan ng lahat ng mamamayan sa alinmang lipunan, hindi lamang para sa mga may kakayahang magkaroon ng mga kotse.

Kung magkakaroon ng angkop na disenyo, magiging mas mabilis at makakayanan ang pagdadala ng mga paninda sa pamilihan at mga mamamayan sa kanilang patutunguhan.

Mas makabubuti umano ang pagkakaroon ng mumunting epekto sa kapaligiran, magkapagsusulong ng maayos na paggamit ng paubos ng likas na yaman kabilang na ang gasolina at road space. Nararapat ding isulong ang kalusugan ng mga mamamayan, dagdag pa ni Ginoong Kuroda.

Mahihirap makikinabang na sa Philhealth

PORMAL na inilunsad ang kasunduan ng Department of Social Welfare and Development at Philippine Health Insurance Corporation upang higit na matiyak ang health care ng mahirap sa pamamagitan ng simpleng seremonya kanina.

Makikinabang sa palatuntunan ang higit sa limang milyong mahihirap na pamilya na tumatanggap na ng benepisyo mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang maiangat ang kalidad ng kanilang buhay hindi lamang sa pamamagitan ng conditional cash transfer kungdi sa pamamagitan ng health care benefits kung sakaling may magkasakit sa loob ng pamilya.

Lumagda sa kasunduan sina PhilHealth President at Chief Executive Officer Dr. Eduardo P. Banzon at sina Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Social Welfare and Development at Enrique T. Ona ng Kagawaran ng Kalusugan.

Magaganap na ang palatuntunang Universal Health Care para sa mga mahihirap na mamamayan ng bansa. Ang Pantawid Pamilya beneficiaries na makikinabang sa PhilHealth coverage ay tinustusan ng mg buwis ng mga mamamayan hanggang sa darating na Disyembre 2013. Bibigyan sila ng Member Data Record at PhilHealth Identification Number na kikilalanin ng lahat ng accredited hospitals sa buong bansa.

Mga simbahan, mayroon ng CCTV

NAGSIMULA nang maglagay ng mga Closed Circuit Television ang mga simbahan sa Metro Manila upang mapigil ang mga nagaganap na nakawan samantalang nagdarasal ang mga mamamayan.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, may ilang simbahan na sa kanyang nasasakupan ang naglagay na ng mga CCTV upang mabantayan ang loob ng simbahan. Madali umanong mababalik-aralan ang mga nilalaman ng recorded video ng mga cctv.

Nagpasa na ng ordinansa ang Lungsod ng Quezon na nagbabawal sa mga matataong lugar, tulad ng mga simbahan at mga tindahan, ng operasyon ng walang cctv.

Samantalang naniniwala ang obispo na makakatulong ito upang masugpo ang krimen nagdadalawang-isip siya sa pag-uutos na lahat ay nararapat magkaroon ng mga cctv.

Karaniwang nabibiktima ang mga nagsisimba ng mga mandurukot at magnanakaw.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>