|
||||||||
|
||
Idaraos dito sa Beijing bukas ang ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Pinag-uukulan ng pansin ng mga partido at opinyong publiko ng iba't ibang bansa ang okasyong ito.
Nang kapanayamin ng China Radio International, sinabi ni Tengku Adnan bin Tengku Mansur, Pangkalahatang Kalihim ng United Malays National Organization (UMNO), na nagsimula ang pagpapalagayan ng UMNO at CPC, sapul nang dumalaw sa Tsina si dating Punong Ministro Abdul Razak ng Malaysia noong 1974. Sa kasalukuyan, itinatag na ng kapuwa panig ang mekanismo ng pagdadalawan bawat taon. Aniya, mainam ang pagpapalitan ng dalawang partido sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng partido, pangangasiwa sa bansa, administrasyon, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Chua Soi Lek, Tagapangulo ng Malaysian Chinese Association (MCA) na di-tulad ng lumang paraan ng pag-ahon ng ilang malaking bansang kanluranin, iniharap ng CPC ang "pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad." Binigyang-diin nito ang pagkakaibigan sa mga kapitbansa, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at komong kaunlaran. Kinikilala aniya ng sirkulong pulitikal ng Malaysia ang ganitong ideyang pangkaunlaran at natamong bunga nito. Ipinalalagay din niyang noong nakaraang 10 taon, nagsilbing batayan ng katatagan ng rehiyon at buong mundo ang mapayapang pag-unlad ng Tsina, bagay na taliwas sa umano'y "pagiging banta ng Tsina."
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |