|
||||||||
|
||
Sa pagbubukas kaninang umaga sa Beijing ng ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binasa ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, ang ulat ng ika-17 Komite Sentral ng partido, at sinabi niyang buong atatag at di-magbabagong tatahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Binigyang-diin ni Hu na ang sosyalismong may katangiang Tsino, at ang mga teorya at sistema hinggil dito, ay saligang tagumpay na natamo ng CPC at mga mamamayang Tsino, nitong mahigit 90 taong nakalipas, sapul nang itatag ang partidong ito. Aniya, dapat buong tatag na igiit at walang humpay na paunlarin ang mga ito.
Iniharap din ni Hu ang mga bagong kahilingan at target sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas. Ang mga pangunahing nilalaman sa kanyang ulat ay kinabibilangan ng ibayo pang pagpapasulong ng may balanse, koordinado, at sustenableng pag-unlad; at sa taong 2020, sinabi niyang ang GDP ng Tsina at karaniwang kita ng mga mamamayang Tsino ay magdodoble kumpara sa taong 2010.
Papaanong matutupad ng CPC ang naturang mga target?
Sinabi ni Hu sa ulat na komprehensibong palalalimin ng Tsina ang reporma sa sistemang pangkabuhayan, lalo pang igagalang ang mga batas ng pamilihan sa proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan, at ibayo pang palalakasin ang pantay-pantay na kompetisyon ng pamilihan.
Pagdating naman sa reporma sa sistemang pampulitika, ani Hu, dapat aktibo at maayos na pasulungin ang repormang ito, para maisakatuparan ang isang mas malawak, mas lubos, at mas kompletong demokrasya ng bayan. Ang pinaka-pangunahing tungkulin sa aspektong ito ay pagkatig at paggarantiya sa paggamit ng mga mamamayan ng kapangyarihan ng estado sa pamamagitan ng sistema ng kongresong bayan, dagdag pa ni Hu.
Inilakip din sa ulat ang mga gawain sa hinaharap, sa mga aspekto ng tanggulang pambansa, diplomasya, reunipikasyon ng bansa, party build-up, at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |