Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang brodkaster,binaril,patay

(GMT+08:00) 2012-11-08 18:45:12       CRI

Isang brodkaster, binaril, patay

NADAGDAGAN ang bilang ng mga mamamahayag na napapatay sa ilalim ng Administrasyong Aquino sa pagkakabaril at pagkasawi ni Julius Cauzo, 51 taong gulang, isang Reporter-Anchorman ng himpilang DWJJ sa Cabanatuan City. Nasawi ang mamamahayag matapos barilin ng isang salarin sa may Flower Lane sa Barangay Aduas Centro sa Cabanatuan City, kanilang pasado alas ocho y media ng umaga.

Ayon kay Police Supt. Eli Depra, nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa dibdid. Tumakas sakay ng motorsiklo ang salarin. Isinugod ang biuktima sa Nueva Ecija Good Samaritan Hospital subalit deklaradong dead on arrival.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng pamamaslang kung may koneksyon sa kanyang trabaho.

Si Cauzo ang magiging ika-154 na mamamahanay na biktima ng pamamaslang mula noong 1986 at ika-lima sa taong 2012. Siya rin ang magiging ika-14 na biktima ng pamamaslang sa ilalim ng Administrasyong Aquino.

Pag-aari ni Cabanatuan City Mayor Jay Vergara ang himpilan ng radyo.

Iba't ibang transport-related projects, inialok ng pamahalaan sa mga mangangalakal na Ingles

 MARAMING PROYEKTO SA PILIPINAS.  Ito ang binigyang-diin  ni Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya sa pagsisimula ng Public-Private Partnership and Infrastructure Forum and Mission na dinaluhan ng mga mangangalakal na Ingles at mga kinatawan ng Pamahalaan ng Vietnam.  (DOCT Photo)

SA pagdating sa Pilipinas ng siyam na malalaking kumpanya mula sa Great Britain, idinaos kaninang umaga ang kauna-unahang Public-Private Partnership and Infrastructure Forum and Mission sa New World Hotel sa Lungsod ng Makati.

Binanggit ni Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya ang limang malalaking mga proyekto na maaaring paglagakan ng puhunan ng mga panauhin. Nangunguna sa kanyang prayoridad ang extension ng Light Rail Transit System mula sa Baclaran area patungong Cavite. Nagkakahalaga ito ng $ 1.4 bilyon at tutugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong naninirahan sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Kasama rin ang Mactan-Cebu International Airport na nagangailangan ng bagong passenger terminal. Iniaalok ng pamahalaan ang operation and maintenance ng itatayo at kasalukuyang paliparan.

Sa ilalim din ng operation and maintenance, iniaalok din ang New Bohol International Airport sa lalawigan ng Bohol at Langidingan Airport sa hilagang silangang Mindanao at ang Puerto Princesa airport sa pagdagsa ng mga turista patungong Underground River.

May pagkakataon ding mangalakal ang mga British businessmen sa automatic at contact-less ticketing system ng LRT at MRT. Mayroon ding iniaalok na extension ng MRT 2 patungong silangang bahagi ng Metro Manila na tutugon sa pangangailangan ng mga naninirahan sa Lalawigan ng Rizal.

Iniaalok din nila ang pagkakaroon ng tatlong bus terminals, isa sa hilagang bahagi at dalawa sa katimugang bahagi ng Metro Manila at hindi na papayagang makakapasok pa ang mga bus na mula sa mga lalawigan.

Ambassador Stephen Lillie ng Great Britain, umaasang magtatagumpay ang PPP sa pagitan ng Pilipinas at kanyang bansa

UMAASA si British Ambassador to the Philippines Stephen Lillie na may patutunguhan ang pag-uusap ng mga mangangalakal na Ingles at mga opisyal ng pamahalan sa idinadaso na Public-Private Partnership and Infrastructure Forum and Mission ngayon at hanggang bukas sa New World Hotel sa puso ng Makati.

Hindi lamang sa larangan ng transportasyon ang pinag-uusapan sapagkat isinama na rin ang health sector sa palatuntunan. Ang kakaiba sa programang ito ay dumalo rin ang mga kinatawan ng Pamahalaan ng Vietnam upang suriin ang PPP.

Ayon kay Ambassador Lillie may kakayahan ang kanilang mga mangangalakal na tumugon sa mga pangangailan ng Pilipinas. Mga kasunduan ang inaasahang mabubuo sa pagtitipong tatagal ng dalawang araw.

Marami umanong umaasa na magpapatuloy ang magandang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas kaya't isang magandang investment destination ito.

Hindi umano nangangahulugan ang PPP na power point presentation lamang sapagkat ang programa'y inilunsad mga dalawang taon na ang nakalilipas at hindi madaling ipatupad ito sapagkat maraming sangkot tulad ng mga batas at mga alituntunin.

Umaasa siyang sa ilalim ni Kalihim Abaya, ang DOTC o Department of Transportation and Communication ay maisusulong ang mga kasunduan at mga proyekto.

Paliparang Ninoy Aquino 1, isinasaayos para sa pagbuhos ng mga balikbayan at turista

HINDI lamang disenyo ang porblema ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sapagkat may problema rin ito sa pagkakagawa at estruktura. Ito ang binanggit ni Kalihim Joseph Emilio Abaya ng Department of Transportation and Communications sa isang panayam.

Mayroon nang natanggap ang pamahalaang dalawang panukala sa ilalim ng performance-based design o code-based design. Nagkasundo na ang DOTC at Department of Public Works and Highways at nabatid na ang performance-based design ay katanggap-tanggap, mas mura at mas madaling gawin at hindi makakasagabal sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, dagdag pa ni Kalihim Abaya.

Kung ang panukalang code-based design, mangangailangan ito ng pagpapasara ng buong terminal. Mayroon na rin silang third party consultant na umaalam sa structural design na inialok sa kanila at matatapos sa loob ng tatlong linggo.

Tatagal ng isa't kalahating taon ang pag-aayos ng paliparan.

Patuloy umanong lumalago ang kalakal sa Diosdado Macapagal International Airport sa dating Clark Air Force Base sa Angeles City, Pampanga. Ayon kay Kalihim Abaya, patuloy na lumalago ang kalakalan ng 15% at ginagamit ng low-cost carriers. Magkakaroon din ng expansion program ang Clark.

Pinag-aaralan pa nilang mabuti kung ililipat ang operasyon ng NAIA sa Clark at mayroon ng pag-aaral ng ginawa ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at inihahanda na ang kanilang mga rekomendasyon. Sinusuri nila kung magkakaroon ng two-gateway system o single gateway system.

Magdedesisyon sila sa bago matapos ang kasalukuyang taon, sabi pa ni Kalihim Abaya.

Kampanya laban sa human trafficking inilunsad

INILUNSAD na ang ARMM Council Against Trafficking sa ilalim ni Gobernador Mujiv S. Hataman na napapanahon sa pagdalaw ni United Nations Rapporteur Joy Ngozi Ezeilo at ng mga opisyal ng UNICEF.

Kabilang sa okasyon ang pag-uusap tungkol sa kalagayan ng human trafficking sa ARMM. Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng National Statistics Office, Department of Justice, Bureau of Immigration and Deportation at Inter-Agency Committee Against Trafficking. Lalagda rin sila sa isang strategic plan of action laban sa trafficking in persons sa loob ng rehiyon.

Napapanahon ang okasyon kasabay ng pagdiriwang sa pagdating ni Sheik Makdum sa katimugang bahagi ng Pilipinas ilang daang taon na ang nakalilipas.

Nagsimula ang pagbuo ng konseho sa pakikipag-usap ni Gobernador Hataman sa ilang mga pinuno ng pamahalaan tungkol sa human trafficking. Magugunitang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pinagmumulan ng mga mamamayang nagiging biktima ng human trafficking.

Kahit menor de edad ay nagagawan ng palsipikadong mga dokumento kaya't nakapagtatrabaho sa ibang bansa. Ito ang naganap noon kay Sarah Balabagan, na nahatulan ng pagpatay sa kanyang pinaglilingkuran matapos pagtangkaang halayin sa isang bansa sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng inilunsad ng konseho, ang rehabilitasyon ng mga biktima ay kanilang babalikatin. Ayon sa datos ng pamahalaan, sa 1,800 mga manggagawang nakauwi ng Pilipinas mula sa Syria, 75% hanggang 85% ang nagmula sa Mindanao.

Mula sa mga manggagawang mula sa Mindanao, 75% sa kanila ang buhat sa Autonomous Region in Muslim Mindanao lalo sa Maguindanao, Basilan, Sulu at mga kalapit-bayan.

Simbahan, tutol pa rin sa bagong bersyon ng RH Bill

KAHIT pa may kaulukang susog sa panukalang batas hinggil sa Reproductive Health, sinabi ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes na hindi nagbabago ang paninindigan ng Simbahan sa mga probisyong makapipinsala sa buhay ng tao.

Hindi lamang ang mga Katoliko ang nais na ipagtanggol ng Simbahan kungdi ang buhay ng mga mamamayan, ayon sa obispo sa kanyang pahayag na inilabas sa media.

Si Bishop Reyes ang chairman ng Episcopal Commission on Family and Life ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Kahit mayroong magagandang pagsusog, ang pinakahuling bersyon ay mayroon pa ring ilang probisyong makasasama.

Ang House Bill 4244, ayon kay Bishop Reyes ay mayroon pa ring pagsusulong ng artificial methods ng birth control na tinututulan ng Simbahan. Napuna ng obispo na ang pagsusulong ng contraception ang siyang buod ng pinakahuling bersyon ng panukalang batas.

.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>