|
||||||||
|
||
Humarap kaninang umaga sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan ang bagong-halal na Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na si Xi Jinping, at kanyang mga kasama na Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC na sina Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, at Zhang Gaoli.
Sa kanyang talumpati sa okasyong ito, sinabi ni Xi na ang mga tungkulin ng bagong liderato ng CPC ay pamumuno sa buong partido at mga mamamayang Tsino na patuloy na magpunyagi para sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino. Aniya, dapat ipagpatuloy ang pagpapalaya ng ideya, patakarang reporma at pagbubukas sa labas, at pagpapaunlad ng produktibong lakas, buong sikap na lutasin ang mga kahirapan ng mga mamamayan, at isakatuparan ang komong kayamanan. Dagdag pa niya, dapat pahigpitin ang pamamahala sa CPC, tumpak na lutasin ang mga namumukod na problema ng partido, at pabutihin ang paraan ng gawain, para mas mahusay na mamuno ang CPC sa usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Sinabi rin ni Xi, na kailangang mas marami ang malaman ng Tsina hinggil sa daigdig, at kailangan namang malaman ng daigdig ang mas marami hinggil sa Tsina. Nagpahayag siya ng pag-asa sa mga mamamahayag na patuloy na gumawa ng pagsisikap at magbigay ng ambag para sa pagdaragdag ng pagkakaunawaan ng Tsina at iba't ibang bansa ng daigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |