|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Ipinatalastas kagabi ng panig opisyal ng Pilipinas na 1400 katao sa katimugan ng bansa ang nasawi at nawawala dahil sa Bagyong Pablo.
Ayon sa National Risk Reduction and Disaster Management Council (NRRDMC), umabot na sa 620 ang bilang ng mga namatay sa Timog ng bansa dahil kay Pablo, at karamihan sa kanila ay galing sa Mindanao.
Ayon pa sa naturang departamento, hanggang alas-siyete kagabi, apektado ng bagyo ang 35 lunsod sa 30 lalawigan, at halos 5.4 na milyon ang bilang ng mga mamamayang naapektuhan.

Noong ika-7 ng buwang ito, nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pampanguluhang proklamasyon na pormal na nagdedeklara ng State of National Calamity sa buong bansa.
Nagdulot din ang bagyo ng malaking kapinsalaan sa kabuhayan ng Pilipinas. Dalawampu't anim na libong ektarya ng pananim ang napinsala sa Mindanao.
Salin: Andrea
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |