Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

IF YOU ARE THE ONE 2

(GMT+08:00) 2012-12-17 18:55:05       CRI

Ilang tulog na lang Pasko na, at kapag kapaskuhan masayang manood ng feel good movie. Bawal malungkot kapag Christmas season. Dapat positive vibe tayong lahat.

Kaya para sa Movie Buddy napili ko ang If You Are The One 2 ang hit romantic comedy ni Feng Xiaogang. Luma pero klasik ito.

Nagsimula ang sequel sa alok na pagpapakasal ni Qin Fen (Ge You) kay Xiaoxiao (Shu Qi) sa Great Wall.

Sina Qin Fen at Xiaoxiao

Mac: Sa eksenang ito nakita na natin kung paano magiging kwela ang kwento dahil sabi ni Qin na hindi pag-ibig ang dahilan ng kanyang pag-aayang magpakasal. Ito ang linya nya: "Love has an expiration date. I wouldn't propose if I loved you."

Tapos sinundan ito ng nakakatawang eksena kung saan dumalo sila sa divorce ceremony ni Xiangshan (Sun Honglei) matalik nilang kaibigan kay Mango (Yao Chen)

Divorce ceremony nina Xiangshan at Mango

Kumpletos rekados ang seremonya na kapareho ng kasalan may mga bay, bulaklak, quartet, handaan. Pero ang kaibhan ng divorce ceremony, naka itim na trahe de boda ang babae at imbes na manumpa sa bibliya, sa bungkos ng pera sila nangakong si na ulit magkakabalikan.

Dahil dito nag duda si ang dalawang bida kung tatagal ang ralasyon nila. Kaya nagkasundo silang subukan ang trial marriage. Nagpunta sila sa isang resort sa Hainan Island para isagawa ang social experiment na ito.

Nagpanggap na mag-asawa sila Qin at Xiaoxiao at nangako na ipapakita ang pinaka masama nilang ugali. Dito muling nakita ang comedic skil ni Ge You. Nagpanggap siyang inbalido, naka wheel chair para lang subukin kung kaya ni Xiaoxiao na tupdin ang sumpa na mahalin sya "in sickness and in health"

Ang trial marriage nila Qin Fen and Xiaoxiao ang pinaggalingan ng malaking bahagi ng mga katatawanan sa If You Are the One 2. Nakita natin na napipikon na si Xiaoxiao kay Qin Fen dahil matigas ang ulo nito at isip bata, pero nahahalina naman sya sa talino at wisdom nito.

Ano ba ang gusto ng dalawang bida? Tandaan na hanap ni Xiaoxiao ang pag-ibig sa isang relasyon. Bilang isang middle-aged man, hanap naman ni Qin Fen ang isang praktikal na pagsasama. Sa bandang dulo ng pelikula bagamat cliché na, napilitan harapin nila Qin Fen and Xiaoxiao ang kanilang mga nararamdaman para sa isat isa.

Swak si Ge You sa papel nya bilang Qin Fen. Ang kanyang pagbato ng mga linya

ay tunay na nakakatawa. Sexing-sexy naman si Shu Qi. Kaakit akit at talagang hahabol-habulin sya ni Qin. Magaling ang cast ng If You Are the One 2 kaya talagang nakakatuwa itong panoorin. May matututunan ang mga manonood tungkol sa pakikipag relasyon. At ipinakita nito na mahalaga ang pagbibigayan, pagiging tapat sa isa't-isa at ang pagpapaubaya sa ngalan ng pagmamahal.

RATING ng MOVIE BUDDIES: 8.5 na POPCORNS

Production companies: Huayi Brothers, Beijing Feng Xiaogang Film & Television Culture Workshop, Emperor Motion Pictures, Zhejiang Film & Television Group Ltd.

Cast: Ge You, Shu Qi, Sun Honglei, Yao Chen, An Yixuan, Li Yanwei

Director-screenwriter-executive producer: Feng Xiaogang

Produced by: Wang Zhongjun, Albert Yeung, Wang Tongyuan

Executive producers: Wang Zhonglei, Chen Kuo Fu

Director of photography: Lv Yue

Music: Luan Shu

Costume designer: Zhang Chufeng

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>