Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

LOST IN THAILAND

(GMT+08:00) 2012-12-25 15:56:47       CRI

Enjoy talaga panoorin ang Lost in Thailand, ito ang derectorial debut ni Xu Zheng. Sya din ang nagsulat ng script at nag produce nito. Bida din sya kasama sina Wang Baoqiang at Huang Bo. Napanood na namin sila Xu at Wang sa "Lost on the Journey." At syempre si Huang ay nakilala sa pelikulang "Crazy Stone."

Tuloy ang katatawanan sa Lost in Thailand. Hindi ito talagang sequel dahil iba ang karakter ng dalawang bida. Pero ang kwento ay tungkol pa din sa paglalakbay ng mga bida at ang mga kapalpakan na pinagdaanan nila.

Walang duda perfect and chemistry ng mga bida. Kaya mega katatawanan ang kinalabasan ng pelikula.

Big hit ito kasi matapos ang isang linggo ng pagpapalabas kumita na ito ng ¥450 million o $72.2 million.

Ito ang kauna-unahang pelikulang Tsino na kumita ng ganito kalaking halaga sa loob lang ng isang linggo. Nalagpasan nito ang bilang ng mga nanood ng Titanic 3D at Transformers 3 at umabot sa 2.5 million ang viewers matapos ang 4 na araw ng pagpapalabas.

Ang kwento ay tungkol sa dalawang magkaribal, sina Xu Zheng at Huang Bo, na nag-uunahang makarating sa Changmai, Thailand. Dahil kailangan nila ang permiso ng kanilang boss para maituloy ang proyekto nilang Supergas. Sa eroplano nakilala ni Xu si Wang Baoqiang. At sumunod nito ang maka-laglag upuang katatawanan dahil sa kanilang mga pinag-daanan.

Si Xu Zheng

Si Huang Bo

Sina Xu Zheng at Wang Baoqiang, sa kanilang paglalakbay sa Thailand

Si Fan Bingbing

Ang mga eksena sa hotel ay panalo sa komedi. Maging ang kaguluhan sa templo ay talagang patawa. Pero ang bonus ng pelikula at makikita sa bandang dulo.

Pantasya lang ni Wang Baoqiang si Fan Bingbing, inaasam na girlfriend kuno. Pero sa dulo ng pelikula talagang lumabas siya para matupad ang naiwang wish sa listahan ni Wang.

Surprise ito sa mga moviegoers at talagang nakakatawa ang reaksyon ni Wang.

RATING : Andrea 9 popcorns / Machelle 9.5 popcorns

Ang Lost in Thailand ay talagang nag-uumapaw sa katatawanan. Wagi sa takilya ang unang dinerek na pelikula si Xu Zheng. Babaguhin nito ang takbo ng kanyang showbiz career at malamang matindi ang magiging pressure sa susunod nyang gagawing pelikula.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>