Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tanyag na Heswita, Fr. James B. Reuter, namayapa na

(GMT+08:00) 2012-12-31 18:32:37       CRI
MAITUTURING na nag-"sign-off" na si Fr. James B. Reuter, SJ sa edad na 96.

Ayon kay Fr. Jose JC Magadia, Superior ng Philippine Province of the Society of Jesus, bumalik na sa piling ng Panginoong Diyos si Fr. Jim kaninang 12:51 ng hapon sa Our Lady of Peace Hospital sa Paranaque City na kanyang tinirhan mula ng umalis sa kanyang tanggapan sa National Office of Mass Media.

Naglingkod si Fr. Jim bilang isang Heswita ng may 78 taon at 66 na taon bilang isang pari. Maraming taon siyang naging guro sa Ateneo de Manila at Ateneo de Naga sa Camarines Sur at gumugol ng maraming taon bilang Executive Director ng National Office of Mass Media ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at bilang Executive Secretary ng Philippine Federation of Catholic Broadcasters na hindi nagtagal ay nakilala sa pangalang Catholic Media Network.

Isa rin siya sa kinikilalang tinig sa likod ng EDSA People Power I Revolution noong 1986.

Natanggap niya ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communication Arts at ang Papal Award Pro-Ecclesia et Pontifice sa kanyang magandang nagawa sa Simbahang Katolika at sa Holy See.

Noong 1996, nabigyan siya ng honorary Filipino citizenship ng Senado ng Pilipinas.

Maituturing na kakaibang Heswita, hahanap-hanapin siya ng mga dating kasapi ng Ateneo de Manila Glee Club, mga nagtapos sa St. Paul's College-Manila at mga madre ng Sisters of St. Paul of Chartres, dagdag pa ni Fr. Magadia.

Pangalawang pangulong binay, nananalangin para sa maunlad, maginhawa at magandang buhay sa 2013

NAKITA ng madla kung paano manindigan ang mga Pilipino at manatiling may pag-asa sa gitna ng mga trahedyang naganap. Nananatili ring mapagkumbaba ang mga taong naging matagumpay.

Ayon kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, patuloy ang kanyang pagdarasal na kakitaan ng ibayong lakas ng loob na nagmumula sa Panginoon ang paglalakbay tungo sa isang maunlad na kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino.

Idinagdag pa niya na sa pagsasama-sama, maitatayo ang bansang pinapangarap upang ang lahat ay makapanirahan at mabuhay ng payapa, maunlad at may dignidad.

Nararapat maging layunin ng bawat isa na maging maunlad, maganda ang buhay at maginhawa ang bagong taon.

Kalihim ng pagsasaka nanawagan sa madla: prutas mula sa Pilipinas ang inyong bilhin

SA pagsalubong sa Bagong Taon, nakagawian na ng mga Pilipino na bumili ng mga bilog na prutas upang makamtan ang kasaganaan sa susunod na taon. Ang ugaling ito'y namana sa mga Tsino na kinagawiang bumili ng mga bilog ng prutas tulad ng ubas, peras, mansanas at iba pang mula sa ibang bansa.

Nanawagan si Kalihim Proceso Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka na huwag namang kalimutang bumili ng mga prutas na mula sa Pilipinas tulad ng pinya, bayabas, lansones, caimito, chico, rambutan, papaya, guyabano at marang.

Sa kanyang pahayag, maihahalintulad rin naman ang mga prutas na ito sa mga inaangkat ng Pilipinas sapagkat bukod sa mura na ay singsustansya pa ng mga bungangkahoy na mabibili sa buong bansa.

Mas sariwa umano ang mga prutas na dito lamang nagmumula at walang ano pang mga kemikal, dagdag pa ni Kalihim Alcala.

Nararapat lamang maging halimbawa ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagbili ng mga prutas na ito, payo pa ni Ginoong Alcala.

Idinagdag pa ni Kalihim Alcala makatutulong din sa mga magsasakang Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong karaniwang nabibili sa mga pamilihan sa buong bansa.

Taong 2012: makabuluhan, makasaysayan

ANG magtatapos na 2012 ay maiuturing na makulay at makasaysayan. Ito ang pananaw ni House Speaker Feliciano Belmonte. Kontrobersyal umano ang pagkakapasa ng ilang mga panukalang batas na sa kanilang pananaw ay mithi ng taongbayan.

Mahalaga rin umano ang papel ng Mababang Kapulungan sa pagkakapatalsik kay Chief Justice Renato Corotna. Kabilang din sa kanilang ipinagmamalaki ay ang Reproductive Health bill na naipasa kamakailan. Isa rin sa kanilang ipinagmamalaki ay ang pagkakapasa ng Sin Tax bill na siyang magiging dahilan upang matustusan pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.

Naging bahagi rin sa kanilang gawain ang pagtugon sa mga trahedyang naganap tulad ng pagbaha dala ng panahong Habagat at ang bagyong Pablo na malubhang ikinapinsala ng mga taga Compostela Valley at Davao Oriental.

Ani Speaker Belmonte, naipasa nila ang 972 mga panukalang batas, kabilang na ang Kasambahay bill.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>