Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gross International Reserves, umabot sa $ 84.2 bilyon

(GMT+08:00) 2013-01-07 19:05:32       CRI

AYON sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot ang gross international reserves ng Pilipinas sa halagang US $ 84.2 bilyon sa pagtatapos ng Disyembre, 2012 at mas mataas ng US $ 8.9 bilyon o 11.8% na natamo noong pagtatapos ng Disyembre 2011 sa total na halagang US $ 75.3 bilyon. Mas mataas ito ng may US 300 milyon sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco ang gross international reserves ng 2012 ay sasaklaw sa 12.1 buwan ng mga inangkat na paninda at kabayaran para sa serbisyo at kinita. Ito ay masasabing kasinghalaga ng may higit sa sampung ulit ng short-term external debt ayon sa original maturity at higit ng 5.8 na beses sa residual maturity.

Natamo ito ng bansa dahilan sa pagpasok ng salapi mula sa foreign exchange operations at investment income ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mga deposito ng National Government at Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation ng mga kinita sa kanilang bond issuances at iba pang foreign borrowings.

KALIGTASAN SA PISTA NG QUIAPO TINIYAK

MILYUN-MILYONG DEBOTO, INAASAHAN SA KAPISTAHAN NG ITIM NA NAZARENO.  Tinataya ng Malacanang na aabot sa 11 milyon katao ang dadalo sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa darating na Miyerkoles, ika-9 sa buwan ng Enero.  Noong isang taon, umabot sa 22 oras ang prusisyon mula sa Luneta patungo sa Basilica ng Nazareno sa Quiapo.

MALACANANG na mismo ang nagsabing handa na ang pulisya para sa kapistahan ng Quiapo sa darating na Miyerkoles sa nakatakdang pagdagsa ng mga makikipamiyesta.

Taun-taon na lamang na dinadagsa ng mga deboto ang pista na nagsisimula sa translacion o pagdadala ng imahen ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at pagbabalik nito sa Basilica Minore ng Nazareno,

Nakikipagtulungan na ang pulisya sa pamahalaang lungsod ng Maynila para sa maayos na pangangasiwa ng pagdiriwang. Kasama rin sa pangangasiwa ang Metro Manila Development Authority ayon kay Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte.

Ayon kay Bb. Valte, malaking tulong din ang mga pulis sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mataong pagdiriwang.

Ito ang ika-406 na taon ng traslacion na unang ginawa noong 1787. Tinatayang aabot sa 11 milyon katao ang dadalo sa pagtitipon.

DALAWAMPU'T DALAWANG MANGGAGAWA, DARATING BUKAS NG GABI

DARATING bukas ng gabi ang 22 mga Pilipinong nagmila sa Aleppo ayon sa Mandatory Repatriation Program ng Pamahalaan ng Pilipinas. Mga ika-sampu ng gabi darating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang mga mangggawa matapos maglakbay patungo sa Rafic Hariri International Airport bag makasakay sa Qatar Airwiays Flight QR 423 patungong Doha at QR 644 patungong Maynila.

Sa pagdating ng evacuees, aabot na sa 3,310 ang lahat ng manggagawang bumalik mula sa Syria ng sumiklab ang kaguluhan doon.

Mas makabubuting gamitin na ng mga Pilipinong manggagawang nasa Syria ang Mandatoryn Repatriation Program sa paglubha ng situasyon sa bansa. Maaari silang tulawag sa +963-11-6132626.

Sa mga kamag-anak na nasa Pilipinas, maaari din nilang ipagbigay alam ang tinitirhan ng kanilang mga kamag-anak sa Syria at makakatawag sila sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa numerong 02-8344996 at DFA Action Center 02-8343333.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>