Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

BEIJING BLUES

(GMT+08:00) 2013-01-08 16:16:29       CRI

Bilang Christmas treat ibinahagi ng inyong movie buddies ang ilang bagong mga pelikula sa mga manonood.

Kabilang dito ang Back to 1942, Last Supper at ang Lost in Thailand. Ang featured film ngayong linggo bagamat hindi bago ay isang award winning film.

Talagang pinapurihan ito ng mga maraming mga kritiko. Ang BEIJING BLUES ay pelikula ni Gao Qunshu. At bida dito ang sikat na blogger na si Zhang Lixian. Sya din ang publisher ng popular na magazine / aklat na "Duku."

Ang cast ng pelikula ay kinabibilangan ng mga non-pro actors pero magaling naman umarte.

Si Zhang Lixian

Si Wang Xiaoshan

Bukod kay Zhang Lixian kasama din sa pelikula sina Wang Xiaoshan, Ning Caishen, Gu Xiaobai, Zhao Mingyi, Zhao Yunpeng, Kong Ergou.

Si Dai Yang ang Screenwriter ng pelikula at si Wu Di naman ang Director of photography. Nasabi ko kanina na ang pelikula ay nakakuha ng gawad, ito'y mula sa Golden Horse Awards, ang Chinese-language equivalent ng Oscars, at napili ang Beijing Blues bilang Best Film.

Kwento. Ang pelikula ay tungkol sa isang kapuri-puring pulis at ang kanyang krusada sa paghuli ng mga mandurukot, scammer, blackmailer at samut saring mga masasamang loob sa Beijing. Umikot ang istorya sa kanyang husay sa stratehiya na laging una ng isang hakbang sa mga kriminal. Walang koneksyon ang mga istorya at ang pinaka-climax ng pelikula ay ang face-off ni Detective Zhang sa matinik na kalabang si Gold-digger Zhang.

Mga mandurukot, scammer, blackmailer...

Sa pelikulang ito malinaw ang mensahe: bawal lumabag sa batas, kahit na anong dahilan hindi dapat sawayin ito. At ang mga pulis ang siyang tagapagpatupad ng batas at dapat magsilbi sa taong bayan.

Istilo ng Pagdidirek. Parang documentary at malikot ang mga kuha pero naka-eenganyo itong panoorin. Ipinakita ni Gao Qunshu makatotohanang tagpo sa pang araw-araw na buhay Tsino nang di-naninisi bagkus ipinakita lang nito ang suliraning panlipunan na dinaranas saan man sa mundo.

Sinematograpiya. Mahusay sa paghawak ng camera si Wu Di. At anumang ideya ni Gao Qunshu ay lumalabas na maganda. Sa tulong ng kanyang mga kuha ay nakita ang bukod tanging karakter ng lungsod ng Beijing.

Rating ng Movie Buddies: 9.5 Machelle. 9 Andrea.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>