Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

HELLO, MR. TREE

(GMT+08:00) 2013-01-16 17:50:46       CRI
                                                   

Sikat na sikat ngayon si Wang Baoqiang at ang latest nyang pelikulang Lost in Thailand ang itinuturing na highest grossing Chinese film of all time.

Malayo na talaga ang narating ni Wang Baoqiang mula ng gawin nya ang Blind Shaft (2003), ang una niyang pelikula. Tapos napasama sya sa cast ng A World Without Thieves (2004) kasama ng mga bigating artista tulad ni Andy Lau at Renee Liu.

Pero todo siyang pinasikat ng kanyang mga TV series na Soldiers Sortie , An Suan at My Brother's Name Is Shun Liu. Pero ngayong linggo sa Movie Buddy tampok ang Hello, Mr. Tree.

Si Mr. Tree

2011 ipinalabas ang Hello, Mr. Tree. Ginampanan ni Wang Baoqiang ang papel ni Shu --- salitang Tsino na ang ibig sabihin nito ay puno. Isinulat at dinerehe ang pelikulang ito ni Han Jie.

Si Shu, pangunahing karakter ng pelikula ay nakatira sa isang maliit na pamayanan sa Jilin. Simple ang buhay nya kasama ang kanyang kapatid at ina. Hindi permanente ang kanyang trabaho at ang lugar kung saan sila naninirahan ay gagawing minahan. Kaya ang mga taga-rito ay hinihikayat na lumipat sa relocation site. May love angle din ang pelikula dahil nagkagusto si Shu kay Xiao Mei, isang pipi at bingi.

Sina Mr. Tree at Xiao Mei

Hindi normal at may kaunting sayad si Shu. Lumala pa ito dala ng kanyang mga bangungot tungkol sa amang matagal nang patay at kapatid na binitay ng kanyang tatay.

Ang kapatid ni Mr. Tree at ang kaniyang nobya

At ang mga bangungot na ito, minsan ay pinanggagalingan ng ilang pangitain sa hinaharap. Oo, naging manghuhula si Shu na nirespeto ng kanyang mga kababayan.

Yan ang buod ng pelikula. Pero ano ba ang kakaiba sa pelikulang ito? Hindi sya straight forward na drama. Surreal at tila naging isang pantasya ang ilang bahagi ng pelikula. Minsan tuloy parang di mo na alam alin ang totoo at alin ang imahinasyon lang ni Shu.

Ang direktor na si Han Jie ay isang exsperimental director. At pwedeng sabihing isang art house film ang Hello, Mr. Tree. Ang kanyang istilo bagamat kakaiba, at di naman nag kulang pagdating sa saysay ng istorya.

Bagamat tungkol ang pelikula sa takbo ng buhay ni Shu, may ilang isyu sa lipunan ang nakapaloob sa pelikula, una ang industriyalisasyon sa lalawigan.

Para magdulot ng kaunlaran, maraming bahagi ng Tsina ang naging industriyalisado. Sa pelikula ating nakita ang pagbubukas ng mina. Pero may epekto ito sa pamumuhay ng mga tao. May mga incentive na ibinibigay ng kumpanya tulad ng bahay, kagamitan at pera. Ibinenta nila ang lupa at umalis sila sa kanilang mga tirahan.

Sa personal na lebel, ang profile ng character ni Shu. Di matalino, walang gaanong kakayahan, walang estado sa lipunan pero hangad nya ang respeto ng mga kababayan. At nang minsang natupad ang kanyang hula, instant celebrity at elevated na ang social status ni Shu.

Palaisipan ang pelikula – sino ba si Shu? May-sayad, manghuhula o tusong manloloko na kayang paikutin ang mga tao?

Para sa mga movie buddies walang duda maluwag na turnilyo ni Shu. At ironic na kung kelan lumipat ng tirahan ang kanyang mga kababayan, dun naman siya naging importanteng personahe – bilang manghuhula, sa kanyang pamayanan.

Awards

• 14th Shanghai International Film Festival - June 2011

Jury Grand Prix

Award for Best Director

• 12th TOKYO FILMeX - November 2011

Special Jury Prize - Kodak Vision Award (Special Mention)

• 10th Reggio Emilia: Asian Film Festival - March 2012

Best Actor (Baoqiang Wang)

• 9th Vladivostok International Film Festival, Russia 2012

Best Director and Best Actor

MOVIE BUDDIES RATING: 8

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>