Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tai Chi Zero

(GMT+08:00) 2013-01-22 14:39:06       CRI

Kung Fu plus Steampunk. Yan and akmang deskription sa pelikulang Tai Chi Zero na rekomendado nang inyong Movie Buddy ngayong linggo. Sigurado ako na pag sinabing kung fu pamilyar lahat dito. Tama? E yung steampunk pamilyar ba kayo?

Ang katagang "steampunk" ay bago din sa pandinig ko. Pero nung binasa ko ang kahulugan ahhh sabi ko yun pala ang tawag dun. Ang Steampunk ay isang literary genre, sangay ng science fiction at fantasy. Laman nito ang kwento tungkol sa industrial revolution noong ika-19 na siglo kaya "steam" tapos "punk" dahil sa paglaban sa masamang paggamit ng teknolohikal na aspeto nito. At inspirasyon ito ng maraming pelikula, musika, pananamit at sining-biswal.

Kakaiba ang napiling style na ito ni Stephen Fung, direktor ng Tai Chi Zero. Si Lu Chan (Jayden Yuan), ay ipinanganak na may bukol sa ulo. Kapag nadidiinan, nagkakaroon sya ng lakas parang kung fu superman. Parang powers ng Avatar na comic-series.

Kaso kada transpormasyon kapalit ang paghina ng katawan niya. Pwedeng humantong ito sa kanyang kamatayan kalaunan. Kaya hinanap nya ang bayan ng Chen para dito matutunan ang Tai Chi na makakatulong sa kalagayan niya. Pero mahipit na ipinagbabawal ng mga taga- Chen ang pagtuturo ng Tai Chi sa mga taga-labas.

Nagbalik-bayan din sa Chen si Fang Zijing (Eddie Peng) dala ang mala-higanteng steam powered engine na tawag ay Troy 1, at iginiit nito ang plano nyang gawan ng riles ang bayan para madaanan ng tren. Hindi ito tinaggap ng mga taga-Chen kaya nagsimula na ang labanan ng dalawang panig.

Kasama din sa cast sina Tony Leung Ka Fai bilang Uncle Laborer at Master Chen na gumabay kay Lu Chan para matutunan ang Tai Chi, at si Angelababy bilang Yuniang na love interest ni Zijing, Qi Shu bilang ina ni Lu Chan, Claire Heathrow bilang Mandy Lieu at marami pang ibang mga kilalang personalidad sa mundo ng chinese martial arts. At syempre wag palalampasin ang cameo ni Andrew Lau direktor ng sikat na trilogy na Infernal Affairs.

 

Si Lu Chan (Jayden Yuan), gold medalist ng Wushu noong Beijing Olympic Games

Si Angelababy bilang Yuniang

Si Fang Zijing (Eddie Peng)

Ang Troy 1

Parang video game at comic book ang Tai Chi Zero. Tila movie version ng BioShock. Nakakaaliw panoorin ang pelikula lalu na siguro kung gamers kayo. May mga lumilitaw na graphics para ipakilala ang artista sa tototong buhay at ang kayang papel sa pelikula. Wag kayo mag-alala dahil may sub-titles lahat ng ito.

Bukod sa graphics na lumilitaw din sa mga fight scenes, nag enjoy ako sa musical score ng pelikula. Akma ang paggamit ng rock music sa mga fight scenes at maging sa tagpo kung saan naghahanda ang mga taga-Chen bago lumaban.

Masaya ang pelikula, di nakakahilo ang fight scenes na choreographed ni Sammo Hung. Medyo di ngalang makalaglag panga ang mga stunts kumpara sa mga naunang ipinakita ni Sammo sa ilang pelikula. Sayang tuloy at di talaga naipakita ang husay ng Olympic Wushu champion na si Jayden Yuan.

Habang pinapanood ko ang pelikula, naalala ko ang pelikulang Wild Wild West, War of the Worlds at Sherlock Holmes, pati ang anime na Howl's Moving Castle. Hitik sa hitk sa mga imahe ng industrial revolution at Vitorian era na may modern touch. Bago sa paningin ko ang isang kung fu movie na may halong steampunk. Tama ang haba nito sa isang oras at kalahati. Matapos panoorin, tiyak aabangan ninyo ang sequel na Tai Chi Hero.

RATING: 8.5

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>