Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

TAI CHI HERO

(GMT+08:00) 2013-01-29 17:37:43       CRI

Isang buwan lang ang pagitan sa pagpapalabas sa mga sinehan ng Tai Chi series, steampunk na Pelikula ni Stephen Fung. Ang ikalawang bahagi ay pinamagatang Tai Chi Hero.

Walang putol ang produksyon ng dalawang pelikula kaya maganda ang epekto nito sa continuity ng istorya. Malinaw at walang butas ang kwento. Nag patuloy ang kwento ni Yang Luchan na ngayon ay tanggap na nang Chen Village. Ikinasal na si Yang Luchan kay Chen Yu Niang.

Sina Yang Luchan at Chen Yuniang

May bago ding mga characters ang pelikula, sinaWilliam Feng bilang Chen Zai Yang, kuya ni Yu Niang at ang kanyang pipi at binging asawa. Sa pagbabalik ni Zai Yang nalahad ang alamat ng kampana. Kapag tumunog daw ito, babala ito ng masamang mangyayari sa mga taga Chen.

Si Chen Zaiyang

May masama ngang mangyayari dahil may ugnayan pala siya kay Fang Zi Jing. Balot pa din ng puot si Fang at tuloy ang masama nitong balak na paghihiganti.

Tuloy pa din ang paggamit sa steampunk genre. Kumpara sa unang pelikula, mas marami ang elemento nito sa Tai Chi Hero. Dito ipinalikta ang mga disenyo ni Zai Yang na walang hilig sa Tai Chi at ang interes talaga ay nasa pag-imbento ng mga makina.

Dahan dahan ang takbo ng istorya. Sa pamamagitan ng flashback ipinakita ang relasyon ni Grandmaster Chen at ZaiYang. Magkaiba ang pananaw nila tungkol sa pag-aaral ng Tai Chi at nagbabanggan talaga ang ideya ang mag-ama.

Lumalim na din ang relasyon nina Luchan at Yu Niang, at pinagmulan ito ng katatawanan lalo na nang mas maging malapit sila sa isat isa. Mula sa pagiging "pupil" si Luchan ay naging isang lalaki na handang protektahan ang kanyang asawa.

Medyo disappointing lang ang pagganap ni Eddie Peng. Di sya epektibo maging kontrabida. Di mo sya katatakutan at di rin kamumuhian. Ganun din si Peter Stormare bilang Duke Fleming. Di gaanong napiga ang mga artistang ito para pagmulan ng tension sa pagitan ng mga bida.

Sina Fang Zijing at Duke Flem

Kapuna-puna ang pagbabawas sa videogame treatment ng pelikula. Sa Tai Chi Hero kakaunti na lamang ang mga text at graphics. Nag pokus din ang pelikula sa traditional family, pawang sa literal at political na metaphor. Nakita din natin ang paglago ng karakter ni Yang Luchan at ang dahan dahang pagkaka-unawa niya sa pilosopikal na aspekto ng tai chi.

Pagdating naman sa mga action scenes impressive ito. Nakakabilib ang mga eksena kasama ang Imperial Army. Dito lumabas na ang tatak Sammo Hung na action sequences. Nakakatuwa din ang fight scenes tungkol sa ba gua zhang. Creative ito at di gaanong mahaba kaya di boring.

At ang highlight ng pelikula – ang fight scene ni Master Li, papel ng action superstar na si Yuen Biao, kay Yang Luchan.

Sa kabuuan ang Tai Chi Zero ay higit sa isang action movie, makatuturan ang pelikula dahil ipinakita nito ang dahilan kung bakit pinalitan ang Chen Family Kung Fu at sinimulang tawagin ito bilang Tai Chi.

MOVIE BUDDY RATING: 9

Stephen Fung (director)

Kuo-fu Chen (screenplay)

CAST:

Yuan Xiaochao … Yang Lu Chan

Tony Leung Ka Fai … Master Chen Chang Xing

Angelababy … Chen Yu Niang

Daniel Wu … Yang Lu Chan

Eddie Peng … Fang Zi Jing

Peter Stormare … Duke Fleming

Yuen Biao … Master Li

Qi Shu … Mother Yang

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>