Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

THE ASSASSINS

(GMT+08:00) 2013-02-20 17:39:03       CRI

Para sa linggong ito rekomendado ng Movie Buddies ang The Assassins.

Walang iba kundi si Chow Yun-Fat ang bida ng pelikula at gumanap sa papel ng Cao-Cao. Ang The Assassins ay tungkol sa buhay ni Cao Cao matapos ang pagkatalo nya sa Red Cliff.

Ang director ng pelikula ay si Zhao Lin-Shan, at inspirasyon sa paglikha ng pelikula ay ang pagkaka diskubre ng libingan ni Cao Cao noong 2009. At katabi ng labi ni Cao Cao ay ang labi ng isang babae. Ang di-matukoy na babae ang naging inspirasyon sa karakter ni Ling Ju.

Sina Cao Cao at Ling Ju

PLOT

Hati pa din ang sinauhang Tsina sa tatlong kaharian. Tumatanda na si Chancellor Cao Cao (Chow Yun-Fat) at madami ang nagbabanta sa kanyang posisyon at buhay. Isa sa mga nagpapakanang pabagsakin si Cao Cao ay si Emperor Xian (Alec Su) puppet emperor ng militar.

Ang Emperor Xian

Maging ang anak na si Cao Pi (Qiu Xin-Zhi) ay may sariling political agenda. Para nasiguro ang kapangyarihan balak niyang pabagsakin si Xian. Si Cao Pi din ang kalaguyo ni Empress Fu Sou (Annie Yi) ang asawa ng Emperador.

Sina Cao Pi at Empress Fu Sou

May hula ding babagsak ang dinastiya kapag humilera sa langit ang 4 na bitwin. At kapag nangyari ito tuluyang mawawala sa kapangyarihan si Cao Cao. May mga assassins din sa loob ng kaharian na buong buhay naghanda at nagsanay para paslangin si Cao Cao.

CHARACTERS

Sa kasaysayan ng Tsina isang fascinating na figure si Cao Cao na may makulay na buhay. Kaya ito ay pwedeng ilahad batay sa ibat ibang interpretasyon. Marami na ring pelikula ang ginawa tungkol sa karakter nya.

Lumayo and director nitong si Zhao Lin Shan sa mala-Red Cliff na treatment bagkus nagpokus ito sa politika, mga pakana at ang pilosopiya ng kapangyarihan.

Di maitatangi na bagay kay Chow Yun-Fat ang papel dahil sa kanyang malakas na on-screen presence.

Kapag suot na nya ang armor, mukhang napaka makapangyarihan nya bilang Cao Cao. Ang pag arte ni Chow at ang physical presence nito ang dahilan kung bat mo panonoorin ang pelikula. Dapat lang dahil ang The Assassins ay tungkol kay Cao Cao.

Buong buong ibinigay ni Chow ang sarili sa papel kaya pwedeng sabihin na isa ito sa magagaling nyang pagganap. Balanse dahil may puot, walang awa, kasakiman at sa isang banda taong may takot at may kahinaan.

Sa kanyang pagganap nakita natin ang isang Cao Cao na may hatak sa tao kahit na may kapintasan. Di mo kagigiliwan pero magkaka simpatya ka dahil sa bigat na pasan niya sa kanyang balikat.

Ang The Assassins ay isang drama. At ang aabangan mo dito ay ang kalalabasan ng mga sikretong mga plano at ang mga political maneuverings ng kanyang mga kalaban. Tututukan mo kung sino ang makakalamang at sino ang may hawak ng kapangyarihan. Higit na nagiging interesante ang pelikula dahil sa coercion at betrayal, mga karakter na ginamit at ipinagkanulo dahil sa huwad ng tiwala. Kailangan tumutok dahil palaisipan din ang istorya.

Ma emosyon din ang kwento nila Ling Ju and Mu Shun (Liu Lifei at Tamaki Hiroshi) mga ulilang pinalaki at hinasa para patayin si Cao Cao. Ang kwento ng dalawa ang nagbigay ng romantic sub plot.

Sina Ling Ju at Mu Shun

MAC: Ang "The Assassins" ay nagpakita ng temang pamilyar. Ito ay tungkol sa isang tao na pumayag na ituring bilang isang masamang tao para sa kabutihan ng lahat. Pero walang bagong idinagdag ang pelikula sa maraming nagawa nang pelikula tungkol sa hari at bayarang papatay sa kanila.

RATING: Andrea 8.5 / Machelle 8

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>