Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

To Love or Not

(GMT+08:00) 2013-02-26 11:25:09       CRI

Isang love story ang tampok naming pelikula. Pero ito ay sa pagitan ng dalawang tao na may commitment issues.

Isang chance encounter na nauwi sa dalawang buwan na relasyon, ito ang kwento ng To Love or Not.

Ang pelikula ay dinerehe ni Jiang Cheng . At ito ay isinulat niya kasama si Jin Hai-Shu

Kabilang sa cast ang mga sumusunod na artista:

Li Xiao-Ran ... Gu Ting

Alex Fong / Chung-Sun ... Su Dong

Kathy Chow / Hoi-Mei ... Song Mei

Ding Yong-Dai ... Dan Yang

Song Xiao-Ying ... Gu Home

Li Yuan ... Sasa

Qiao Hong ... Asawa ni Dan Yang

Sina Su Dong at Gu Ting sa Yunnan

Sina Su Dong at Gu Ting sa Beijing

Isang flight attendant (Gu Ting) at isang photographer ( Su Dong) ang nagkakilala sa Yunan. Nagkamabutihan at nagkagustuhan. Tinapos nila ang ugnayan matapos ang kanilang good time sa Yunan . Pero sa Beijing muling nagkrus ang kanilang landas. Di naka-iwas at sila ay naging magkatrabaho.

Nabanggit namin na ito'y tungkol sa dalawang tao na may commitment issues. Si Su Dong ay posibleng maging baldado at impotent dahil sa isang aksidente sa Afghanistan. At may plano naman si Gu Ting na mag aral sa Paris, kaya nag resign sya sa trabaho at naghahanda na para sa byaheng ito.

Ang family history ni Gu Ting ay may kinalaman din sa kanyang mindset pagdating sa relasyon. Nangaliwa kasi ang nanay nya at iniwan sila ng kanyang tatay. Hindi madali para sa kanya ang magtiwala at buksan ang puso dahil nakita nya ang hirap na pinagdada-anan ng pusong nabibigo.

Mukha namang malalim ang epekto ng aksidente kay Su Dong lalo na sa kanyang pakikipag relasyon. Dahil issue sa kanya ang posibilidad na mawala ang kakayanan pagdating sa kama. Nakita din nya ang mga bagay na nawala sa kanyang kaibigan matapos itong mabaldado bunsod ng pagsabog sa Afghanistan.

TAKAYAN TUNGKOL SA PELIKULA:

TATLONG KONDSIYON DAHIL MAGIGING MAGKA TRABAHO SILA:

1.THE PAST SHOULD STAY IN THE PAST

2. NO FUTURE DEVELOPMENT IN THEIR RELATIONSHIP

3. NO CONTACT AFTER WORK

Sex scene sa bathtub

Ano ang masasabi sa linyang ito mula sa pelikula :

我们都是彼此生命的过客,可是如果有这样一个过客出现在我的生命里,我也许会选择不会忘记。

We are all the travelers in each other's life , but  there is a traveler in my life, that I may choose not to forget.

RATING : Andrea 8.5 / Machelle 8

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>