Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng katarungan, kumilos laban sa mga tauhan ng Sultan

(GMT+08:00) 2013-02-28 19:06:55       CRI

MALAKI ang posibilidad na maipagsakdal ang Sultanate of Sulu at ang kanyang mga tagasunod na nasa Sabah, Malaysia. Ayon kay Kalihim Leila De Lima ng Kagawaran ng Katarungan, posibleng kasong criminal ang ihain laban sa pamilya ni Sultan Jamallul Kiram.

Ani Kalihim de Lima, binigyan ang mga nagtungo sa Sabah, Malaysia ng pagkakataong bumalik ng payapa. Kung umuwi na lamang ang mga ito, maaaring hindi na sila kinasuhan, dagdag pa niya.

Sapagkat nagmamatigas sila ngayon kahit pa may panawagan si Pangulong Aquino sa kanila, mahirap sabihing umuwi na kayo at hindi na naming kayo kakasuhan.

Si Kalihim de Lima kasama si Interior Secretary Manuel Roxas sa pagbuo ng DoJ/DILG fact-finding committee upang alamin ang mga pananagutan ng mga pinuno at mga taga-sunod ng mga sangkot sa sigalot sa Sabah.

Nagtutulungan and mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group sa pagsisiyasat sa pananagutan sa batas nina Sultan Jamalul Kiram III at kapatid na si Prince Rajah Mudah Agbimuddin Kiram at ang may 180 taga-sunod sa Lahad Datu sa Malaysia.

Liban sa paglabag sa Article 118 na nagpaparusa sa "inciting to war or giving motives for reprisals", ang iba pang mga usaping baka iparating sa hukuman ay ang paglabag sa illegal possession at ang tanyag na election gun ban

MAAYOS NA PAGGAMIT NG LUPA, KAILANGAN

NAHAHARAP ang pamahalaan sa problema dahilan sa kakulangan ng malawakang land use policy na magiging gabay sa pagsusulong at pagpapanatili ng matatag na kaunlaran sa bansa.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na kasama sa pagtatangka ng pamahalaang magkaroon ng tinaguriang "inclusive growth" upang mabawasan ang kahirapan sa bansa, naniniwala siyang magaganap ang matatag na kaunlaran sapagkat mayroong sapat na pagkakataon para sa madla.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Philippine Council for Sustainable Development, nagpa-alala rin si Kalihim Balisacan sa mga dalubhasa na kilalanin din ang climate change sa mga barangay at ang pinsalang idinulot nito sa mga komunidad.

Mababawasan ang epekto ng mga bagyo at iba pang mga kalamidad kung may sapat na kaalaman ang mga mamamayan sa wastong pamamalakad sa mga lupa.

Itong kaalaman sa National Land Use Management Act ang siyang magsasama-sama ng mga 'di pagkakaunawaan sa paggamit ng lupa tulad ng repormay agraryo, protected areas, mga minahan at iba pa.

Naging panauhing tagapagsalita si Kalihim Balisacan sa taunang pulong ng PCSD na idinaos sa Crown Hotel sa Ortigas Complex kaninang umaga.

MGA NAGBIBILI NG HELMET, KINASUHAN

IPAGSASAKDAL na ng Department of Trade and Industry ang ilang mga importers, retailers at mga nag-iimbak ng mga palsipikadong Import Commodity Clearance sa mga helmet na nabibili sa mga pamilihan.

Ipinag-utos ni Trade Secretry Gregory Domingo ang pagpaparating ng administrative at criminal cases sa Unitop General Merchandize sa Dumaguete City na nagbibili ng mga helmet na palsipikado ang mga ICC sticker na mula sa isang importer na kinilalang Double E Trading. Sa isang follow-up activity sa Unitop General Merchandise sa Malabon City, natagpuan gn DTI ang 60 motorcycle helmets na walang ICC sticker at nasamsam din ang 1,200 piraso ng palsipikadong ICC stickers. Nagbabala ang Department of Trade and Industry na huwag bibili ng mga helment na may tatak na Ben 2, NSS, KH, Oscar, Cobra, Pioneer, 2A at Sunstar na mayroong palsipikadong mga ICC sticker.

PAGPASLANG SA ISANG LIDER-KATUTUBO, KINONDENA

KABILANG sa mga nanawagan para sa madaliang pagkakalutas ng pagpaslang sa isang katutubo sa Boracay noong isang linggo ang Society of St. Vincente de Paul.

Pinaslang si Dexter Condez, ang nagsasalita para sa Ati sa kanilang paghahabol sa kanilang ancestral lands. Isa rin siyang pangulo ng youth conference ng SSVP sa pook.

Ayon kay Karl Michael Hila, director for youth development ng SSVP-National Council of the Philippines, nananawagan sila para sa agarang paglutas sa karumal-dumal na krimen.

Idinagdag pa ni Hila na hindi lamang lupain ang ipinagtatanggol nila bagkos ay ang kanilang pagkatao, ang kanilang dignidad bilang mga katutubo. Sa mga nakakakilala kay Condez mula sa Vincentian Family ay nalungkot sa pagkakabalita na pinaslang ang biktima. Bagaman, ipagpapatuloy nila ang kanilang ipinaglalaban.

Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe sa pagkakapaslang kay Condez ay si Tuguegarao Bishop Sergio Utleg. Nanawagan din siya sa pamahalaan na madaling kumilos upang madala sa katarungan ang mga maykagagawan. Bigla na lamang pinaslang ang katutubo matapos lumabas sa isang pulong noong Biyernes ng gabi.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>