Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

JOURNEY TO THE WEST: CONQUERING THE DEMONS

(GMT+08:00) 2013-03-06 18:22:44       CRI

Action comedy ang JOURNEY TO THE WEST: CONQUERING THE DEMONS at sina Stephen Chow at Derek Kok ang mga direktor nito. Batay ito sa nobelang Journey to the West ni Wu Cheng'en. Highly recommended ni Andrea ang pelikula.

Tama kasi ang pelikula ay nagtala na nang ilang mga rekord… sa pagbubukas nito noong Feb. 10 kumita ito ng $12.5 M. Tinalo nito ang opening day sales ng Painted Skin Resurrection dahil $11.2 M lang ang kinita nito noong nagbukas ito noong Hunyo 28. 2012.

Matapos ang apat na araw, noong Feb 14, tumaas ang box office sales nito sa $19.6 M para kunin ang rekord ng single day gross by a film na dati ay hawak ng Transformers: Dark of the Moon.

Mukhang exciting ang mundo ng pelikula sa Tsina. Dahil noong Disyembre record breaking din ang pelikulang Lost in Thailand. Ito ang unang pelikula na kumita ng $202 M. At ang pelikula na Journey to the West ay posibleng malampasan ang tagumpay ng Lost in Thailand sa takilya.

Pwedeng mangyari ito dahil ayon sa datos mula Feb. 18-24 $52.9 M na ang kita nito. Tapos hanggang sa petsang ito Feb 24, ang buong kita ng pelikula ay umabot na sa $157.6 M. At nitong Marso 4 umabot na sa $180M ang pigura.

Tungkol saan ang pelikula? Ito'y kwento ng isang demon hunter na si Xuan Zang na kinalaban ang 3 demons … River demon, Pig Demon at ang Monkey King. Si Xuan Zang ay nananampalataya kay Buddha at talagang gustong niyang hanapin ang lahat ng mga demons at ipakita sa kanila ang enlightenment.

Si River Demon

May tagahanga si Xuan Zang at ito ay si Miss Duan. Magaling sya sa pakikipaglaban at brusko syang kumilos. Para kay Miss Duan, si Xuan Zang na ang tanging lalaki na mamahalin.

Ang bawat karakter ay may sariling pighati … si Pig Demon ay kinaliwa ng kanyang asawa. Kaya pinapatay nito ang mga babaeng nagkakagusto sa mga gwapo.

Si Pig Demon

Si Monkey King naman ay ikinulong sa isang butas sa ilalim ng lupa dahil marami itong taong pinaslang sa langit. May iba ding characters tulad nila Tiger Claws, Almighty Foot at ang Persian Prince na ang pakay ay paslangin ang Pig Demon at ang Monkey King.

Si Sun Wukong

Sina Miss Duan, Xuan Zang at Sun Wukong (sa gitna)

TALAKAYAN NG MGA MOVIE BUDDIES:

1. Bakit makabuluhan ang kwento ng Journey to the West? Culturally ano ang significance nito sa mga Tsino?

2. Malapit o malayo ba ang kwento ng pelikula sa kwento ng nobela?

3. Ano ang mga eksenang kinagiliwan ninyo?

4. Lutang na lutang sa pelikula ang pagpapahalaga sa ilang mga aral ng Budismo. Pwede bang ipaliwanag ang Buddhist elements na ito isa isa?

5. Ano sa tingin ninyo ang mensahe ng pelikula?

6. Kahuligan ng linya : "There is no greater love or lesser love, for they are part of the Universal Love. When one feels pain, he knows how to feel for others, when one is stubborn, he learns to let go".

RATING: Andrea 9.5 / Lele 9.6 / Machelle 9.5

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>