Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SECRET

(GMT+08:00) 2013-03-13 18:52:10       CRI

Ang tampok na pelikula ngayong linggo ay suhestyon ng aking kaibigan na si Iqbal. Sya ay 16 anos na Malaysian at anak ng aking kasamahang si Nelawati. Sabi nya sa akin dapat ko daw ito mapanood dahil maganda ang storya. Ito ang pelikulang Secret.

Love story ito na pinagbibidahan nila Jay Chou, Kwai Lun-mei, Anthony Wong at Alice Tzen. Ang pelikula ay dinerek ni Jay Chou ay isinulat din nya ang screenplay nito kasama si To Chi-long. Ipinalabas ito noong 2007.

And Secret ang directorial debut ni Jay Chou. At may bali-balitang ilalabas ngayong taon ang Secret 2 kaya inaabangan ito ng mga fans.

Ayon kay Jay Chou ang pelikula ay batay sa ilang bahagi ng kanyang tunay na buhay.

Sa tunay na buhay sa Tamkang Middle School nag-aral si Jay Chou at ito ang pangunahing setting ng pelikula. Bilang pagpupugay sa paboritong classical pianist at composer ni Chou, kasama din sa kwento si Chopin at ang ilang piyesa niya ay kabilang sa musical score.

Sa simula parang simple at karaniwang love story ito sa pagitan ni Ye Xianglun (Jay Chou) at Lu Xiaoyu (KwaiLun-mei) na pwedeng maging love triangle dahil may gusto rin si Qing Yi (Alice Tzen) kay Xianglun. Pero hindi pala dahil ang twist ng pelikula ay time traveller itong si Xiaoyu. 20 taon ang agwat ni Xiaoyu kay Xianglun.

Sina Ye Xianglun at Lu Xiaoyu

Nagulat ako sa twist ng istorya.

Naalala ko ang Il Mare o Lake House pati ang Somewhere in Time nang mapanood ko ito. Kasi ganun din may dalawang tao na nagmamahalan kahit na sila ay nabubuhay sa magka-ibang panahon.

Bukod sa magandang storyline, isa pang magandang elemento ng pelikula ang paggamit nito ng musika. Mga music students sila at nakakatuwa yung labanan sa pagitan ni Jay Chou at isang kaklase. Pagalingan sa piano na nagpakita kung gaano kabihasa si Jay Chou sa pagtugtog ng classical music.

Kung pagtahi ng istorya ang pag-uusapan, wala itong butas. Musika pa rin ang paraan para magpabalik-balik si Xiaoyu mula sa kanyang panahon papunta sa hinaharap para makapiling si Xianglun. Ito ang itinuturing na "Secret" sa pelikula.

Nagustuhan ko rin ang mga scenery sa pelikula. Bago i-direk ang pelikula, maraming mga music videos ang dinerek ni Jay Chou. Kaya ang pakiramdam ng Secret ay parang nanonood ng isang mahabang music video. Kamangha-mangha rin ang nagpapalit na kapaligiran habang tumutugtog ang mga bida ng piano. Hi-tech ang visual effects na ginamit sa pelikula.

Gusto ko ang eksena sa taas ng bahay ni Xiaoyu kung saan tanaw ang dagat. Pati yung mga iskinita na dinadaanan nila pag nagbibisikleta ay napaka-ganda. Ipinakita sa pelikula ang simpleng kagandahan ng Taiwan.

Ilang pelikula na rin ni Anthony Wong ang napanood namin ni Andrea. Kabilang dito ang sikat na sikat na Infernal Affairs at The Sun Also Rises. Dito sa Secret napaka heartwarming ng role nya.

Napaka loving father nya kay Xianglun.Estrikto pero kita mo ang pagmamahal at pag-aaruga nya sa nag-iisang anak. Cute na cute ang actor nang magsayaw sya ng tango at nang kumanta siya mala-Elvis Presley gamit ang gitara.

Sa kabuuan ang Secret ay isang feel good movie. Kahit tapos na ang pelikula mananatili sa isipan ang mga melodyang tinugtog sa pelikula. Magaling ang cast ng pelikula pero kulang sa emosyon si Jay Chou. Bilang bagong direktor matagumpay na nailahad ni Chou ang pelikula, maingat ang paggawa nito kaya nang nabunyag ang "Secret" sakto ang pakiramdam, di-pilit. Nakakabilib ang visual effects. At wala ring tapon sa soundtrack.

RATING: Machelle 9.5 / Andrea 9

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>