Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CHINESE ZODIAC

(GMT+08:00) 2013-03-27 19:07:07       CRI

Ang pelikulang ito ay kilala rin sa tawag na CZ12.Bukod kay Jackie Chan kasama din sa pelikula ang mga sumusunod na international cast:

Kwon Sang Woo (Korea) Liao Fan, Zhang Lan Xin, Yao Xing Tong, Steve Yoo (China) Oliver Platt (USA) at Laura Weissbecker (France)

Si Jackie Chan

Si Kwon Sang Woo

Si Laura Weissbecker

Bukod sa pagiging bida multi-role din si Jackie Chan sa production ng pelikula. Sya ng Screenwriter, Director, Producer, Action Director, Cinematographer, Composer, Stunt Coordinator at maniwa kayo sa hindi Catering Coordinator.

Dahil dito nakuha ni Jackie Chan ang 2 Guiness World Records. Una ang Most Credits in One Movie at ikalawa ang Most Stunts Performed by a Living Actor

Ang Chinese Zodiac ang 101st movie ni Jackie Chan at ito ay sa 8 bansa kinunan. Sa isang interview sinabi nya na "This really, really is my baby. You know, I've been writing the script for seven years."

Ang story ng Chinese Zodiac ay tungkol sa isang adventurer at treasure hunter na si JC. Kung saan-saan siya nakararating para hanapin ang mga ninakaw na bronze heads ng 12 animals ng Chinese Zodiac. Nawala kasi ang mga ito noong Opium Wars matapos sunugin ng mga British at French soldiers ang Summer Palace.

Ang mga Chinese Zodiac

Ang Chinese Zodiac ay ang ikatlong bahagi ng Armour of God series. O mas kilala sa Operation: Condor franchise.

Ang Armor of God (1986) at ang sequel na Armor of God II: Operation Condor (1991) ay nananatiling dalawa sa pinaka matagumpay na action-packed films ni Jackie Chan. Para itong Indiana Jones na antiquities-based movie na nilahukan ang tatak Jackie Chan na slapstick comedy, at mga nakakahilong death-defying stunts na sikat na sikat sa buong mundo.

Simula pa lang ng pelikula kita na ang kakaibang ma-aksyong eksena ni JC. Nakakabilib ang eksena kung saan tumatakas si JC sa isang Russian army base suot ang roller-suit.

Nag train pa daw si Jackie Chan sa inventor ng roller-suit na si Jean-Yves Blondeau. Grabe talaga dahil sa buong career ni Jackie Chan higit 200 injuries na ang nakuha nya mula sa stunts na kanyang ginawa.

Sabi ni Jackie Chan, mahirap din gawin yung eksena kasama ang mga aso. Para mapaamo binibigyan nya ng pagkain ang mga aso. Kaso nung shooting di sya lubos na naghugas ng kamay at maamoy ang kanyang kamay. Sinagpang tuloy ang kamay nya. Mabangis kasi ang mga aso sa pelikula.

Highlight ng pelikula ang stunts sa Mount Yasur – isang aktibong bulkan sa Australia. Sabi ng actor, pagdating nya sa bunganga ng bulkan wala syang masabi kundi "Wow" dahil dinig na dinig nya ang tunog ng bulkan. At kitang-kita nya ang mga bato na inululuwa ng bulkan.

Nakakatakot yung eksena kasi gumulong sya sa gilid ng bundok at naka suot sya ng buble suit at may mga matulis na bato. Si Jackie Chan lang talaga ang pwedeng gumawa ng ganitong mga eksena.

Pagdating naman sa one on one combat di mabibigo ang fans dahil mano-mano ang labanan nila ni Vulture (Alaa Safi, Moroccan Taekwondo champ na naging stuntman).

Ayon sa Live Trading News, ibinigay daw ni Jackie Chan ang props mula sa Chinese Zodiac sa Summer Palace para punan ang lugar kung saan ninakaw ang mga estatwa

Sa dedication ceremony, sinabi nya na ang mga cultural relics ay pag-aari ng lahat ng mga tao at di dapat ito ninanakaw at ibinebenta dahil lang sa kasakiman o personal na pagpapayaman.

RATING : Machelle 9 / Andrea 9

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>