Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Libu-libong mananakay, umaasang makakauwi pa sa kanilang mga lalawigan

(GMT+08:00) 2013-03-28 19:06:54       CRI

MARAMING commuters ang umaasang makasasakay pa ng bus pauwi sa kanilang mga lalawigan para sa Mahal na Araw. Posibleng milyong mamamayan ng Metro Manila ang nakaalis na mga ilang araw ang nakalilipas subalit marami pa ring nagbabaka-sakali. Hanggang kaninang umaga, sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue sa mga pook na may bus terminals, mahaba pa rin ang pila ng mga mamamayang umaasang makakasakay sa special trips.

NAPAKALUWAG NG EDSA.  Ito ang larawan ng Epifanio delos Santos Avenue, Oritgas Avenue junction.  Walang mga sasakyan dahilan sa Semana Santa.  Karamihan ng mga motorista ay nasa lalawigan, sa kanilang mga ancestral homes, tourist destinations at ibang bansa para sa Mahal na Araw.  (Kuha ni Melo Acuna)

Samantala, gumagapang ang mga sasakyan sa North Luzon at South Luzon Expressways. Hindi na umuusad ang mga sasakyan sa Santa Rita-Pulilan, Bulacan hanggang kaninang pasado ika-labing dalawa ng tanghali. Umabot ang pila ng mga sasakyan hanggang limang kilometro.

Mabagal din ang daloy ng mga sasakyan sa South Luzon Expressway lalo na't palabas na sa Calamba exit. Patuloy na dumadagsa ang mga motorista sa magkabilang panig ng Metro Manila sa pag-asang makakauwi para sa Semana Santa. Samantala, napakaluwag na ng mga lansangan sa Metro Manila ngayon.

ASIAN DEVELOPMENT BANK, NAGALAK SA RATING NA NATAMO NG PILIPINAS

IKINATUWA ng Asian Development Bank ang rating na natamo ng Pilipinas mula sa Fitch Ratings kahapon. Ayon sa isang pahayag na inilabas ng pangrehiyong bangko, hindi kailanman naganap ang ganitong pagkakataon sa bansa at maaaring maging dahilan na ng karagadagang investments na maghahatid sa susunod na antas ng kaunlaran.

Ito ang pahayag ni Norio Usui, Country Economist ng Asian Development Bank. Ang maayos na mga palatuntunang makakatawag-pansin ng mga mangangalakal, mas magandang business climate at mas malawak na kalakaran ng ekonomiya ang magiging daan tungo sa kaunlaran.

Idinagdag pa ni Ginoong Usui na nasa kamay na ng mga pinuno ng bansa kung anong paraan ang gagawin upang mas marami ang makinabang sa pangyayaring ito at kung paano magkakaroon ng mas marami at magagandang mga hanapbuhay.

PILIPINAS, LUMAHOK SA GUANGZHOU INTERNATIONAL TRAVEL FAIR

NAPANSIN ng karamihan sa dumalo sa Guangzhou International Travel Fair ang paglahok ng Pilipinas sa layuning magkaroon ng isang milyong turista mula sa Tsina.

Ang delegasyon ng bansa ay pinamunuan ng Department of Tourism sa pamamagitan ng Philippine Tourism Promotions Board at Philippine Tourism Office sa Shanghai at nakasama rin ng major sponsors nito tulad ng Cebu Pacific, Liwayway China Ltd. at San Miguel Brewery.

Sa pagtatapos ng travel fair, napili ang Pilipinas bilang Most Popular Destination.

MGA PILIPINO, MAGTUTUNGO NA SA MGA SIMBAHAN PARA SA MAHAL NA ARAW

MARAMING mga Pilipino ang magtutungo sa mga Simbahan ngayong araw na ito upang lumahok sa mga seremonya na gumugunita sa pasyon ng Panginoong Hesukristo.

May mga pami-pamilyang nasa tradisyunal na pagdalaw sa mga Simbahan mula ika-pito hanggang hatinggabi at nagdarasal sa Santissimo Sacramento sa mga espesyal na altar na inihanda para sa hapon at gabing ito.

MGA KALALAKIHAN NASA RETREAT.  Isa sa mga kinaugalian ng mga Pilipino ang dumalo sa Holy Week Retreat na sinimulan ngayong Huwebes Santo hanggang sa Sabado Santo.  Kuha ang larawan sa Celestino Dizon Auditorium ng University of Asia and the Pacific sa Pasig City. (Kuha ni Melo Acuna)

Mayroon ding mga pamilyang nagsasagawa ng kanilang "Way of the Cross" o Daan ng Krus tungkol sa paghihirap ng Panginoong Hesukristo. Samantala, mayroon ding mga idinaraos na Holy Week Retreats na sinimulan ngayon hanggang sa Sabado de Gloria tulad ng nagaganap sa University of the Asia and the Pacific sa Pasig City na katatagpuan ng may isang-daang kalalakihang nagdarasal at nagmumuni-muni sa mga nagaganap sa kanilang buhay ispirituwal.

 MGA SIMBAHAN NAGHAHANDA NA PARA SA "HULING HAPUNAN."  Ginugunita ang "Huling Hapunan" ng Panginoong Hesukristo sa liturhiya ngayong dapithapon sa lahat ng mga Simbahang Katolika sa Pilipinas.  Isa sa mga naghahanda ang magandang kapilya ng mga Opus Dei sa Pasig City sa Metro Manila. (Kuha ni Melo Acuna)

Bukas, pagsapit ng Biyernes Santo, mayroong ilang mga Pilipinong magpapapako sa Krus sa Pampanga kahit pa mahigpit itong tinututulan ng Simbahang Katolika. Unti-unti nang nagiging tourist event ang pagpapakong ito sa Cutuc, San Fernando, Pampanga.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>