Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FINDING MR. RIGHT

(GMT+08:00) 2013-04-01 18:30:10       CRI

Isa sa mga dahilang kung bakit pinanood ko ang pelikulang Finding Mr. Right ay dahil kay Tang Wei. Kilala nyo ba si Tang Wei? Siya ay artistang Tsino na naging matunog ang pangalan dahil kanyang pelikulang Lust Caution at inabangan ang kanyang comeback film sa mainland na Late Autumn.

Kasalukuyang ipinalalabas ngayon dito sa Beijing ang nasabing pelikula. Ito ang ikalawang proyekto ng writer-director na si Xue Xioalu. Si Xue Xiaolu ang director ng heavy drama na Ocean Heaven na pinagbidahan ni Jet Li at tungkol sa isang tatay na malapit nang mamatay at ihinahanda ang kanyang anak na autistic sa pag-iisa.

Kasama ni Tang Wei sa cast sina Wu Xiubo (Frank), Hai Qing (Zhou Yi), Mai Hongmei (Chen Yue) at Elaine Jin (Mrs. Huang). Rom-Com o romantic comedy ang Finding Mr. Right. Tungkol ito kay Jiajia (Tang Wei) isang materyosang babae na nakatira sa Beijing, at kabit ng isang mayaman at may asawang negosyante. Nabuntis si Jiajia at lumipad papuntang Seattle para doon isilang ang kanyang anak.

Si Jiajia at ang kanyang bags

Si Frank

Sina Frank at Jiajia

Si Zhou Yi

Pero biglang nagkaproblema ang kanyang mayamang boyfriend. Nawala ang sustento. Nawala din sa eksena. Enter ang "dead beat" pero maaalalahaning si Frank (Wu Xiubo). Si Frank ang nasa tabi nya hanggang maisilang nya ang kanyang baby.

Anong klaseng lalaki ba ang Mr. Right ni Jiajia? At paano niya natukoy ang lalaking tunay na mahal niya? Yan ang buod ng pelikula.

Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula ang ilang mga isyu na pina-hagingan ng pelikula. Ito ay walang iba kundi ang usapin tungkol sa mga kabit na nabubuntis sa Tsina.

Tama kasi ayon sa batas bawal ito. Kung walang marriage certificate di-pwedeng akuin na legal ang pagbubuntis. Di sya pwedeng sumailalim sa pre-natal check up. At pag sinilang ang bata hindi ito bibigyan ng birth certificate. Dahil ang bottom line bawal ang maging kabit. At anumang bunga ng relasyon ay bawal din.

Hindi lang siya love story pero sinamahan ni Xue Xioalu ang kanyang script ng isang napapanahong usapin, pagiging materyosa at ang pagpatol sa may asawa.

Napakarami kasing mga babae ngayon ang baliw na baliw sa mga designer bags at napaka witty ng paraan ni Xue Xiaolu para ipakita ang kababawan ng pagkahilig sa mamahalin pero walang tunay na kahulugang regalong ito.

May isang linya akong nagustuhan sa pelikula, nang sabihin ni Jiajia na gusto nyang patunayan na pwede siyang maging mabuting ina kahit kabit siya. Gusto niyang isilang ang bata at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina.

Nakaka-enganyo din ang musical score ng pelikula at ang mga kanta ay nasa wikang Ingles. Upbeat sa simula pero nagiging melodramatic na bandang huli. Trivia, ang huling pelikula ni Tang Wei na Late Autumn ay sa Seattle din kinunan. Surprise para sa akin na pwede rin sa comedy si Tang Wei. Dahil ang nakaraan nyang mga pelikula ay puro siryoso at may dark side.

Nakakatuwa dahil pinanood namin ang pelikula kasama ang ilang mga kaibigan sa CRI. Siguro may 10 kaming nagkasabay-sabay sa sinehan. At matapos mapanood ang pelikula tinanong namin ang rating ng ilan sa pelikula.

MOVIE BUDDIES RATING:

Machelle 9.5 / Andrea 9.5 / Ernest 9.5 / Lea 9.5 / Sylvia 10

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>