Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

COLDWAR

(GMT+08:00) 2013-04-15 12:05:16       CRI

Nang ipalabas ang Infernal Affairs, binago nito ang takbo ng mga pelikulang aksyon sa Hong Kong. Makalipas ang sampung taon, hangad din ng pelikulang Cold War ang mag-iwan ng marka sa kasaysayan ng cinema. Ang Coldwar ay unang pelikula ng tambalang Longman Leung at Sunny Luk.

Cast:

Aaron Kwok, Tony Leung Ka-Fai, Charlie Yeung, Gordon Lam, Eddie Peng, Chin Kar-Lok, Aarif Lee, Andy On, Andy Lau at Michael Wong

Si Tony Leung Ka-Fai

Sina Aaron Kwok at Gordon Lam

Si Eddie Peng

Sina Andy Lau at Charlie Yeung

Kwento:

Sumabog ang isansg bomba sa Mongkok District ng Hong Kong at ilang sandal ay naglaho ang Emergency Unit van kasama ang lulan nitong 5 pulis.

Nagkataong nasa abroad ang Police Commissioner kaya para ipakitang nanatiling pinakaligtas na lungsod ang Hong Kong sa Asya, isinagawa ni M.B. Lee (Tony Leung Ka-Fai), Deputy Commissioner of Police Operations, ang imbestigasyon.

Di siya makapaniwala na sa kabila ng napakalaking budget na laan sa technology department, nangyari pa rin ang pag-atake sa lungsod at walang leads sa mga na-kidnap na mga pulis.

Tinipon niya ang lahat ng police units at binuo ang operation "Cold War". Samantala si Deputy Commissioner of Police Management Sean Lau (Aaron Kwok), ay naniniwalang wala sa lugar ang mga aksyon ni Lee. Sa tingin nya ang power of judgment ni Lee ay apektado dahil isa sa mga nakidnap ay anak niya (Eddie Peng).

Kaya isang labanan para sa predominance ang nangyari sa pagitan ni Lee at ni Lau at habang nagaganap ang iringan ng 2 police officials nakatanggap sila ng tawag para sa ransom . May mole din sa police force na kasabwat ng mga kidnappers.

Mga pulis na namamahala sa "Cold War"

Dahil dito naging kumplekado ang imbestigasyon at tila laging alam ng mga kidnappers ang galaw ng pulis. Isa sa mga element na iba sa pelikula ay ang pagdetalye sa standard protocols ng kapulisan at ang mga batas ng SAR.

Kung noon karamihan ng mga action movies ng HK ay tungkol sa mga gang crimes, ang pelikulang ito ay nagbigay paliwanag sa mekanismo ng pwersa ng kapulisan at ang Independent Commission Against Corruption sa Hong Kong. Ang screenplay ay nag-aalok ng sala-salabat na istorya, pero kung hihimayin ito ay simpleng kwento ng betrayal at power stuggle.

Ito ang unang tambalan nina Direk Longman Leung at Sunny Luk. Si Leung ay award-winning production designer at si Luk ay well-known assistant director at ang dalawa nasa ilalim ng patnubay ng veteran producer na si Bill Kong.

Ang mga eksena ay nakakamangha. Ang mga sets ay pinili at classy ang look. Kaya sa kasalukuyan pwedeng sabihin na ang Coldwar ang pinaka visually appealing na pelikula mula sa Hong Kong. Ito ay may polished at expensive look.

Isa sa mga attractive features ng pelikula ay ang Hollywood-styled cinematography at syempre dahil action genre may car races, explosions at gun play.

Saludo kami sa mga Directors of Photography na sina Jason Kwan at Kenny Tse. Bagat di makulay ang cinematography, at madalas tila kulay abo o gray ang imahe, ang kanilang mga sweeping crane at aerial shots ng Hong Kong lalo sa gabi at ang mga gusaling may ilaw na neon ay walang paris sa ganda at nagbibigay ng pakiramdam na buhay na buhay ang lungsod.

Tensed. Yan ang pakiramdam ng pelikula di naman end of the world pero ang asta ni Aaron Kwok at Tony Leung Ka-Fai ay laging tensed. Dinagdagan pa ng soundtrack ni Peter Kam na bombastic.

Lalakad lang si Lau, nerve-racking music, magbabasa siya ng ilang files, adrenaline-pumping sounds, makikipag-usap lang si Lau ay yumayanig na ang speakers dahil sa musical tension. Isa itong paraan para sumakay ang mga manonood sa takbo ng istorya at manabik sa kalalabasan nito.

32nd Hong Kong Film Awards Nominations: Best Film, Best Director, Best Screenplay

Best Actor (Tony Leung Ka-fai), Best Supporting Actor (Gordon Lam), Best New Performer (Alex Tsui Ka-kit), Best Cinematography, Best Editing, Best Action Choreography, Best Sound Effects, Best Visual Effects, Best Original Film Score

19th Hong Kong Film Critics Society Awards Nominations: Best Film, Best Screenplay

Best Actor (Tony Leung Ka-fai)

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>