Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Go Lala Go

(GMT+08:00) 2013-04-23 11:41:42       CRI

Si Xu Jinglei, ang artista, writer at direktor ng Dear Enemy na ni-review namin dito noong isang taon.

Tipikal na urban comedy ang Go Lala Go! Sa pelikulang ito iniwan na ni Xu ang kanyang pagkiling sa isitlong art house na nakita sa pelikulang "Letter from an Unknown Woman. " Ang Go Lala Go! ay mas may buhay, sosyal and dating at komersyal ang kalidad.

Pareho ito ng style ng pelikula sa "The Devil Wears Prada". Ito ay batay sa nobelang "A Story of Lala's Promotion" ni Li Ke at ginawa ang movie version para sa hip and young Chinese market. Mega-hit ang pelikula at kumita ito ng 100 million Yuan. Multi-function ang sikat na blogger sa pelikulang ito dahil bukod sa pagiging bidang aktres, siya din ang director at writer nito. Bukod kay Xu Jinglei, ang screenplay ay isinulat din nila Yun Wang at Meng Zhao.

Si Xu ang gumanap sa papel ni Du Lala, isang babaeng higit 20 anyos na nakakuha ng trabaho bilang simpleng sekretarya sa Sales Department ng isang sikat na dayuhang kumpanya.

Si Xu Jinglei

Si Stanley Huang

Si Lala ay masipag, dedicated, at nag-uumapaw sa mga ideya at laging masigla. Kaya napansin siya agad ng kanyang mga boss. Isa na rito si Director Huang Wei (Taiwanese popstar Stanley Huang). Nagbunga ang mga hirap ni Lala dahil mabilis siyang umangat sa corporate ladder. At nagka admirer pa siya sa gitna ng pagiging busy niya.

Kaso may mga hadlang sa kanyang pag-asenso sa trabaho at sa personal niyang buhay.

Bawal ang office romance kaya ano ang pipiliin ni Lala? Love o career?

Sina Xu Jinglei at Stanley Huang

Problema at kontra-bida ang Ex ni Huang Wei's (Karen Mok), na isa ring Direktor sa kumpanya. Tinatarayan at pinahirapan niya si Lala dahil nagseselos siya dito.

Sina Karen Mok at Stanley Huang

Kinumpara ng mga kritiko ang pelikulang "Go Lala Go!" sa pelikula ni Zhang Ziyi na "Sophie's Revenge" isang romantic comedy. Pero pag napanood ang pelikula ni Xu mas lutang na gusto ng direktor ang gawing light and easy to follow na pelikula kesa maging malalim at palaisipan.

All out ang pelikula sa pagpili ng good looking cast na kinabibilangan nila Jinglei Xu – bilang Du Lala at Stanley Huang bilang Wang Wei, kasama sina Ai Li, Karen Mok, Mei Gui Ning Song, Jing-ying Wang at Pace Wu.

Napaka-gara ng mga damit parang fashion show ito dahil talagang pinili ng stylist ang mga usong damit. Pagdating sa set, hitik ito sa urban hip detail – bawal ang baduy sa pelikulang ito.

Kung ilalarawan ang istilo ng pagdidirek puno ito ng energy at maaliwalas ang dating sa screen. May cartoonish touch, mabilis na editing .

Nagustuhan ko ang paggamit sa mga lokasyon sa Beijing at mga beach ng Thailand. Tama ang mga review dahil isang eye candy ang pelikula – puno ng magagandang mga tanawin at easy viewing. Palalampasin ko na lang ang mga product placements dahil kailangang kumita ng pelikula.

Pero ayon sa isang write-up ang mga product placements ay simbolismo sa materialistic na tema ng pelikula. At ipinakikita nito ang paghahabol sa tagumpay sa loob ng isang opisina at pagkakaroon ng pera at di na ito nagbigay ng mga lessons in life na pwedeng pag-isipan ng mga manonood.

Pero sa tingin ko ang isa mga lessons ng pelikula ay ang kahalagahan ng pagiging masipag at magaling sa trabaho para maging matagumpay sa trabaho. Di mo kailangan na maging madaya para umasenso.

Kung comedy naman ang pag-uusapan, nakakatawa ang pelikula lalo na si Xu. Ang karakter niyang si Lala ay madaling magustuhan at magaling din sa pagpapatawa ang mga kasama nitong mga artista.

Pagdating naman sa romantic side medyo light at di masyadong emosyonal, nakakakilig na rin ang ligawan nila Lala at Huang Wei. At naisingit din ng direktor ang ilang do's and don'ts sa office based relationships.

Napaka entertaining ng "Go Lala Go!" tiyak na magugustuhan ng mga fans ng romantic comedies. Napatunayan na ni director Xu Jinglei na kaya niyang gumawa ng mga pelikula na malalim at artistic at ngayon sa pelikulang ito nakita natin na kaya rin niya ang popcorn cinema. At matagumpay siya dahil hit na hit ang movie na ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>