![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Noong ika-18 ng Abril, isang balita hinggil kay Pangulong Xi Jinping Tsina ang lumabas sa Takungpao ng Hong Kong at ito'y nakatawag ng pansin at pagsipi ng mga media sa mainland ng Tsina. Anang balita, gabi ng unang araw ng Marso, nag-taksi si Pangulong Xi, kasama ang isang working staff, mula Gulou patungo sa Diaoyutai Hotel. Kinapanayam ng mga mamamahayag ng Takungpao ang naturang taxi driver at iniulat din ang mga detalye na gaya ng nilalaman ng pag-uusap nina Xi at ng tsuper, fee tip at larawan ng nakasulat na mensahe ni Xi.
Ang naturang mga balita ay hindi lamang sinipi ng mga media, kundi nakatawag ng pansin at pagtalakay ng mga netizen na Tsino. Sa Sina Weibo, katumbas ng Twitter at Facebook, ang balitang ito ay pinakamainit na paksa sa pagitan ng mga tao. Pero kahapon ng hapon, biglaang nagpalabas ang Xinhua News Agency ng isang balita na nagsasabing mali at peke ang balita ng Takungpao hinggil sa pagtataksi ni Xi at pagkaraan nito, mabilis na kinansela ang naturang balita at nagpahayag ang Takungpao ng paumanin sa mga netizen at mambabasa.
Walang duda, walang anumang media ay lubusang tama. Pero kaugnay ng nabanggit na pangyayari, mayroon ding mga elemento na hindi pa maliwanag.
Una, bago sinipi ng mga media ang balita ng Takungpao, bakit hindi isinaagawa ang masusing pagsusuri sa katotohanan ng balitang ito. Ikalawa, ano ang mga palatandaan ng Xinhua News Agency sa ulat nito na nagsasabing mali at peko ang balita ng Takungpao?
Sa katotohanan, bago ang balita ng Xinhua News Agency, mayroon ding mga netizen ay nagduda sa balita ng Takungpao. Ikinumpirma nila ang mga larawan ng nakasulat na mensahe ni Xi noong dati at iyong sa taxi driver. Natuklasang magkaiba ang paraan ng pagsusulat ng characters sa pagitan ng mga ito.
Ayon sa tadhana, ang mga pang-araw-araw na trabaho ni Xi ay palagiang isinasaayos ng General Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ang gawaing panseguridad niya ay isinasabalikat ng Central Guard Bureau ng Komite Sentral ng CPC.
Kaya para sa mga media, kung gusto nilang malaman ang katotohanan ng balitang ito, puwede nilang tatanungin ang naturang dalawang departamento. Kung hindi sasagot ang naturang mga departamento dahil sa mga tadhana sa seguridad, maari din nilang tawagan ang taxi driver o ang Diaoyutai Hotel, ang umano'y destinasyon ni Xi sa balita ng Takungpao, para suriin ang katotohanan ng naturang balita.
Kaya para sa mga mamamayan, hindi nila alam kung ano ang pangyayari talaga. Nagtaksi ba si Pangulong Xi? Ano ang mga katibayan ng Xinhua News Agency? At ano ang layunin ng naturang taxi driver sa balita ng Takungpao?
Ang kalayaan sa pagulat ay kapangayrihan ng mga media, kasabay nito, dapat ding isabalikat ng mga ito ang responsibilidad sa pagkakaloob ng katotohanan sa mga audience.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |