Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ipatatanggol ng Pilipinas ang nasasakupan nito

(GMT+08:00) 2013-05-23 18:46:28       CRI


Ipatatanggol ng Pilipinas ang nasasakupan nito

IPAGTATANGGOL NG PILIPINAS ANG NASASAKUPAN NITO.  Ito ang reaksyon ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa pamamagitan ni Asst. Secretary Raul Hernandez matapos mabalita ang pag-ikot ng isang barkong pandigma at dalawang escort ships malapit sa Ayungin Shoal.  Sinabi na rin ng Tsina na nasasakupan nila ito.  (File photo ni Melo Acuna)

NANGAKO ang Pilipinas na ipagtatanggol ang nasasakupan nito. Ito ang reaksyon ng Pilipinas sa pag-ikot ng isang barkong pandigma ng Tsina sa isang batuhang kinalalagyan ng Philippine Marines.

Ayon sa mga balitang lumabas sa mga pahayagan sa Kamaynilaan, nagprotesta na ang Pilipinas sa sinasabing illegal na pagpasok ng barko ng Tsina malapit sa Ayungin Shoal na kilala rin sa pangalang Second Thomas Shoal. Iginiit ng Tsina na pag-aari nila ang batuhan.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na ang barkong padigma kasama ang dalawang patrol vessels at ilang mga bangkang pangisda ay nananatili sa may batuhan.

Ani Ginoong Hernandez, walang karapatan ang mga sasakyang-dagat na ito sa nasasakupan ng Pilipinas at handa ang Pilipinas na ipagtanggol ang nasasakupan nito.

Obligasyon ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at Tanod Baybayin ng Pilipinas na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

Sinabi na ng Tsina na halos lahat ng West Philippine Sea kasama na ang karagatang malayo sa kanilang lupain na bahagi ng kanilang nasasakupan.

Kasama ng Pilipinas na naghahabol sa ilang mga pulo sa karagatan ay ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.

Naroon sa Ayungin Shoal ang ilang kawal ng Philippine Marines at may 41 kilometro sa silangan ng Panganiban Reef, isang maliit na pulo na pinasok ng mga Tsino noong 1995.

Australia at ILO, naglaan ng pondo para sa mga nawalan ng hanapbuhay

MATAPOS ang halos limang buwan matapos ang mapaminsalang bagyong Pablo (Bopha) na tumama sa Davao Oriental sa silangang Mindanao, ang mga mamamayan ng Baganga, Cateel at Boston ang nangangailangan pa ng tulong.

Higit sa isang milyong manggagawa ang nawalan ng pinagkakakitaan. Karamiha'y mga unskilled laborer, mga magsasaka at mga kabilang sa pamilyang hindi sumasahod dahilan sa kawalan ng kakayahan, mababang kita at limitadong kakayahang makatamo ng social security tulad ng health insurance, calamity loans at iba pang uri ng social protection.

Ang Australian Agency for International Development (AusAID) sa Maynila ay lumagda sa isang kasunduang nagkakahalaga ng higit sa P 37 milyon na itinuturing na grant agreement sa International Labour Organization sa Pilipinas. Ang pagtutulungang ito ang magbibigay ng hanapbuhay, magdaragdag sa kanilang kakayahang kumita at magsusulong sa pangmatagalang hanapbuhay na gagamit ng local resources sa mga bayan ng Boston at Cateel.

Sinabi ni Australian Ambassador Bill Tweddell na ang pagtugon sa mga kalamidad ay prayoridad ng aid program ng kanyang bansa sa Pilipinas. Tutulong ang Australia sa mga pamilyang apektado ng trahedya upang makabangon sa kahirapan.

May isang libong mga pamilya ang magkakaroon ng madaliang pagkakakitaan sa pamamagitan ng emergency employment at matulungan silang magkaroon ng matagalang hanapbuhay sa pag-aayos ng mga napinsala ng bagyo. Kasama rin sa proyekto ang environmental protection at conservation upang maiwasan ang panibagong dagok ng malalakas na bagyo.

Kasama sa proyekto ang Food and Agriculture Organization, Departments of Social Welfare and Development, Labor and Employment, Interior and Local Government at Agrarian Reform. Kasama rin ang iba't ibang samahan sa komunidad.

Nagbigay na ang AusAID ng higit sa P 12 milyon para sa livelihood recovery initiatives sa Baganga. Umaasa sa Jeff Johnson ang ILO Country Director sa Pilipinas na makakatulong ang proyekto sa mga napinsala ni Pablo noong nakalipas na Disyembre.

Arkediyosesis ng Nueva Segovia, tuloy sa programa sa Year of Faith

TULOY ANG PALATUNTUNAN SA YEAR OF FAITH.  Ayon kay Nueva Segovia Archbishop Ernesto A. Salgado na umiikot na ang kanyang koponan sa iba't ibang vicario upang magsanay ng kanilang mga tagapagsalita sa iba't ibang parokya.  Paksa ang mga araling itinadhana sa Year of Faith. (Larawan ni Melo Acuna)

TULOY ang palatuntunan ng Arkediyosesis ng Nueva Segovia sa Year of Faith. Sa isang panayam kay Arsobispo Ernesto A. Salgado sa kanyang tanggapan dito sa Lungsod ng Vigan na dumadalaw ang kanilang koponan sa bawat vicario ng arkediyosesis at nagsasanay ng mga magbibigay ng mga paliwanag sa Year of Faith sa iba't ibang parokya. Ang mga sinasanay na magsasalita ang siyang iikot sa iba't parokya upang bigyang pansin ang nilalaman ng panalangin sa pananampalataya.

Mayroon ding mga nakalaang mga pagpupulong ng iba't ibang sektor sa lipunan mula sa mga mag-asawa, sa mga kadalagahan at kabinataan, mga kabataan at maging mga naglilingkod sa Simbahan tulad ng mga lector, altar servers at iba pang mga ministro.

Layunin ng mga pagpupulong na ito na pasiglahin at pagibayuhin ang pananampalataya. Mayroong mga Katoliko na lamang sa pangalan kaya't nagkakaroon ng iba't ibang pananaw sa mga isyu ng Simbahan at Lipunan.

Sa katanungan kung nagkaroon ng Catholic vote, sinabi ni Arsobispo Salgado na nadama ang kampanya ng mga laiko laban sa mga nagtaguyod ng kontrobersyal na Reproductive Health bill kaya't naging batas ito. Naging aktibo rin ang Movement Against Dynasties sa arkediyosesis.

Kinondena rin ni Arsobispo Salgado ang balitang nakarating sa kanya na umabot sa P15 hanggang 16 na libo ang ibinayad sa ilang mga pamilya na mayroong tatlo o apat na botante.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>