Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

McDull, Pork of Music

(GMT+08:00) 2013-06-05 16:45:19       CRI

Ang kuwento ni McDull ay isinulat ni Brian Tse at inilarawan ni Alice Mak, mag-asawa at kapuwa taga-HK.

Ang pelikulang ito ay isang kuwento hinggil sa paghahanap ng pangarap. Si McDull ay isang batang baboy at mahilig siya sa pag-awit. Kaya, ipinadala si McDull ng nanay niya sa Flower Kindergarten. Ang master ng Flower Kindergarten ay isang magaling na granddaddy. Noong bata pa siya, gusto niyang maging isang musician, pero, hindi siya tagumpay. Pagkatapos, siya ay naging master ng Flower Kindergarten, at nagtuturo siya ng pag-awit sa mga bata bawat araw. Isang araw, naharap ang kindgarten sa krisis pangpinansiya. Naubos ang pera nito, kaya sa pamumuno ng master, binuo ni McDull at mga classmates niya ang Flower Chorus. Walang humpay silang nagsikap para matupad pangarap nilang maging musician.

Ang Flower Chorus

Kawili-wiling ang pelikulang ito, pero, bukod sa mga funny scene, mayroon ding mga makabagbag-damdamin na plot ang pelikulang ito. Halimbawa, ang master ng kindergarten ay isang matandang tao, samantalang bata baboy naman si McDull. Kahit malaki ang agwat ng kanilang gulang, pareho naman ang pangarap nila. Kaya, nakatulong sila sa isa't isa, at sila ay nagpunyagi upang maabot ang kanilang pangarap na maging musician, sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Si McDull at ang kanyang nanay

Sa banding huli, hindi naging isang musician si McDull. Kaya dinamdam ng ilang tagapanood ang "not so happy ending" ng pelikulang ito. Pero, ipinalalagay rin ng ilang tagapanood na mabuti naman ang ending nito. Kasi no matter how difficult ang pamumuhay, hindi pa rin nakalimutan ni McDull ang kanyang pangarap. "Never give up," napakahalaga ito. Mahalaga rin ang pag-eenjoy ng proseso ng pagsisikap para maabot ang pangarap.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>