Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

American Dreams in China

(GMT+08:00) 2013-06-13 19:04:58       CRI

Isang coming of age movie ang American Dreams in China. Ibig sabihin, ito'y nagpakita sa buhay ng 3 tao simula sa kabataan hanggang sa maging matagumpay sila.

At ito ay tungkol sa pagkakaibigan at pagpupursige nina Cheng Dongqing (Huang Xiaoming), Wang Yang (Tong Dawei) at Meng Xiaojun (Deng Chao) para makamit ang tagumpay.

3 partners

Si Cheng Dongqing

Si Wang Yang

Si Meng Xiaojun

Bukod sa buhay ng 3 bida sinilip din nito ang kalagayan noong dekada 80 kung saan maraming mga Tsino ang gustong pumunta sa America para mag-aral at makipagsapalaran sa "Land of Opportunity"

TALAKAYAN SA PROGRAMA:

• Yu Minhong, Sino siya?

Si Yu Minhong

• Pokus ng pelikula ang pag-aaral ng wikang Ingles. Napakaraming tutorial centers sa Tsina hindi ba sapat ang pag-aaral ng wikang ito sa mga regular na eskwelahan?

• Bakit noong 1980s may exodus ng mga undergraduates papuntang USA at bakit sa isip nila sa USA lang nila makukuha ang magandang kinabukasan?

• American Dream noon, Chinese Dream ngayon. Ano ang pagbabago sa kasalukuyan kaisipan ng mga Tsino hinggil sa pagpunta sa ibayong dagat?

• Bakit hindi pwedeng magsosyo ang magkakabarkada? Sa pelikula ano ba ang mga pinagtalunan at pinag-awayan nila Cheng Dongqing at Meng Xiaojun?

• Ano ang pinakamahalagang mensahe ng pelikula?

Mainit na pinag-usapan sa Weibo ang pelikula, Marami ang bumatikos dito dahil sa depinisyon ni Peter Chan, Direktor ng pelikula sa tagumpay. May mga nagsabi na wala itong kwenta dahil sinusukat nito ang tagumpay sa pamamagitan ng pagkamal ng sako-sakong pera, IPO sa Amerika at ang pagyayabang sa lugar kung saan minsan napahiya ang isang bida.

Di rin nakaligtas sa mga manonood ang eksena sa kasal ni Wang Yang, kung saan ibinahagi niya ang 3 pinaka-importanteng bagay na natutunan niya sa buhay : 'wag makipaglaro ng mahjong sa biyenan, 'wag papatol sa babaeng mas matalino sa iyo at 'wag papasok sa negosyo kasama ang iyong mga matatalik na kaibigan.

Sa pagtatapos ng pelikula binigyang pugay ni Peter Chan ang ilang Tsino na nagtagumpay sa kani-kanilang mga negosyo. Kabilang dito sina Jack Ma ng Alibaba Group Holdings, Lenovo Founder, Liu Chuanzhi, ang CEO ng Sohu.com na si Charles Zhang, si Wang Shi kilalang Real Estate mogul at ang dating Google China big boss na si Kai Fu Lee.

MOVIE BUDDY RATING; Andrea 9 / Ernest 9

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>