Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panauhing Thai, dadalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-06-17 18:30:03       CRI

International Outsourcing Summit, idaraos sa Pilipinas

MAGSASAMA-SAMA ang mga dalubhasa sa larangan ng information technology at business process outsourcing sa darating na ika-anim hanggang ika-walo ng Oktubre para sa International Outsourcing Summit,

May tema itong "Unlocking Possibilities, Creating New Vistas," matutuon ang pag-uusap sa epekto ng global power shift at kung paano gumagalaw ang mga umuunlad na bansa sa larangan ng innovation at pagpapalawak ng business opportunities.

Ayon kay Jose Mari Mercado, pangulo ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines, sa nakalipas na limang taon, ang international outsourcing summit ay nagkaroon ng mahalagang papel sa pagpapayabong ng information technology at business process management sa bansa. Nagiging dahilan din ito ng partnerships at pagpapalitan ng expertise. Idaraos ito sa Makati Shangrila Hotel.

Bantayog ni Rizal, pinasinayaan sa Cadiz City sa España

BANTAYOG NI GAT JOSE RIZAL, PINASINAYAAN SA CADIZ CITY. Pinamunuan ni Senador Edgardo J. Angara ang pagpapasinaya sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Cadiz City, Espana.  Ang seremonya ay sa pamumuno ni Philippine Ambassador to Spain Carlos C. Salinas at dinaluhan ni Cadiz City Mayor Teofila Martinez.  Nagtanghal din ang tanyag ni biyolinistang si Alfonso Bolipata.  Ang naglilok ng imahen ay kilalang iskultor at ceramist na si Raimundo Folch na isinilang sa Maynila.  (Contributed Photo)

PINASINAYAAN noong Biyernes ang bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Heroes' Park sa Cadiz City ni Senador Edgardo J. Angara kasama si Philippine Ambassador to Spain Carlos Salinas.

Sa kauna-unahang pagkakatao, ang imahen ni Dr. Jose Rizal ay makakasama na ng iba pang personalidad mula sa kasaysayan ng Cadiz, ang pinakamatandang lungsod sa buong Espana.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Senador Angara na ang bantayog na ito ang nagpapakita ng pinag-isang kasaysayan ng dalawang bansa na nagpapakita ng pagunlad ng relasyon mula sa pagiging kolonya hanggang sa maging kapantay na mayroong pinag-isang kinabukasan ng pagtutulungan.

Si G. Angara, ang may akda ng batas na nagtatakda ng Philippine-Spanish Friendship day, ay nagsabing mahalaga ang ang Lungsod ng Cadiz sa kasaysayan ng Pilipinas sapagkat malaki ang papel nito sa panahon ng Galleon Trade at maihahalintulad sa Maynila. Ang mga paninda mula sa Asia ay dadalhin sa Cadiz upang ipagbili sa buong Europa, na naging dahilan ng pagkalat ng iba't ibang paniniwala, tradisyon at mga pag-uugali.

Sa Cadiz din nagmula ang Cadiz Constitution of 1812 na naging inspirasyon sa Propaganda Movement at naging daan upang maganap ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1898.

Unang taunang Diocesan Bible Conference sinimulan

UMABOT sa 120 katao mula sa iba't ibang religious congregations, lectors, commentators ng mga parokya at mga guro ng Relihiyon sa Bacolod City ang lumahok sa Bible Conference 2013 kamakilan sa St. John Marie Vianney Hall. Mayroon ding 132 lumahok sa talakayan sa St. Pio Hall sa Sacred Heart Seminary.

Ang Diocesan Bible Conference ay isang tauhang pagtitipon na layuning mapalalim ang pagkilala sa Sacred Scriptures. Layunin ding magkaroon ng tinaguriang Bible Faith Sharing sa mga Katoliko sa Diocese of Bacolod.

Naging panauhing tagapagsalita si Sr. Niceta Vargas, OSA, isang scholar ng Johanine Literature at may Doctorate of Philosophy in Religious Studies/New Testament mula sa Catholic University of Louvain sa Belgium. Nagsalita rin si Fr. Deogracias Aurelio Camon, Director ng Diocesan Biblical Commission.  


1 2
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>